"Bakit mo ako iniwan noon?" tanong ni Ava.
"Sigurado ka bang gusto mong malaman?"
Hindi pa tapos ang laban, pero pakiramdam ni Ava ay natalo na siya sa isang digmaang hindi niya alam na sinimulan niya.
Ang tiwala ni Ava sa sarili ay basag—kung hindi niya nakita ang patibong noon, paano niya matitiyak na hindi siya muling maloloko ngayon?
At paano niya ipaglalaban ang sarili niya kung hindi niya tiyak kung alin sa mga desisyon niya ang tama?
Nakatitig lang ako sa kanya. Kita ko ang galit sa mga mata niya, pero sa ilalim noon—may takot. Isang takot na hindi niya kayang aminin, kahit sa sarili niya.
"Enzo," aniya, bahagyang nanginginig ang boses. "Sagutin mo ako."
Hinawi niya ang papel sa pagitan namin, parang kaya nitong pilitin akong sumagot. Pero hindi ito ganun kasimple.
"Kung sasabihin ko sa’yo ang lahat, handa ka bang tanggapin na hindi ka inosente?" sagot ko, binabantayan ang reaksyon niya.
Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"
Huminga ako nang malalim, pinipiling mabuti ang susunod kong sasabihin. "Hindi ka ginamit, Ava. Isa ka sa mga ginamit nila para itumba ang iba."
Napalunok siya. Hindi niya inaasahan iyon. Naghintay ako—kung tatanggihan niya ba ang sinabi ko o tatanggapin ito bilang bahagi ng katotohanan.
"Bakit hindi mo sinabi noon?" bulong niya. "Bakit mo ako hinayaang maniwala na ako ang biktima?"
Napangiti ako, pero hindi dahil sa tuwa. "Dahil hindi pa kita kilala noon. Pero ngayon, Ava… sigurado ka bang gusto mong malaman ang totoo?"
Tahimik siya. Hindi siya umalis, hindi siya umatras.
Iyon ang kaibahan ng Ava noon sa Ava ngayon. Noon, hindi siya magdadalawang-isip na isara ang pintuan ng kahit anong bagay na hindi niya gustong marinig.
Ngayon, nakatayo siya sa harap ko, hinihintay ang sagot—kahit sirain nito ang lahat ng paniniwala niya.
"Gusto ko," aniya sa wakas, mahina pero matibay ang tono.
"Kahit ano pang ibig sabihin noon, kailangan kong marinig," sagot ni Ava.
Alam niyang may sagot si Enzo.
At sa wakas, handa na siyang tanggapin ito—kahit masira pa ang lahat ng pinaniniwalaan niya noon.
Napatingin ako kay Ava. Ang dating kumpiyansa niyang postura ay hindi na ganoon katibay. May pilit na tapang sa kanyang boses, pero kita ko ang pagdududa sa kanyang mga mata.
"Hindi lahat ng sagot, gusto mong marinig," sabi ko, marahang inilapag ang papel sa pagitan namin.
"Hindi ko kailangang gustuhin. Kailangan ko lang malaman," sagot niya, mas matigas ngayon.
Sinandalan niya ang mesa, ang mga daliri niya nakadikit sa gilid ng dokumentong iniabot ko.
"Ano ba talaga ang nangyari noon, Enzo?"
Huminga ako nang malalim. "Ang tanong… handa ka bang harapin ang katotohanan kahit hindi ito pumabor sa’yo?"
Bahagya siyang natigilan, pero hindi niya binitiwan ang tingin ko. "Sinasabi mo bang may ginawa akong mali?"
Nakangiti ako, pero wala itong saya. "Ava, matagal mo nang alam. Hindi mo lang pinansin."
Kumuyom ang kamao niya. "Sabihin mo na lang."
Hinaplos ko ang sentido ko, iniisip kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi niya ako aawayin pagkatapos. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumagsak noon," diretsong sabi ko.
Napahigpit ang hawak niya sa mesa. "Anong ibig mong sabihin?"
"Regina didn't destroy me, Ava. You did," anas ko, marahang tumayo.
Natahimik siya. Nakita ko ang pagtatalo sa isip niya—ang paniniwalang hindi niya kayang gawin iyon, kontra sa posibilidad na totoo nga ang sinasabi ko.
"Hindi," bulong niya, pero halatang hindi niya rin sigurado.
Tumawa ako, mapakla. "I told you. Not every answer is something you want to hear."
Hindi siya umimik.
Hindi ako umalis.
At sa katahimikan, nagbago ang lahat.
Ang lahat ng kasinungalingang binasag niya ngayon ay nagdala lang ng mas marami pang tanong.
Napako ang tingin niya sa akin, para bang hindi niya alam kung paano tatanggapin ang sinabi ko.
"Ipaintindi mo sa akin, Enzo." Mahina pero matalim ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at sinandalan ang upuan. "You think you're the only one who got played? Hindi mo ba naisip kahit minsan kung paano AKO napunta sa posisyong ito?"
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. "Regina—"
"Hindi si Regina ang kalaban mo, Ava. Hindi lang ikaw ang ginamit," putol ko.
Nanlabo ang mata niya. "Enzo…"
"Hindi mo pa rin nakikita, ano?" Napangiti ako ng mapait. "Ava, kung sa tingin mo ikaw lang ang target, nagkakamali ka. Pare-pareho tayong biktima."
Tumiklop ang mga kamay niya sa mesa. "Enzo, sabihin mo nga sa akin—anong hindi ko pa alam?"
Nagtagal ako bago sumagot. Hindi dahil sa ayaw kong magsalita, kundi dahil sa bigat ng katotohanang matagal ko nang gustong kalimutan.
"Ava, ikaw ang dahilan kung bakit ako bumagsak noon," ulit ko, mas mabagal ngayon. "Pero hindi ikaw ang nagplano."
Tahimik siyang nakatitig sa akin. Pilit niyang iniintindi ang ibig kong sabihin.
"Mas malaki pa 'to kaysa sa atin," sabi ko, bumababa ang boses. "At kung akala mong tapos na ang laban mo… ni hindi pa nga tayo nagsisimula. Naka-setup palang ang lahat."
Dahan-dahang napapikit si Ava. Halos marinig ko ang mabilis na pintig ng puso niya.
At nang muli siyang tumingin sa akin, alam kong pareho na kami ng iniisip.
Hindi lang siya ang target.
Si Regina.
Ako rin.
At ngayon, kailangan naming alamin kung sino talaga ang nasa likod ng lahat.
Nanatili siyang nakatitig sa akin, pero hindi na siya ang dating Ava na mabilis magalit at bumibitaw ng mga salitang hindi pinag-iisipan.
Hinintay ko siyang sumagot. Isang t***k ng puso. Dalawa. Pero tahimik lang siya.
"Ano'ng gagawin mo ngayon?" tanong ko, tinatantya ang reaksyon niya.
Dahan-dahan niyang inilapag ang kamay sa mesa. "Hindi na lang ako basta maghahanap ng sagot, Enzo."
Bahagyang napatingala siya, para bang may hinahabol na sagot sa kisame. "Matagal kong pinilit na intindihin ang larong ‘to. Akala ko dati, sapat na ang maging matalino. Sapat na ang maging masipag. Akala ko may natutunan na ako sa mga nakaraang pangyayari. Pero hindi."
Napangiti ako, isang irap na may halong paghanga. "Ngayon mo lang ba naisip ‘yan?"
Ngumisi siya, pero hindi ito ang ngiti ng isang talunang umaasang makabawi. Ito ang ngiti ng isang taong nakahanap ng butas sa sistema.
"Ngayon lang ako sigurado."
Muli niyang binalingan ang mga dokumento sa harapan niya, hinagod ito ng tingin na parang isang puzzle na kailangan niyang buuin.
"Kung nilaro nila ako, Enzo…" Bumaba ang boses niya, halos isang bulong. "Ako naman ngayon ang magpapasimula ng laban."
Hindi ko maiwasang mapailing. "Dangerous game, Ava."
Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. "Then let's see who plays it better."
Tumayo siya, marahang itinulak ang upuan niya pabalik. Nang dumaan siya sa tabi ko, naamoy ko ang bahagyang halimuyak ng kanyang pabango—hindi matapang, hindi malambing, kundi isang bagay na nasa pagitan ng panganib at determinasyon.
Hindi na siya naghihintay ng sagot mula sa iba.
Ngayon, siya na ang nagdidikta kung paano tatakbo ang laro.
Ngayon, handa na siyang gumawa ng sarili niyang plano. Isang hakbang na hindi nila inaasahan.
Hindi ito ang unang beses na naloko siya. Matagal na siyang nabubuhay sa kasinungalingan.
Ang totoo? Hindi niya tinanong ang tamang mga bagay noon. Hindi siya naging mapanuri.
Ang tunog ng kanyang takong sa hallway ng Iconic Financial Group ay mas maingay kaysa sa dati. O baka masyado lang siyang aware sa sarili niya ngayon.
Sa bawat hakbang, bumibigat ang hangin sa paligid niya—o baka bumibigat lang ang laman ng isip niya.
"Kung niloko nila ako, ako ang may kasalanan," bulong niya sa sarili, pinipigilan ang inis na unti-unting umaakyat sa dibdib niya.
Pinindot niya ang elevator, pero bago pa bumukas ang pinto, lumingon siya sa paligid.
Hindi siya ang tipo ng taong paranoid. Pero sa puntong ito, hindi niya kayang balewalain ang pakiramdam ng may matang nakamasid sa kanya.
Dahan-dahan siyang huminga. Minsan, ang pinakamalaking kalaban mo… ikaw mismo.
Masyado siyang nagtiwala noon. Masyado siyang naniwala sa sistema.
Dumating ang elevator. Sumakay kami.
Tahimik. Malamig. Walang emosyon.
Alam niyang ako ang tipo ng taong laging may iniisip, kahit hindi ako nagsasalita.
Tumingin siya sa akin, saka nagsalita. "Alam ko na ang gagawin ko."
Dahan-dahang tumaas ang kilay ko. "Sana sigurado ka."
Bago bumukas ang pinto ng elevator, lumapit siya sa akin. Mula sa distansyang iyon, naamoy ko ang mapang-akit na singaw ng kanyang pabango.
"Ako na ang magpapasimula ng laban," aniya. "Pero hindi ako papasok nang walang bala."
Sumagot ako, mababa ang boses. "Then let’s load your gun."
Ang plano ay nagsisimula na.
Nakatayo kami sa loob ng elevator, katahimikan ang pumuno sa pagitan namin. Ang ilaw mula sa digital panel ay nagpakita ng numerong bumababa—9th floor, 8th, 7th.
"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Ava, nakatingin sa harapan, pero ramdam ko ang pag-aalalang lumulutang sa kanya.
Hindi ako agad sumagot. May mga sagot na hindi pwedeng madaliin.
Huminga siya nang malalim, tila sinusubukang pigilin ang isang bagay—galit, takot, o pagdududa? Siguro lahat.
"Si Regina? Hindi siya ang mastermind," bulong niya.
Tiningnan ko siya. "At anong gagawin mo sa natuklasan mong ‘yan?"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa folder na nasa kamay niya. "Malalaman natin kung sino ang humawak sa mga strings ko… at puputulin ko ang tali."
Bumukas ang pinto ng elevator. Hindi siya agad lumabas. Nakatingin siya sa akin, parang may gusto pang itanong.
"Bakit ako, Enzo?" tanong niya, mababa ang boses. "Bakit hindi ka tumigil kahit na ilang beses na kitang tinaboy?"
Tumingin ako sa kanya, isang saglit bago ako nagsalita. "Dahil hindi mo rin kaya akong talikuran."
Hindi siya sumagot. Tumalikod siya at lumabas ng elevator, pero alam kong narinig niya ako.
Habang papalayo siya, nakita ko kung paano niya pinanatili ang tikas ng katawan niya, pero ang kamay niyang nakakuyom ay nagpakita ng kwentong hindi niya sinasabi.
Hindi pa tapos ang laban.
Pero ngayon, alam na niya kung sino ang kasama niya.
At ako iyon.
Ava's POV.
Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa glass wall ng hallway. Matapang ang tingin ko, pero ang loob ko? Magulo.
“Enzo…” bulong ko sa sarili, binibitawan ang malalim na hininga. Ano ba talaga ang papel mo sa larong ito?
Matagal na niyang alam ang tungkol sa offshore account. Matagal na niyang alam na may hindi tama. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo noon pa?
Lumingon ako pabalik, pero wala na siya. Napakabilis niyang nawala.
Dumiretso ako sa opisina ko, pero hindi pa man ako nakakaabot sa pinto, naramdaman ko ang pagkalabit sa balikat ko.
"Okay na kayo ni Enzo?" bulong ni Jai, may kilig sa boses. "Kayo na?"
Napatingin ako sa kanya, hindi alam kung matatawa o mapapailing. “Putcha, Jai. Kailan pa naging prerequisite sa corporate war ang lovelife?”
Tumaas lang ang kilay niya. “Eh kasi naman, girl, hindi ko alam kung nag-aaway pa kayo o nagse-selos lang ako na ang laki ng tension n'yo.”
Napabuntong-hininga ako. “Alam mo bang mas marami akong problema sa buhay kesa sa Enzo na ‘yan?”
"Talaga ba?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin, pabulong. "Eh bakit mukha kang namomroblema dahil sa kanya?"
Napakurap ako. T*ngina.
May punto si Jai.
Kung hindi mahalaga si Enzo sa akin, bakit ako nababaliw sa kakaisip kung anong itinatago niya?
Bakit, sa dami ng dapat kong iniisip, siya ang hindi ko matanggal sa isip ko?
Kung siya ang nagbigay ng sagot sa akin ngayon… anong sagot ang hindi niya sinasabi?
Hindi ko pa alam ang sagot.
Pero alam kong hindi ko matitiis ang hindi ito alamin.
At oras na para malaman ko na ang buong katotohanan.