Dapat ako ang nagdedesisyon sa buhay ko. Dapat ako ang may kontrol. Pero paano kung matagal na akong ginagamit, at hindi ko lang napansin?
At kung may mas mataas na gumagalaw… paano ko sila mahuhuli bago nila ako tapusin?
Ang mundo ko dati ay simple lang—trabaho, promosyon, at pagpapakita na kaya kong makipagsabayan sa larong ito. Pero ngayong hawak ko ang ebidensyang bumabalik sa akin, para akong tinapunan ng malamig na tubig.
Napatingin ako sa papel na ilang beses ko nang pinag-aralan. Ang pirma ko, malinaw, eksakto, pamilyar… pero kailan ko ito ginawa? Kailan ko hinayaang maging parte ako ng isang bagay na hindi ko naiintindihan?
“Hindi ko ‘to naaalala.” Mahina ang boses ko, pero sapat para marinig ni Enzo.
“Dahil hindi mo inalam,” sagot niya, diretso ang tingin sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa papel. “Alam mo ba kung anong mas masakit?” Tinapunan ko siya ng tingin, naghahanap ng kahit anong reaksyon. “Wala ni isa sa inyo ang nag-abalang sabihin sa akin.”
“Hindi mo tinanong,” malamig na sagot ni Enzo.
Natawa ako—hindi dahil nakakatawa, kundi dahil wala na akong ibang magawa kundi tumawa sa sarili kong katangahan. Ilang taon akong naging bahagi ng sistemang ito, at ni minsan, hindi ko naisip na tanungin kung paano talaga ito gumagana.
Ang buong akala ko, si Regina ang tunay na banta. Pero ngayong nakikita ko ang mas malaking larawan… isa lang pala siyang pawn.
At kung may mas malakas pang nagmamaniobra sa likod niya…
Ano na ang laban ko ngayon?
Ang laban na ito ay hindi na tungkol sa paglilinis ng pangalan ko. Hindi sapat ang malaman ang katotohanan—kailangan ko itong gawing sandata.
Ibinaba ko ang dokumento at huminga nang malalim.
"Enzo," tawag ko, matigas ang boses ko. Hindi na ako magpapadala sa mga paasa niyang kilos, sa malamig niyang sagot, sa mga nakatagong katotohanang hindi niya sinasabi.
Hindi siya agad sumagot. Tumitig lang siya sa akin, para bang iniisip kung dapat ba niyang sagutin ang hindi ko pa tinatanong.
Napangisi siya, pero hindi iyon pang-aasar gaya ng dati. May kung anong bigat sa tingin niya, isang tahimik na kumpirmasyon.
"Kaya mo bang dalhin ‘to, Ava?"
"Hindi na ‘yon ang tanong," sagot ko, tumayo ako at inayos ang kwelyo ng blazer ko. "Ang tanong, kaya ba nila ang paparating na bagyo?"
Hindi ako puppet sa larong ito. Hindi ako papayag na ako ang bumagsak.
At kung gusto nilang gawing laro 'to… ibibigay ko.
Sa harap ko, nakakalat ang mga papel—mga kontrata, bank records, at mga email thread na hindi ko maalala kung kailan ko sinagot. Lahat ng ito ay may pangalan ko.
"Enzo," tawag ko, hindi itinatago ang pag-aalinlangan sa boses ko.
Hindi siya agad sumagot. Nakatayo siya sa may bintana, ang kamay nasa bulsa, parang hindi sigurado kung lalapit ba siya o lalayo.
"Sabihin mo sa akin," dugtong ko. "Kung ikaw ako… anong gagawin mo?"
Tumingin siya sa akin, diretso. "Kung ako ikaw?" Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Matagal ko nang iniwan ‘to, Ava. Pero ikaw?" Umiling siya. "Kilala kita. Hindi mo ‘to kayang iwan, kahit alam mong delikado."
Napangiti ako nang mapait. "Kasi hindi ko kayang hindi malaman ang totoo."
"At kaya rin nilang gamitin ‘yon laban sa’yo."
"Tinatakot mo ba ako, Enzo?" Umangat ang kilay ko.
"Pinapaalala ko lang na may mga bagay na hindi mo na kayang baguhin," sagot niya, masyadong kalmado para sa isang taong dapat ay nag-aalala.
"Hindi ba’t alam mo rin ‘yan?" Tinitigan ko siya. "Kung natakot ka noon, ako hindi."
Hawak ko ang isang papel na may pirma ko—isang pirma na hindi akin.
"Kung mawawasak ako ng dahil dito…" Bumitaw ako ng buntong-hininga. "Mas mabuti nang alam ko ang dahilan."
Lumapit ako kay Enzo—ang taong sa tingin ko’y may sagot pero hindi nagsasalita.
Pinigilan ko ang hininga habang tinititigan siya.
Siya lang ang may alam. Alam ko ‘yon. At hindi ako aalis nang hindi ko naririnig ang sagot.
“Enzo, kung may mali ako noon… bakit hindi mo ako binalikan?”
Tumingin siya sa akin, at sa isang iglap, parang bumigat ang paligid. Wala sa mukha niya ang usual niyang sarkastikong ngiti o ang malamig na distansya na ginagamit niyang pader laban sa akin. Tahimik lang siyang nakatingin—at doon ko naramdaman ang bigat ng hindi niya sinasabi.
Naglakad siya palapit, mabagal, pero sigurado.
"Hindi dahil sa tingin ko, wala kang mali." Mahina ang boses niya, pero bawat salita, parang pabigat sa dibdib ko.
Napasinghap ako, pero hindi ako umatras. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Bumuntong-hininga siya, saka umiling. "Ava, kung bumalik ako noon, hahanapin mo ba ako?"
Natahimik ako.
Sandali siyang tinitigan ni Enzo, walang emosyon.
Hindi ko alam ang isasagot.
Ang iniisip ko, ang gusto kong paniwalaan, ay oo—oo, hahanapin ko siya. Pero kung gano’n… bakit nga ba hindi ko ginawa?
Nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko lang napansin kung gaano siya kalapit.
"Kasi kung bumalik agad ako, alam kong hindi mo ako hahanapin."
Napapikit nalang ako sa katotohanan.
Hindi siya umalis dahil lang sa sarili niyang desisyon.
Umalis siya… dahil hinayaan ko.
Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang malaman ang buong katotohanan, o ang tanggapin na baka ako nga mismo ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.
Paano kung totoo ngang naging parte ako ng sistemang kinamumuhian ko ngayon?
Ang mga mata ni Enzo, matalim, hindi lumalayo sa akin. Alam niyang may bumabagabag sa akin. Alam niyang may tinatanong ako sa sarili ko na hindi ko kayang sabihin nang malakas.
"Hindi ka nagsasalita," bulong ko. "Kasi alam kong may isang bagay kang gustong itanong din sa akin, 'di ba?"
"Hindi ako ang may tanong, Ava." Umiling siya, bahagyang umatras. "Ikaw ang may dapat sagutin."
Napatitig ako sa kanya, hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Kung may ginawa ka ngang mali noon…" Bumuntong-hininga siya, halatang iniiwasang tumingin ng diretso sa akin. "Deserve mo bang lumaban ngayon?"
Kung nagkamali nga ako noon… deserve ko ba ‘to?
Nanuyo ang lalamunan ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Tumingin siya sa akin, diretso, walang pag-aalinlangan. "Kung may parte ka sa lahat ng ‘to, kahit hindi mo sinasadya, ibig sabihin may dugo ka rin sa kamay mo. Kaya mo bang ipaglaban ang isang bagay kung bahagi ka ng problema noon?"
O dapat na lang ba akong sumuko?
Napayuko ako.
Paano kung tama siya?
Paano kung hindi ako ang bida sa kwentong ‘to—kung ako pala ang villain na hindi ko namalayan?
Nakatitig ako sa screen ng laptop ko, sa dokumentong ilang beses ko nang binasa. Ang pekeng pirma ko, ang transaksyong hindi ko alam, ang pangalan kong ginagamit sa larong hindi ko alam na sinimulan noon pa.
“Kung ginawa nila ito sa akin…”
Bumuntong-hininga ako, pinikit ang mata. Hindi ako inosente. Oo, maaaring hindi ko alam ang lahat, pero hindi ibig sabihin noon ay wala akong kasalanan.
Ngayon, naiintindihan ko na.
Hindi ito tungkol sa pagiging biktima. Hindi ito tungkol sa paghahanap ng simpatiya.
Ito ay tungkol sa pagpili kung paano ako lalaban.
Tumayo ako, tinulak ang upuan pabalik, at hinanap ang tanging taong kayang sagutin ang natitirang tanong ko.
Pinanood ako ni Enzo habang papalapit. Hindi siya umalis. Hindi siya umiwas.
"Ano'ng binabalak mo, Ava?" tanong niya, malamig ang tinig pero may bahagyang lungkot sa gilid ng mata niya.
“…ibabalik ko sa kanila ng doble.”
Ngumiti ako, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa matinding determinasyon.
"Kung gusto nilang gawing laro 'to..."
Hinawakan ko ang tablet, tinapik ang screen kung saan nandoon ang confidential files na natuklasan ko.
“…edi paglaruan natin sila.”
Sa puntong ito, hindi na ako ang parehong Ava na naniwalang sapat na ang sipag at talino sa mundong ito.
Ngayon, naiintindihan ko na kung paano nilalaro ang laro.
At oras na para ako naman ang lumaban.