Hindi niya napansin, pero pakiramdam niya hindi na siya humihinga ng maayos.
Galit siya. Hindi lang kay Regina—pati kay Enzo.
“Bakit hindi ka bumalik?”
“Bakit hinayaan mong ako ang maghanap sa’yo?”
Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa basag na salamin sa fire exit. Nakakatawa. Ako na mismo ang nagbasag niyan dati—noong akala kong tapos na ang laban ko kay Regina.
Pero ngayon, iba na ang bigat sa dibdib ko.
"Ang daming nalagas, ang daming nawala… pero ikaw? Ikaw lang ang hindi nagpakita, Enzo."
Matalim ang paghinga ko habang binubuksan ang email na ipinadala ng hindi kilalang sender. Paulit-ulit kong tinitigan ang pangalan niya sa confidential offshore account.
"Bakit hindi mo ako hinanap?"
Pinunasan ko ang pisngi ko. Hindi ko namalayan, pero put*ngina, umiiyak ako.
Bumukas ang pinto ng fire exit. Hindi ko nilingon.
"Alam kong nandiyan ka, Ryan," bulong ko, malamig.
"Hindi mo siya matutunton nang galit ka, Ava," sagot niya.
Hindi ko siya sinagot.
Tumayo ako, pinunasan ang luha, at tinignan siya nang diretso.
"Then help me find him."
Nakapasok na ako sa core ng laro.
Natuklasan ko ang mga sikreto, pero kanino ako magtitiwala?
Si Ryan, lumapit muli.
“Ava, paano kung sinadya ni Enzo na umalist, na mawala?”
Pinindot ko ang power button ng laptop, pinapanood ang loading screen na parang may isasagot ito sa mga tanong ko. Migs had done his job—nakuha na namin ang buong financial records, ang offshore accounts, ang koneksyon ni Regina sa silent investor. Lahat ng sagot nasa harap ko.
Pero bakit parang hindi ako sigurado kung anong gagawin ko rito?
“Ava.”
Hindi ako lumingon.
"Alam mo na lahat ng sagot," bulong ni Ryan. "Pero naiisip mo ba kung bakit hindi bumalik si Enzo?"
Napapikit ako, pilit kinakalma ang sarili.
"Baka hindi niya alam na hinahanap ko siya," sagot ko, pero kahit ako, hindi naniniwala.
"Pwedeng baka alam niya," bulong ni Ryan. "At baka sinasadya niya talaga."
Binuksan ko ang laptop at pinindot ang send button.
"If that's true… then, sooner or later, I will know."
May isang clue akong hindi pa nakikita.
Lahat sila—si Enzo, Regina, Adrian, at ang silent investor—magkakaugnay.
Pero paano? Ano ang missing piece?
Tinitigan ko ang laptop screen, pinagmamasdan ang spreadsheet na parang bigla na lang magsasalita at sasabihin sa akin ang sagot. Pero kahit ilang beses ko nang pinasadahan ang mga dokumento, may isang bagay pa ring hindi tama.
Lahat ng transactions, koneksyon, pera—may pattern. Pero parang may butas.
Isang pangalan. Isang piraso ng puzzle na hindi ko pa makita.
Malamig ang hangin sa fire exit, pero parang mas malamig ang bigat na nakadagan sa dibdib ko.
"Ava."
Napatingin ako kay Ryan, na nakasandal sa pintuan, nakapamulsa.
"Alam mong may mali, hindi ba?" bulong niya.
Napakuyom ang kamao ko.
"Hindi ko pa alam kung ano," sagot ko, mahina pero matigas.
Napangisi si Ryan sa sagot ko. "O hindi mo lang kayang tanggapin?"
Pumikit ako, pilit nilulunod ang kaba sa dibdib.
Dahil paano kung tama siya?
Tinitigan ko si Ryan, inis sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
“Itigil mo na ‘yan.”
Napangisi si Ryan, pero hindi iyon ngiti ng kasiyahan—ito ‘yong tipong alam niyang may hindi ko pa kayang harapin.
"Ava—"
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita si Enzo."
Matalim ang tono ko, pero mas matalim ang bigat sa loob ko. Pilit kong kinakalma ang sarili, pero kahit ang paghinga ko, ramdam kong masyado nang mabilis.
Alam kong may isang piraso pa akong hindi nakikita, isang sagot na hindi ko matatagpuan sa spreadsheets o files.
At kung hindi ko ito makuha sa papel—makukuha ko ito kay Enzo mismo.
"Hindi mo pa rin naiintindihan, ano?"
"SHUT THE F*CK UP! Hindi kita tinatanong, Ryan."
Humakbang ako palapit, dumidilim na ang paningin ko.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Pero hahanapin ko siya, gusto mo man o hindi."
Pinunasan ko ang pawis sa sentido.
Hahanapin ko si Enzo.
Period.
Malamig ang hangin sa Dock 13, pero mas malamig ang presensyang bumalot sa paligid ko.
Sa wakas, ito na. Ang sagot sa lahat ng tanong ko.
Si Enzo, nakatayo sa harap ko, hindi umiwas ng tingin. Walang alinlangan, walang pagtatago. Para bang siya mismo ang naghihintay sa akin mula pa noon.
“Makinig ka muna,” mahina pero mariing sabi niya. “Bago ka magalit.”
Nasa palad ko ang recorder—maliit, pero mabigat sa kamay ko. Para bang pinapaso ang balat ko.
“Bakit ngayon lang?” tanong ko, ang boses ko halos pabulong.
Tinitigan niya ako. “Handa ka na bang marinig ang sagot sa tanong mo?”
Huminga ako nang malalim, pumikit saglit.
At pinindot ang play.
Ang unang boses na narinig ko ay hindi kanya.
Isang pamilyar na tinig—isang boses na nagpanginig sa akin.
“Regina?”
Pero hindi ito isang usapan lang.
Ito ay isang kasunduan.
Binuksan ko ang mata ko, tumingin kay Enzo.
“Put*ngina, ano ‘to?” bulong ko.
Dati, natatakot akong mawalan ng posisyon, ng kontrol. Ngayon, natatakot akong malaman ang totoo.
Ang recorder ay parang nagbabaga sa kamay ko. Hindi ko alam kung gusto ko ba itong bitawan o idiin palalo.
Dati, ang iniisip ko lang ay ang makuha ang nararapat para sa akin—ang posisyon, ang respeto, ang paghihiganti. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang hinahabol ko.
Ang boses ni Regina sa recording ay malinaw, kalmado, parang may hawak siyang alas na hindi ko kailanman nakita.
“Siguraduhin mong wala siyang matitira kahit isang sentimo.”
Nag-init ang sikmura ko.
Lumingon ako kay Enzo. “Ano ‘to?”
“Katotohanan,” sagot niya. “Ang hindi mo nakita noon.”
Gusto kong tumakbo, lumayo. Pero paano kung matagal ko nang alam ang sagot?
Paano kung hindi lang ako nagbubulag-bulagan—kundi ako mismo ang pumili na huwag itong makita?
Huminga ako nang malalim, pilit na pinipigil ang panginginig ng kamay ko.
“Ano pa ang hindi ko alam?”
Nakita ko na siya. Pero bakit parang hindi siya nagulat? Para bang… alam niyang darating ako.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Si Enzo. Nakatayo sa harapan ko, mukhang kalmado—pero hindi ko na mabasa ang mukha niya. Ang dating laging may hawak na tumbler ng kape, ngayon ay may hawak na isang envelope.
"You shouldn't have come, Ava," mahina niyang sabi.
"You shouldn't have left," sagot ko agad, nararamdaman ko ang init ng dugo ko.
Napakurap siya. Pero hindi siya umurong. "I left to protect you."
“Bullsh*t.” Napalunok ako, pero hindi ako umatras. “Wag mo nga akong pinaglololoko. Alam kong matagal na akong T*NGA. Pero sa lahat naman ng lalaki… BAKIT IKAW PA?!”
Hindi siya sumagot. Hindi niya kailangang sumagot. Dahil ang sagot ay nasa harapan ko na.
At sa sandaling iyon, bumagsak ang lahat ng iniisip kong katotohanan.
Hindi na ito tungkol kay Regina.
Hindi na ito tungkol sa paghihiganti.
Ito ay tungkol sa amin.
Tiningnan ko siya, hinahanap kung may natira pang piraso ng lalaking minsan kong minahal.
Pero iba na siya.
Si Enzo noon—ang lalaking tahimik pero matalino, ang lalaking tila walang pakialam sa corporate wars pero laging nakatingin mula sa likod ng gulo—wala na. Ang nasa harap ko ngayon ay isang lalaking may hawak ng sikreto na kayang pabagsakin ang buong mundong ginagalawan namin.
"Tell me the truth, Enzo," matigas kong sabi.
Nagtaas siya ng kilay. "Or what?"
Naglakad ako palapit, hindi inaalis ang titig sa kanya. "Or I will burn everything down."
Napangiti siya. Hindi mukhang natakot. Hindi mukhang nagulat.
At doon ko naintindihan.
Wala akong natuklasan.
Ako lang ang huling dumating sa laro.
“That’s exactly why I wanted to protect you.”
At sa wakas, alam ko na.
Hindi siya ang kawawa.
Ako ang huli niyang kalaban.