Chapter 44

1383 Words
Ilang buwan na ang nakalipas, at tahasang sinabi sa akin ni Regina: "Hindi ka compatible kay Enzo. Hindi kayo pwedeng magkasama sa kahit anong proyekto." Pero, ang tanong ko ngayon? Anyare teh? Ngayon, nakaupo siya sa harap ko, kalmado at walang bakas ng pag-aalinlangan. “You’ll lead the Orion takeover,” aniya. “And Ava—ang magiging partner mo? Si Enzo.” Parang gusto kong lumunok ng thumbtacks. Napalunok nalang ako, pilit naghahanap ng dahilan para magprotesta, pero kahit anong pilit kong pagpiga sa utak ko, wala akong mahagilap na valid excuse. Diyos ko, sa lahat naman ng makakasama, bakit si Enzo pa? Tumingin ako kay Regina, naghihintay ng punchline. Pero hindi siya nagbibiro. Tahimik siyang nakatitig sa akin, parang may hinihintay na reaksyon—maliban sa paghagis ko ng upuan. “Hindi ba masyadong…” Iniling-iling ko ang ulo ko, pilit hinuhubog ang tamang excuse. “Iba ang style namin?” Mahirap ipaliwanag, pero si Enzo? Parang zen master ng corporate world. Tahimik, misteryoso, at nakakainis ang level ng pagiging chill niya. Ako? Walking corporate hurricane. Pero si Regina? Ngumiti, payapa pero malalim. “Precisely, Ava,” aniya, naglalaro ang tono sa pagitan ng I am the decision-maker of this company at I own your soul. “Ang kailangan natin ngayon ay hindi lang strategy. Kailangan natin ng unpredictability.” Napatingin ako sa kanya. Unpredictable? Ano ‘yon, code name ni Enzo? Diyos ko, please sabihin mong joke ‘to. Pero hindi. Wala siyang sinasabi, pero kita ko sa mata niyang ito na ‘yon. Sa gilid ng paningin ko, may gumalaw. Isang pamilyar na presensya. Naglakad papunta sa amin si Enzo—kampante, walang pagmamadali, parang wala siyang pakialam sa bomba na sumabog sa harap ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Awkward moment. Tense. Walang gustong lumingon. Pero sa loob-loob ko? Hindi ko rin alam kung mas matatakot ako sa fact na magiging partners kami, o sa fact na… Sh*t. Alam ko sa tingin niyang ‘yon—may ideya na siya. At ang mas lalong nakakainis? Mukhang nag-e-enjoy siya. Huminga ako nang malalim, pilit pinapanatili ang corporate composure ko. Ngumiti ako, hindi dahil sa saya—dahil gusto kong itago na gusto kong magsisigaw. Pero si Enzo? Nagtaas lang ng kilay, parang inaasar ako. Parang nagsasabing, "Ava, hindi mo ‘ko matatakasan. I know you." At ang mas nakakabuwisit? Oo nga. Biglang tumayo si Regina, kinuha ang mga files, at dumiretso palabas ng conference room. Iniwan niya akong nakatayo…kasama si Enzo. Nagtagal ang katahimikan. Parang corporate horror movie. Napangiti si Enzo, tahimik pero may bahid ng panunukso. “Looks like we're stuck with each other,” bulong niya. Tinitigan ko siya ng matalim. Mukha siyang kalmado. Ako? Gusto ko siyang sakalin. Biglang naalala ko ang huling project namin ni Enzo—walang tulugan, walang pahinga, puro bangayan hanggang madaling-araw. Muntik ko nang ihagis sa kanya ang laptop ko. Nightmare? More like corporate warfare. Pero ngayon, nandito siya ulit, nakatayo sa harap ko, at may nakaka-bwisit na ngiti na parang wala kaming history of near-homicide. Tumingala ako. Diyos ko, bakit siya mukhang kalmado?! “Sigurado ka ba diyan?” Mariin ang boses ko, pero pilit kong pinapanatili ang professionalism. Tiningnan niya ako, nakataas ang isang kilay, parang tinatantya kung sasabog na ba ako o hindi pa. “Sigurado saan?” tanong niya, kunot-noo kunwari, pero kita ko ang bahagyang ngiti niya—halatang iniinis lang ako. T*ngina, gusto ko siyang sabunutan. Bahagya siyang tumawa—hindi malakas, pero sapat para lalo akong mainis. “Tingin mo ba sisirain kita?” ani Enzo, ang tinig niya parang isang taong walang bahid ng duda. “Ava, alam mo, masyado kang praning.” Pinanood ko siya, ang paraan ng pag-relax niya sa upuan, ang kampante niyang energy na parang hindi ito high-stakes deal. Gusto kong magpakawala ng malutong na mura. Ngumiti siya, bumaling sa akin, at itinukod ang siko sa mesa. “Relax ka lang. Hindi naman ako nangangagat.” Nagtaas ako ng kilay, saka dahan-dahang nilapit ang ballpen ko sa kanya, para bang pinipindot ang isang nuclear button. “Sayang. Baka gusto mong simulan na ngayon?” Humagalpak siya ng tawa. Ako? Gusto kong lumabas sa sariling katawan ko at sapakin siya. Hinawakan ko nang mahigpit ang ballpen, naramdaman ang lamig ng metal sa palad ko. Control, Ava. Professional ka. Professional ka. Pero ang totoo? Mas gusto kong ibaon ‘to sa mesa kesa gamitin sa papel. Biglang tumayo si Enzo, nag-ayos ng kwelyo at lumapit isang hakbang lang—pero sapat para maramdaman kong lumiliit ang espasyo sa pagitan namin. Tumingala ako sa kanya, pilit hindi umaatras. Pero ang bwisit? Ngumiti ulit siya. Hindi na asar. Hindi na mapanukso. Ngumiti siya nang seryoso—at doon na talaga ako biglang kinabahan. Hindi ko maintindihan, pero bakit biglang bumigat ang ere? “Enzo,” babala ko, pero hindi ko alam kung anong exactly ang binabalaan ko. Mas lumapit pa siya. Hindi sa threatening way. Hindi rin sa flirtatious way. Pero sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya mula sa distansyang ‘yon. At put*ngina, bakit parang ako ang umatras? Pinilit kong iniangat ang baba ko, hindi ako papayag na siya ang may upper hand. Pero bakit parang ako ang na-corner? Nag-inhale ako nang malalim, pinilit ibinabalik ang composure ko. “Don’t worry,” aniya, mas malalim ngayon ang boses niya. “Sisiguraduhin kong hindi mo ‘to pagsisisihan.” Tiningnan ko siya, hindi sigurado kung pinapangako niya ‘yon… o tinatakot niya ako. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumalik sa akin ang unang pagkakataon na ngumiti si Enzo sa akin—walang dahilan, walang rason, pero hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang araw na yun. Ngayon, nandito ulit siya, nakatitig sa akin sa parehong paraan—parang may alam siyang sikreto na hindi ko pa gets. At put*ngina, bakit ganun pa rin ang epekto sa akin ng mga ngiti niya? Umiling ako, sinubukang alisin ang kung anumang delulu na dumadaan sa utak ko. “I just want to be clear—hindi ako masaya sa partnership na ‘to.” Pero kahit ako, parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Para bang masyado akong naging defensive sa mga oras na yun. Para bang hindi lang tungkol sa trabaho ang pinoproblema ko ngayon. Sh*t, Ava, ano ba ‘tong iniisip mo? Ngumisi si Enzo, nakasandal sa mesa, kampante pero may halong panunukso sa mata. “Sigurado ka ba talaga diyan?” tanong niya, bahagyang iniangat ang kilay. Nagkibit-balikat ako, halatang pilit. “One billion percent.” “Hmm.” Tumango siya, pero kita kong hindi siya naniniwala. “Okay.” At ang mas lalong nakakainis? Mukha siyang masaya na naiirita ako. Ramdam kong nag-iinit na ang pisngi ko. No. No. No. Hindi pwedeng ito ang moment na ‘yon. Mabilis akong tumingin sa ibang direksyon, kunwari may biglang mahalagang iniisip. Pero naramdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin—relaxed, pero parang ang saya-saya niyang makita akong hindi makapagsalita. T*ngina. Bakit parang ako yata ang talo rito? Biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napalingon. Si Jai. Nakataas ang kilay, parang may kung anong inaamoy na chismis habang nakasilip sa pagitan ng pinto. Oh, for f*ck’s sake. Napakurap si Jai, parang nag-reassess ng sitwasyon. Ako, mukhang na-corner. Si Enzo, mukhang walang pake. Nakangisi si Jai, parang asong nakahanap ng buto. “Uy,” aniya, nilakasan ang boses niya. “Ano ‘to?” Napahawak ako sa sentido ko. Patay. Eto na naman tayo. Tiningnan ko si Enzo, buti sana kung nahiya siya. Pero hindi. Mas lalo siyang ngumiti. “Sana hindi ako nakakaistorbo.” Napasinghap ako sa mapanuksong tono ni Jai. Hindi ko siya sinagot. Instead, bigla akong lumayo kay Enzo, parang may apoy sa pagitan namin. Pero ang bwisit? Si Enzo? Hindi man lang umimik. Naka-relax lang sa gilid, parang aliw na aliw sa show na nangyayari sa harap niya. Diyos ko, bakit ba ako napapaligiran ng mga lalaking walang hiya? Dumiretso ako sa kabilang dulo ng mesa, kinuha ang ballpen ko na parang ito ang makakapagligtas sa akin mula sa kahihiyan. Pero ang totoo? Wala akong ligtas dito. Habang lumalabas si Jai, napahinto si Enzo, bahagyang yumuko, at pabulong na nagsalita malapit sa tenga ko. “Mukhang interesting na project ‘to, partner.” Put*ngina. Bakit ako napangiti?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD