Chapter 27

1806 Words
Ava's POV. Anim na taon na ang nakalipas, wala pang tensyon. Tahimik na kumpetisyon, walang sama ng loob. Sa third floor ng Iconic Financial Group, amoy lumang papel at kape na malamig na. Kinakalas ni Enzo ang sirang filing cabinet, isang screwdriver ang nasa bibig niya, hawak ng isang kamay ang drawer na ayaw bumukas. “Diyos ko, anong ginagawa mo?” tanong ko, nakahalukipkip habang pinapanood siya. “Klaro naman ‘di ba? Sinusubukan kong ayusin ‘to,” sagot niya, isang pilit na hila pa, ngunit lalo lang sumabit ang drawer. Napairap ako. “Bakit hindi mo na lang kasi tawagan ang maintenance?” Tinanggal niya ang screwdriver sa bibig. “Kasi kaya ko naman.” Napangiti ako. Oo nga, Enzo ‘yan eh. Laging may sagot. Dinig ang mahihinang kalansing ng tools niya, ang tunog ng papel na inaayos ko, at ang saglit na katahimikan bago siya muling nagsalita. “Sabay tayong aakyat,” sabi niya. Pero anim na taon na ang lumipas, ako lang ang nandito. Anong nangyari, Enzo? Nagkaroon ng malaking proyekto. Isa lang ang mapipili bilang lead. Tila lahat ay naghihintay. “Congrats, Ava. Ikaw ang napili.” Dinig ko ang mga palakpak sa paligid. May tumapik sa balikat ko, may nagbubulungan sa tabi. Pero isang pares ng mata lang ang hinanap ko—at ayun siya, si Enzo, nakasandal sa kanyang desk, hindi tumayo, hindi sumabay sa ingay ng iba. Lumapit ako, pilit ang ngiti. “Baka sa susunod, ikaw na.” Tumango siya, pero hindi ngumiti. “Baka nga.” Napakamot siya sa batok, parang may gusto pang sabihin. Pero hindi niya ginawa. At sa isang iglap, may kung anong nagbago sa pagitan namin. Hindi ko agad napansin ang bigat sa mga mata niya. Akala ko, simpleng disappointment lang. Pero sa kanya, hindi ito simpleng pagkatalo—ito ay isang pangakong hindi natupad. Nang lumingon ako ulit, wala na siya sa pwesto niya. At doon nagsimula ang lamat. Lumapit si Regina, may alok. Isang papel, isang pirma—walang masyadong iniwang tanong. "Ava, may kailangan lang akong ipa-sign. Wala namang epekto sa iba," sabi ni Regina, inilahad ang isang folder sa harapan ko. "Para saan 'to?" tanong ko, hindi agad kinuha ang ballpen. "Nakasanayan lang, formality. Malaking proyekto 'to, gusto lang naming linawin ang reporting structure," sagot niya, nakangiti. "Bilang lead, natural lang na may ilang papeles kang kailangang asikasuhin." Tiningnan ko ang papel. Isang kontrata—may mahahabang termino, may maliliit na letra. Pero may deadline, may pila pa sa likod ng opisina. "Alright," bulong ko, pipirmahan ko na sana— —pero sa gilid ng mata ko, may dumaan. Si Enzo. Isang tingin lang, pero sapat para mapatigil ako. At doon, sa isang segundo, may bumigat sa loob ko. Pero hindi ako umurong. Tinulak ko ang pagdadalawang-isip, tinuloy ang pirma. Bitag pala ito. Sa kasalukuyan, iniisip ko kung saan ako nagkamali. Isang papel lang, pero nagbago ang lahat. Hawak ko ang lumang ballpen, tinatapik-tapik ang mesa habang nakatitig sa lumang dokumento sa harapan ko. Anim na taon na ang nakalipas. Dapat ba akong tumawa? Dapat ba akong magalit sa sarili ko? Napapikit ako. Bumalik ang tunog ng sirang filing cabinet, ang mahihinang kalansing ng screwdriver, ang paraan ng pagsabi niya ng, "Sabay tayong aakyat." Sabay? Hindi ko na alam kung kailan naging kasinungalingan ang salitang iyon. Kung nagtanong lang ako noon, kung hindi ko lang minadali—baka ibang kwento siguro ang nangyari. Baka hindi nawala si Enzo. Baka hindi ako naloko ni Regina. Baka hindi ako ang taong ngayon ay natatakot malaman kung ano talaga ang pinasok kong gulo. Pero huli na ang lahat. Pursigido akong patunayan ang sarili. Ang tiwala ni Regina, akala ko noon, ay tunay na gantimpala. "Impressive, Ava," sabi ni Regina, nakasandal sa kanyang swivel chair, ang kuko'y banayad na kinakalabit sa lamesa. Nanuyo ang lalamunan ko. "Salamat po, Ma’am." "Alam mo kung bakit ikaw ang pinili ko, hindi ba?" Bumagsak ang tingin niya sa papel sa pagitan namin. Dahan-dahan akong tumango. "Dahil kaya kong gawin ang trabaho." Ngumiti siya, tipid, puno ng isang bagay na hindi ko pa kayang basahin noon. "At dahil marunong kang tumanaw ng utang na loob." Pinakawalan ko ang isang hiningang hindi ko namalayang pinipigilan. Nagtiwala ako. Hindi ko nakita ang babala sa mata niya. Sa sulok ng opisina, may isang taong tahimik na nakatingin. Si Enzo. Isang segundo lang. Isang saglit lang. Pero sa kanyang tingin, may babala. At hindi ko iyon pinansin. Kung noon pa lang, natutunan ko nang magduda, baka hindi ganito ang nangyari sa akin. "Sa corporate world, hindi lahat ng pabor ay libre," sabi ni Enzo isang beses. “Tingin mo ba, ganito lang ‘yon?” tanong ni Enzo, nakasandal sa kanyang desk, hawak ang basag na mug niya. Napairap ako, tinapik ang papel sa harapan ko. "Hindi ko iniisip ‘yon. Kung may tiwala si Regina sa akin, ibig sabihin ginagawa ko nang tama." Tumawa siya—hindi dahil natuwa siya, kundi dahil sa kung paano ko iyon sinabi. "Ava, sa corporate world, hindi lahat ng pabor ay libre." "Wow. Pilosopo ka na rin ngayon?" Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ako mahuhulog sa gano'ng klaseng bitag." Huminga siya nang malalim, tumingin sa akin. “Ava, paano kung matagal ka nang nandoon?” Nagtagal ang tingin niya, parang gusto niyang sabihin pa ang isang bagay—pero hindi niya ginawa. At ako? Hindi ko siya pinansin. Dahil akala ko, alam ko ang laro. Ngayon, anim na taon ang lumipas, bumabalik ang tinig niya. Dapat pala, nakinig ako. Sa isang simpleng pagpirma, nagbago ang lahat—at hindi ko man lang napansin. "Sign here," sabi ni Regina, isang daliri ang marahang dumampi sa blangkong linya. Hinawakan ko ang ballpen, inilapit ang dulo sa papel. Dapat ba akong magtanong? Pero ano pa nga ba ang itatanong ko? Desisyon ko ito. Naramdaman kong may nakatingin. Lumingon ako. Si Enzo. Tahimik. Hindi ko mabasa ang mukha niya. “Enzo, may problema ba?” tanong ko. Wala siyang sinabi. Nagtagal lang ang tingin niya, tulad ng dati. Tila may gusto siyang sabihin—isang babala, isang tanong. Pero wala. Tumawa ako, pilit. "Relax. Maliit na pirma lang ‘to." At inilapat ko ang tinta. Kinabukasan, nag-iba ang lahat. Si Enzo, umiiwas ng tingin. Ang opisina, tahimik. At ako—parang may kung anong nawala sa akin, pero hindi ko pa alam kung ano. Mula noon, hindi na niya ako tinawag sa pangalan ko. At hindi ko alam kung bakit. Sa kasalukuyan, hawak ko ang confidential document—ang mismong papel na nilagdaan ko noon. Pinagmasdan ko ang papel, ang tinta ng lumang pirma kong bumakat sa pahina. Ako nga ang pumirma. Ako mismo. Pero kailan? Kailan ko ito ginawa? Napahigpit ang hawak ko. Kahit anong pilit kong alalahanin, walang sumasagot sa isip ko. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mata ni Enzo, ang paraan ng pagtitig niya sa akin—tahimik, pero mabigat. “Anong ginawa ko?” bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. At doon dumaan ang isang mas malamig na takot: Baka ako mismo ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Ang takot ko ay hindi lang sa maaaring kahihinatnan nito—kundi sa mas malalim na posibilidad. Baka tama ang iniisip ko. Baka matagal na akong nasa panig ng kalaban. At kung ganun… sino ang tunay kong nilalabanan? Sila? O ang sarili ko? Ilang linggo matapos ang pagpirma, si Enzo ay unti-unting naging isang estranghero sa opisina. Dati, kahit hindi kami laging magkasundo, naroon siya. Isang presensya sa kabilang mesa, isang tinig sa pagitan ng corporate chaos. “Paabot ng stapler,” sabi ko noon, hindi man lang tumitingin. Walang sagot. Nilingon ko siya. Si Enzo, nakatutok sa monitor, tila hindi narinig ang sinabi ko. Dati, siya pa ang unang magtatapon ng biro. Pero ngayon? Tahimik. Noon ko lang napansin—wala nang mga banat niyang “Mauuna akong mapromote sa’yo,” o ang mga mapang-asar niyang tingin kapag may bagong project. Isang gabi, naabutan ko siyang mag-isa sa fire exit, nakatingin sa lungsod. Gusto kong lumapit. May gusto akong itanong— "Bakit ka nag-iba?" Pero hindi ko ginawa. At sa katahimikan ng gabing iyon, naramdaman ko ang unang lamat. Siguro kung nagtanong ako, kung hindi ako nagpatangay sa takot… baka iba ang nangyari. Nagpakalunod ako sa trabaho. Kapag busy ka, wala kang oras para sa anino ng nakaraan. "Another project, Ava?" tanong ni Jai, nakataas ang kilay habang binibilang ang mga folder sa desk ko. "Work is work," sagot ko, hindi man lang lumingon. "Ano ka, robot?" Umupo siya sa tabi, tinignan ang calendar ko. "Tatlong back-to-back meetings, dalawang presentation—" "Hindi ko kailangan si Enzo," putol ko. Nagtagal ang tingin niya. "Uh, okay? Wala namang may sabi na kailangan mo siya?" Pero ang totoo? Ako ang paulit-ulit na nagsasabi niyan sa sarili ko. Kapag umangat ka, wala kang dapat alalahanin kundi sarili mo. Hindi ko inalam kung bakit siya umalis. Hindi ko kinumpronta. Mas madali nang isipin na wala akong kasalanan, kaysa tanggapin ang posibilidad na ako ang dahilan. Mas mabilis magtrabaho kaysa humarap sa sarili mong multo. Mas madaling lumaban nang hindi lumilingon. Ang proyektong inaasahan kong magdadala sa akin sa tuktok—iyon din pala ang simula ng lahat. Mabilis kong tinype ang password ko, pumasok sa inbox. Maraming unread emails, pero isa lang ang nakakuha ng pansin ko. Regina Santiago. Subject: Good job, Ava. Binuksan ko agad. "Hindi mo alam kung gaano mo kami natulungan." Biglang bumigat ang dibdib ko. Ano'ng ibig sabihin nito? Napahawak ako sa mesa, parang bumalik ang lahat—ang pagpirma ko sa dokumento, ang tahimik na paglayo ni Enzo, ang mga tanong na hindi ko naisip itanong noon. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano talaga ang ginawa ko. Pero si Enzo… alam niya. At kung totoo ang iniisip ko— Ako mismo ang dahilan ng pagkawala niya. At ngayon, bumabalik ang multo ng desisyong iyon upang habulin ako. Hindi ko alam ang buong kwento. Pero isang bagay ang sigurado—may kasalanan ako. Ang dokumentong nilagdaan ko noon ay hindi lang basta papeles. Tumunog ang email notification. Isa pang bagong mensahe, pero hindi ito galing kay Regina. Anonymous Sender Subject: Alam mo ba kung ano ang pinirmahan mo? Nanlamig ang kamay ko habang binubuksan ang attachment. Isang PDF file—parehong dokumento mula anim na taon ang nakalipas. Pero ngayong binabasa ko nang buo… may mga pangalan. May mga transaksyon. At sa pinakahuling pahina, isang pirma. Ang pangalan ko. Nalaglag ang cursor ng mouse sa screen, habang unti-unting bumibigat ang hangin sa paligid. Isa itong kasunduan. Ang perang dumaan, ang mga transaksyong itinago—ako ang naging kasangkapan. Ako ang naging pirma sa isang bagay na hindi ko naiintindihan. At ngayon, bumalik ang lahat. Kung ako ang nakapirma… ibig sabihin, ako ang dapat sisihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD