Chapter 29

1996 Words
Si Enzo—ang tanging may sagot sa mga tanong ko, pero siya rin ang pinakamahirap basahin. Naglakad ako papunta sa desk niya, hindi sigurado kung gusto ko siyang kausapin. Kahapon, halos hindi niya ako matingnan. Kaninang umaga, sinundo niya ako sa opisina ni Regina. At ngayon? "Enzo, may kailangan akong malaman." Hindi siya agad lumingon. Hinawakan niya ang tumbler ng kape, iniikot sa kamay niya na parang may iniisip. Tumingala siya sa akin, isang tamad na ngiti ang lumitaw. "Talaga?" aniya. "Kailangan mo akong kausapin para doon?" Nang bumukas ang elevator, mabilis siyang pumasok—pero bago ito sumara, hinila niya ako papasok. Sa loob ng elevator, bumilis ang t***k ng puso ko. Hawak niya ang pulso ko, mahigpit. Mainit ang kamay niya. Para akong nakuryente—pero bago ko maintindihan, binitiwan niya ako. "Enzo—ano ba talaga?" bulong ko. Ngumiti siya, walang emosyon. "Ano bang iniisip mong ibig sabihin ko?" Si Enzo, kahit hindi aminin, may alam. Pero bakit hindi niya ito sabihin nang direkta? "Kung may gusto kang malaman, Ava," malumanay na sabi niya, "matuto kang magbasa ng mga hindi sinasabi." Napakunot ang noo ko. “Ano?” "Hindi lahat ng sagot ibinibigay ng deretsahan," dagdag niya, kaswal na iniikot ang tumbler ng kape sa kanyang kamay. "Gusto mong malaman kung anong nangyayari? Simulan mong tanungin kung sino ang may pakinabang." Napasinghap ako. Hindi ito sagot. Hindi ito malinaw. Pero sa unang pagkakataon, napagtanto kong hindi lang impormasyon ang meron si Enzo—may paraan siyang ipakita ang sagot nang hindi niya ito binibigkas. Kung gusto kong malaman ang totoo, hindi sapat ang simpleng sagot. Kailangan kong obserbahan, maghanap ng pattern. At higit sa lahat—kailangan kong malaman kung nasaang panig si Enzo. Kung hindi niya kayang sabihin, ipapakita niya. Ang tanong—kaya ko bang makita ito? Sa sobrang gigil kong malaman ang totoo, hindi ko napansin—may mga matang nakamasid. "Kung hindi mo kayang basahin, Ava, baka hindi mo rin kayanin ang sagot," malamig na sabi ni Enzo. Napasinghap ako. "Alam mong hindi ko titigilan 'to." Ngumiti siya, pero walang init. "Alam nilang hindi ka titigil." Tila dumagundong ang puso ko. Luminga ako—hindi ko alam kung bakit, pero parang may bumibigat sa hangin. May nakatingin. Masyado akong naging obvious. Sa sobrang desperasyon kong makuha ang sagot, hindi ko namalayang hindi lang si Enzo ang nagmamasid. At kung sino man sila… alam nilang hindi ako titigil. Isang simpleng maling hakbang, isang maling tanong, isang maling titig. Ngayon, hindi lang ako basta nag-uusisa—isa na akong banta. At kapag naging banta ka… may gustong magpatigil sa'yo. Hindi pa ako handang lumaban. Pero ngayon, alam na nilang handa akong sumubok. Hindi ko na pwedeng hintayin si Enzo. Kung hindi niya sasabihin, hahanapin ko mismo. Sa huling pagkakataon, tinignan ko si Enzo. Tahimik lang siya, pero kita sa mga mata niya ang babala. Alam niyang may hindi ako titigilan. Alam niyang may susubukan akong gawin. Kaya wala na siyang sinabi. Nagsimula ako sa mga lumang emails, mga transactions, mga taong may kaugnayan sa proyektong kinasangkutan ko. Hindi sapat ang isang pirma para itali ako sa isang ilegal na transaksyon—dapat may mas malalim pa rito. Pero habang nagiging malinaw ang pattern, napansin ko ang ibang bagay. Parang may kakaibang pakiramdam. Parang may sumusubaybay sa akin. Hindi lang ako ang naghahanap ng sagot. Hindi lang ako ang gustong malaman ang totoo. At habang lumalapit ako sa sikreto… may ibang lumalapit din sa akin. Kung mahuhulog ako sa larong ito, mas mabuting ako na mismo ang magdikta ng galaw. Isang pangalan. Isang account. Isang perang hindi ko kailanman hinawakan. Pero nakatali ako rito. Hawak ko ang printout, nanginginig ang mga daliri ko habang sinusundan ang bawat detalye. Offshore account. Nasa pangalan ko. Hindi ko kailanman binuksan ‘to. Hindi ako kailanman nag-set up nito. Pero ang mga numerong ito… hindi lang ito basta figures. Ito ang patunay na nasa gitna ako ng isang transaksyon na hindi ko man lang alam na nangyari. “Sinong gumawa nito?” bulong ko sa sarili. Isang sagot lang ang naiisip ko—hindi lang ako niloko. Ginamit ako. At kung mahuhuli ang may sala, sino ang unang babagsak? Ako. Sa isang iglap, ang lahat ng pinaghirapan ko ay nasa bingit ng pagkawala. Hindi lang basta corporate war ito. Hindi lang laban sa promosyon. Ito ay laban para mabuhay. At kung may gumawa nito sa akin… sino pa ang mga naging biktima bago ako? Sinubukan kong hanapin ang sagot. Pero sa bawat hakbang, mas lalong lumalabo ang lahat. Mabilis kong tinipa ang login credentials sa company system. Access Denied. Nanlamig ang kamay ko. Bakit restricted ang access sa sarili kong department? Lumapit ako kay Enzo, pero bago pa ako makapagsalita, umiwas na siya. “Ava, tigilan mo na,” malamig niyang sabi. “Anong ibig mong sabihin?” Hinawakan ko ang braso niya, pero hinayaan lang niya akong bitawan ito. Tumawag, at nagtanong ako sa mga kakilala ko sa finance department, pero ang mga dating palakaibigan kong kakilala—biglang nanahimik. “Ano bang meron dito?” bulong ko. Pero may sumunod na sagot na mas malamig pa sa conference room naming walang aircon. “Wala kang dapat alamin.” Parang may pumipigil sa kanila. Parang may mas mataas na puwersang nagdidikta kung sino lang ang dapat makaalam. Hindi lang ako nilalayo sa sagot—tinatakot nilang huwag ko nang hanapin. Kung wala silang itinatago, bakit parang lahat ng pintong binubuksan ko ay pilit nilang isinasara? Isang notification ang lumitaw sa screen ng laptop ko—1 New Email. No Sender. Kinabahan ako. Sino'ng nagpapadala ng email na walang pangalan? Bumukas ang mensahe, at bumungad sa akin ang isang maikling babala: “Stop digging. You won’t like what you find.” Kasabay nito, isang attachment—isang PDF file. Pinindot ko ang download. Pagbukas, halos mabitawan ko ang laptop. Isang bank transaction. Malaking halaga. Ilegal na pera. At sa ilalim? Isang pirma. Ang pangalan ko. Pero hindi ito ang pirma ko. Masyadong perpekto. Masyadong malinis. Masyadong kapani-paniwala. Diyos ko. Hindi lang ako sinangkot—plinano nila ito nang matagal. Parang unti-unting lumulubog ang mundo ko. Hindi lang ako ginamit—sinigurado nilang hindi ako makakalaban. Kung nilagay nila ako rito… anong plano nila para sa akin? May sumet-up sa akin. At sino man siya, siniguradong hindi ako lalaban. Sanay akong sumunod, tanggapin ang utos ng mas nakakataas. Pero ngayon, hindi na. Hindi ko namalayan na mahigpit ko na palang hawak ang mouse, nanginginig ang daliri sa ibabaw ng dokumento. Peke ang pirma ko, pero kung ipapakita ko ito sa HR, sa management, alam kong walang maniniwala sa akin. Perpekto ang pagkakagawa. Perpekto ang pagkakaset-up. Huminga ako nang malalim. Dati, madali lang. Kapag may problema, may mas nakakataas na magbibigay ng sagot. Pero sino ang lalapitan ko ngayon kung lahat ng nasa itaas ay maaaring bahagi ng laro? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkakulong. At wala nang ibang tutulong sa akin kundi ako lang. Ipinikit ko ang mga mata. Kung ganito sila maglaro, kung ganito sila magmaniobra ng tao—hindi na ako magiging sunod-sunuran. “Kung ginawa nila ito sa akin, babalik ko sa kanila nang doble.” Hindi na ito tungkol sa inosente o hindi—ang tanong ay paano ako makakalabas dito. Hawak ko ang papel, pero hindi ko ito nakikita. Ang utak ko, nagkakabit ng mga piraso. Kung may nagpeke ng pirma ko, ibig sabihin, matagal na akong nakalatag sa larong hindi ko alam. Matagal na akong ginagalaw ng isang taong hindi ko nakikita. Regina? Hindi siya ang tunay na boss. Siya lang ang bantay. Ibig sabihin… may mas mataas pang gumagalaw. Napailing ako, pilit itinataboy ang init na bumabalot sa dibdib ko. At si Enzo? Ano ang papel niya rito? Alam ba niya? Hindi ko alam kung mas gusto kong tanungin siya… o sampalin. Ang alam ko lang, may sagot siya. At kung hindi niya sasabihin, hahanapin ko ang sagot sa iba. Naramdaman kong bumibigat ang paligid. At hindi ito dahil lang sa dokumentong hawak ko. Dati, ako ang may hawak ng laro. Ngayon, hindi ko alam kung paano lumaban. Lahat ng nakasanayan kong gawin—ang pagiging palaging isang hakbang sa unahan, ang pagiging siguradong-sigurado sa bawat galaw—hindi na gumagana ngayon. Kung talino at tiyaga lang ang sagot, matagal na sana akong nanalo. Pero ngayon, natutunan kong hindi lang ito tungkol sa diskarte. Tiwala. Tiwala sa tamang tao, sa tamang pagkakataon. Pero sino? Si Enzo—ang lalaking laging isang sagot lang ang ibinibigay pero sampung tanong ang iniiwan. Si Regina—ang matagal ko nang kalaban, pero baka hindi ko pa rin ganap na naiintindihan. O si Ryan—ang taong minsang sinira ako? Pumikit ako, pilit hinuhulaan kung sino sa kanila ang maglalaglag sa akin. O kung sino sa kanila ang magiging dahilan kung bakit ako mananalo. Minsan, ang pinakamalaking tanong ay hindi "Ano ang totoo?" kundi "Sino ang dapat kong paniwalaan?" Kung nasa harap ko si Ryan ngayon, anong sasabihin niya? Ano ang itatago niya? Tahimik kong pinanood si Ryan habang iniikot niya ang baso ng whiskey sa pagitan ng daliri niya. Wala kaming ganitong usapan dati. Wala kaming ganitong tension dati. "Ava, tigilan mo na." Diretso ang tingin niya, pero may kung anong hindi niya sinasabi. Napalunok ako. "Bakit?" Hindi agad siya sumagot. Pero kita ko sa mga mata niya—hindi siya galit, hindi rin siya nagbibiro. Takot siya. "Dahil hindi lang pangalan mo ang nandyan." Binaling niya ang tingin sa paligid, para bang may ibang nakikinig. "May mas mataas na gumagalaw." Tumayo ang balahibo ko. Kung si Ryan mismo ang nagsasabi nito, ibig sabihin… alam niyang delikado ang sitwasyon. At kung ganito siya magsalita, ibig sabihin, mas malala ito kaysa inakala ko. Pero hindi na ako pwedeng umurong. Tapos na ang panahon ng pagtakbo. Nakasalalay ang pangalan ko sa isang larong hindi ko alam na nilalaro ko na pala. Hindi na ako natatakot. Kung may dapat kabahan dito, hindi ako. Hindi na ako 'yung dating Ava na nagtatago sa likod ng promotions at corporate recognition. Huminga ako nang malalim. "Kung gusto nilang gawing laro 'to…" Mas matalim ang boses ko ngayon, mas matigas. “…edi paglaruan natin sila." Hindi ko alam kung sino ang kalaban ko. Pero isa lang ang sigurado—hindi nila ako kayang itapon na lang na parang piyesa sa board. Ako ang magdidikta ng laban ngayon. At kung may sisira sa larong ‘to, sisiguraduhin kong ako ang unang titira. Dati, gusto ko lang patalsikin si Regina. Ngayon, ang kalaban ko ay isang sistema. Ang laban ko noon ay simple. Ilaglag si Regina. Kunin ang posisyon na matagal nang dapat akin. Akala ko iyon lang. Akala ko sapat nang maging mas matalino, mas mabilis, at mas matibay kaysa sa kanya. Pero ngayon… hindi lang ito corporate politics. Hindi lang ito tungkol sa promosyon. May mas malalim na bitag. May mga pangalang hindi ko pa naririnig noon, may mga transaksyong dumaan sa pangalan ko—at hindi lang ito simpleng kwento ng pag-angat at pagbagsak. Ako mismo ang pawn. At hindi ko alam kung paano ito nangyari. Mula noon, hindi ako natutong magtanong. Ang akala kong pag-angat ay isang maayos na landas, pero ngayon, alam kong nilakad ko ang isang daang nilalatagan na pala ng patibong. Ngayon, hindi lang ako nasa laro. Ako ang nilalaro. At hindi ko ito hahayaang mangyari. Paano ako nakarating sa ganito? Pinaghirapan ko ito… pero bakit parang wala akong kontrol? Pinaghirapan ko ang lahat ng meron ako ngayon. Lahat ng late nights, lahat ng overtime, lahat ng diskarte—ako ang gumawa noon. Wala akong pinalampas na oportunidad, wala akong inatrasan. At ngayon… may isang papel na sumisira sa lahat ng iyon. Pinaghirapan ko ito, pero bakit parang hindi akin? Bakit parang may ibang kamay na humihila sa akin papunta rito? Kung talagang ako ang may hawak ng sarili kong kwento, bakit parang nilalaro lang ako sa isang chessboard na matagal nang itinakda?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD