Chapter 43

1380 Words
Ava's POV. Bago pa magsimula ang meeting, tatlong beses ko nang pinaalalahanan ang team. Silent mode, guys. No exceptions. Pero syempre, mukhang walang nakinig. Bakit pa ako umasa? Alam kong hindi rin ako susundin ng mga ‘to. Nasa kalagitnaan ako ng pinakamahalagang pitch ng taon—strategic takeover plan, high-stakes, senior clients—nang biglang sumabog ang ringtone sa buong conference room. Malakas. At napaka-mema. Parang freeze frame sa pelikula. Lahat napatingin sa akin—executives, clients, pati si Regina na mukhang ready na akong katayin. Napangiti ako, pilit na kinakalma ang sarili, pero ramdam kong kumikirot na ang sentido ko. Kung sino man ‘yan, babawasan ko ng sahod. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. “Put*ngina, Jai, hindi nga?” Dahan-dahan akong lumingon kay Jai, na pilit pinipigilan ang tawa habang pasimpleng pinapatay ang phone. “Jai,” bulong ko, mas mapanganib pa sa kahit anong company memo. “Please, paki-off na ‘yan bago ako may patayin.” Ngumisi siya, nagkibit-balikat. “Bakit ako? Malay ko bang sa’yo palang phone ‘to?” Nanigas ako. T*ngina. Sa akin pala?! Napanganga ako. Hindi ko alam kung tatawa o magwawala. Napatingin ulit ang clients, nag-aabang. Diyos ko, Ava, save this. Nag-exhale ako, tinakpan ang mic, at ngumiti nang parang hindi ako nadudurog sa loob. “Pasensya na po, hindi kasama sa presentation namin ang live sound effects.” Biglang nagtawanan ang iba. Si Regina? Mukhang gusto na akong sunugin. Pinilit kong bumalik sa topic, pero lahat ng mata, nasa akin pa rin. Yung tipong naghihintay kung may part two pa ng kagaguhan. At kahit ako, kinakabahan na rin. Tumikhim ako, sinubukang ibalik ang CEO-level aura ko. “So, moving forward…” Pero narinig kong mahinang tumatawa si Jai sa tabi ko. Yung suppressed hihihi na mas nakakainis kaysa malakas na halakhak. Nag-slide ang tingin ko sa kanya, dahan-dahan. “Jai!” bulong ko ulit, this time may death glare na kasama. “Gusto mong ikaw ang i-vibrate ko?” Napakagat ako sa labi ko, ramdam ko nang nag-iinit na ang ulo ko. So, alam mo ‘yung ginawa ko? Tahimik ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa. Napakurap si Jai, pero hindi nagpatinag. “Ava, abuse ‘yan sa HR,” aniya, pigil-tawang hinimas ang paa niya. “HR ka, ‘di ba? I-file mo sa sarili mo.” Huminga ako nang malalim, nagbigay ng boardroom smile, at itinuloy ang presentation. Fake it ‘til you make it, Ava. Kahit gusto mong lumabas at magdasal sa fire exit. Nang akala kong tapos na ang kahihiyan, biglang… “BAKIT PA BA—” P*ta. Napapikit na lang ako, mahigpit na nakakapit sa remote clicker ko. Ano bang atraso ko sa Diyos? Sa gilid ng paningin ko, si Jai—relax na relax, hawak ang phone ko, nagbabasa ng notifications habang ako’y abala sa presentation. Isang masamang kutob ang gumapang sa spine ko. Bigla siyang tumayo, parang may sariling headline news, parang isang news anchor na nag-pop sa harap ng pinapanood mong telenobela. “BREAKING NEWS!” sigaw niya, lakas ng energy parang nasa TV Patrol lang ang peg mo. May intro news alert music pa. Lahat ng mata, lumipat mula sa akin—papunta sa pasaway kong best friend. Tahimik akong napasinghap, pilit iniwasan ang urge na ihagis ang laser pointer kay Jai. Lahat ng nasa conference room—executives, clients, pati si Regina—napalingon sa kanya, parang nahipnotismo. May isang analyst pa ngang nakanganga. Mabilis kong kinapa ang bulsa ng blazer ko. Wala. T*ngina, phone ko nga ‘yung hawak niya. Malamig na ang pakiramdam ko. Jai cleared her throat, ngumiti nang parang siya na ang bida ng meeting. “Orion Financial—Officially Bankrupt!” aniya, taas-kilay, sobrang taas ng energy na parang nagre-report lang sa breaking news segment ng ABS-CBN. Isang analyst ang napalunok. Isang director naman ang napakapit sa armrest. Ako? Nanigas, habang lumulutang sa isip ko ang mga puwedeng ipambalot sa katawan ni Jai para maitago ang ebidensya ng pagpatay. Sumabog ang awkward silence. Walang gumalaw. Walang nagsalita. Corporate dead air. Isang VP ang pasimpleng tinapik ang cellphone niya sa mesa, parang naghihintay ng official confirmation. Sa likod, may isang associate na naglabas ng tissue, parang nauubo sa sobrang gulat. Ako? Ramdam ko ang paglutang ng kaluluwa ko palabas ng katawan ko. Ano ‘to, Jai?! Kitang-kita ko ang mabilisang palitan ng tingin ng mga executives. Yung tipong WTF-hindi-tayo-prepared-dito energy. Sa sulok, si Regina—walang imik, pero kita sa mata niyang nagko-compute na ng galit. Dahan-dahan kong ini-slide ang tingin kay Jai. Death stare level CEO on a rampage. “Hindi ka pa tapos magbilang ng dasal mo, ‘di ba?” bulong ko sa kanya, kasabay ng pinakamalamig kong fake smile. Pero ang g*go, nagkibit-balikat lang. “What? It’s good news!” bulong niya pabalik, para bang hindi niya lang ako hinatulan ng kamatayan kanina. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Breathe, Ava. Huwag mong patayin ang HR. Tahimik kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Hindi malakas, pero sapat para ipaalala na wala siyang ligtas. Pero si Jai? Ngumiti lang, nagtaas ng kilay. “You’re welcome, Ava,” bulong niya, parang hinamon akong patayin ko na lang siya. Bumuntong-hininga ako. No choice. Damage control mode activated. Mabigat ang tango ko, tinanggap ang malas na kasasangkutan ko mamaya. Pero bago pa ako kumilos, may narinig akong bulong sa kabilang dulo ng mesa. “IFG na ang next target nila.” Isang mahina, pero sapat na malutong na bulong mula sa isang executive. Biglang nanlamig ang likod ko. Kung totoo ang balita… ibig sabihin, kami na nga ang susunod. Matagal nang umiikot ang tsismis na may problema ang Orion Financial. Ilang beses ko nang narinig sa pantry, sa hallway, sa elevator. Pero akala ko, normal lang—hanggang ngayon. Ngayon, hindi na ito haka-haka. Hindi na tsismis ng mga bored na empleyado. Totoo na. Ramdam ko ang tensyon sa bawat sulok ng opisina—parang tahimik na bagyo bago ang malakas na ulan. Mabilis ang kilos ng mga tao, parang pulutong ng mga sundalong naghahanda sa digmaan. “Kumpirmado ba talaga?” bulong ng isang analyst sa katabi niya. “May internal source ako. Tapos na ang laro nila,” sagot ng isa pang empleyado, halos pabulong pero may excitement sa tono. Lahat abala, lahat may kanya-kanyang prediksyon sa magiging galaw ng IFG. Sa dulo ng conference room, nakita ko si Regina—hindi man lang kumurap habang may kausap sa telepono. Ang hawak niyang ballpen ay walang tigil sa pag-tap sa mesa, tanda ng isang planong bumubuo sa utak niya. Alam kong may naisip na siyang hakbang bago pa man pumutok ang balita. Alam kong oras na para kumilos. Tumuwid ako ng tayo, ramdam ang bigat ng trabahong paparating. Ito na ‘yon. Nag-inhale ako nang malalim. Ava, walang puwang para sa pag-aalinlangan. Ito ang mundo mo. Ang mundo ng matitigas ang sikmura. Ang mundo kung saan ang malalakas ang lumalamon sa mahihina. At ngayong natumba ang Orion, oras na para kunin namin ang trono. Sa gitna ng kaguluhan, isang pares ng matang nakatutok sa akin ang agad kong napansin. Si Enzo. Tahimik sa kabilang dulo ng silid, nakatingin na parang binabasa ang utak ko. Bigla siyang ngumiti—hindi ngiti ng kasabwat, hindi rin ngiti ng kalaban. Alam ko ang tinging ‘yon. Parang sinasabi niyang, Ava, naiisip mo ba ang naiisip ko? At ang mas nakakainis? Oo. Oo nga. Diyos ko, kung may binabalak na naman ‘tong lalaking ‘to, kailangan kong malaman. Dahil ayokong maiwan na naman. Kunot-noo akong tumitig pabalik. Hindi ako bumigay. Hindi ako umamin. Pero put*ngina, bakit parang siya pa ang nagtagumpay? Bago ako makapagsalita, tinapik niya ang invisible wristwatch niya, saka inangat ang isang kilay. Tick tock, Ava. Huwag kang magpapahuli. Napa-roll ako ng mata. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Huminga ako nang malalim. Wala nang atrasan. Wala nang puwang para sa pag-aalinlangan. Tiningnan ko ang buong opisina—lahat nagmamadali, lahat abala. Dahil isang malaking digmaan ang paparating. Nag-vibrate ang phone ko. REGINA: "Meet me ASAP. Bring Enzo. Simula na ang takeover." Napakurap ako. “Ano?!” Napatingin ulit ako kay Enzo—at sa bwisit niyang ngiti, alam kong matagal na niyang alam ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD