IKA-8 KABANATA

1758 Words
“ANO sa tingin mo? Bakit kaya hindi nila inasikaso kaagad ‘yong bangkay?” nagtatakang tanong ni Elyse kay Ezra nang makasakay na sila ng sasakyan. “Hindi ko rin alam, basta nararamdaman ko maraming mali sa nangyayari,” tugon naman nito. “Bakit kasi hindi mo man lang pinilit na makita ‘yong katawan para naman nakita mo ng personal?” Naiiling na wika niy sa binata. “Bakit sa tingin mo ba ay papayag ‘yong si Valdez na makita ko ‘yong katawan no’n?” sagot din nito pagtapos ay ini-start na ang sasakyan. “Alam mong simula noon ay hindi naman ‘yon nagpatalo.” “Eh bakit kasi gusto mong tayo ang humawak ng kaso na ‘yon, eh, ‘yon naman pala may ibang naka-assign na roon?” “Balak ko sanang hingiin talaga ang kaso na ‘yon pero hindi ko naman alam na si Valdez pala ang may hawak,” paliwanag naman ng binata. “At kung ako ang hihingi sigurado namang hindi niya ‘yon ibibigay. Ayoko na lang din ng gulo.” “Oh, eh, akala ko ba, sigurado kang may kinalaman kay Illustre ang kaso na ‘yon?” Napansin niyang parang napaisip naman ito sa sinabi niya. “Hindi rin ako sigurado pero alam kong maraming hindi tama sa nangyayari. At hindi maganda ang kutob ko kaya gusto ko na lang din muna hayaan kay Valdez ang kaso na ‘yon baka mamaya at sinadyang gawin ang krimen na ‘yon. Sinadya para pag-interesan ko.” Kilalang-kilala niya ang instinct ni Ezra at aaminin niya na kahit kailan ay hindi naman ito nagkamali sa akala nito. Kahit pa nga sabihin na hindi naman nito pangarap talaga na magpulis ay nag-excel pa rin ito sa career nilang iyon dahil talaga namang matalas ang pakiramdam nito sa mga bagay-bagay. At isa iyon sa mga bagay na hinahangaan niya rito. “Eh, paano na ‘yan? Paano natin mahuhuli si Illustre kung wala na tayong kasong hahawakan na may kinalaman sa kaniya?” Seryoso naman itong napatingin sa kaniya. “Sa tingin ko hindi magandang ideya na ikaw ang kinuha kong kapareha tungkol sa kaso ni Illustre.” Siya naman ang nagsalubong ang kilay sa sinabi nito. “Masyadong delikado ang kaso na ito, ngayon pa lang nasisguro ko na hindi lang si Illustre ang kalaban natin, maraming kapit ang tao na ‘yon at posibleng mayroon din sa loob ng station natin. Hindi maganda ang kutob ko at alam kong may nagmamanman sa akin. Ang mahirap lang kasi hindi natin alam kung sino-sino ang mga kalaban.” Pagtapos nito sabihin iyon ay nakarinig sila nang magkakasunod na putok ng baril kaya naman mabilis silang napayuko ni Ezra. Binuksan niya ang pintuan sa gawi niya at nakayuko siyang lumabas doon saka niya kinuha ang baril na nasa tagiliran niya. Kasunod niyang bumaba ni Ezra at pareho silang sumandal sa pagkabilaang gulong. Nakatingin lang sila sa isa’t isa, sa tagal niya sa propesyon nilang iyon ay ngayon lang siya nakaranas ng ganoon. “Okay ka lang ba?” tanong naman nito sa kaniya kaya magkakasunod lang siyang tumango. Nananatili lang silang nakayuko at nakikiramdam sa mga susunod na nangyari, maya maya ay nakarinig na naman sila nang magkakasunod na putok ng baril at dahil may narinig siyang dumaplis na bala sa gilid ng sasakyan nila ay alam niya sila ang target noon. Doon na niya napansin ang paglabas nila Domz mula sa punerarya, maging ang grupo nito ay pinaulanan ng bala kaya naman napadapa rin ang mga ito. Sinamantala naman ni Ezra ang pagkakataon na nasa kabilang grupo ang atensyon ng nagpapaulan ng bala kaya pinaputukan naman nito ang kalaban. Doon na rin siya nagsimulang magpaputok ng baril niya, isang itim na van ang sasakyan ng mga lalaking iyon. “Yes!” mahinang usal niya nang makita niyang tinamaan ng bala ni Ezra ang lalaking nagpapaputok din ng baril. Iyon na ang naging turning point ng mga ito para umalis. Mabilis na pinahagibis ng driver niyon ang sasakyan, doon na tumayo si Ezra at sinundan ng pagpapaputok ng bala ang van na iyon, ganoon din ang ginawa niya maging ng grupo nila Domz. Basag na basag ang salamin ng sasakyang iyon. Wala ring plaka ang sasakyang iyon at sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataon para habulin man lang ang mga ito. Nang makalayo na ang mga ito ay tumakbo palapit sa kaniya si Ezra. “Wala ka bang tama?” nag-aalalang tanong nito habang tinitingnan ang bawat parte ng katawan niya kung may galos ba siya o ano. Habang hawak nito ang kamay niya at sinisipat siya ay hindi na naman maiwasang tumibok ng mabilis ang puso niya. Paano nga naman ba kasi siya hindi mahuhulog sa mga pag-aalala nito sa kaniya. Oo, matagal na siyang may gusto kay Ezra o mas tamang sabihin na matagal na niya itong mahal. Magkababata sila at lumaki na halos na magkasama, ito lang ang lalaking tinitingnan niya noon pa man. Kaya nga nasaktan siya nang malaman niyang may girlfriend na ito pero ni hindi man lang niya magawang layuan ito. “Oy, Elyse! Tinatanong kita!” untag nito sa kaniya napapiksi siya. Yeah, right, alam naman kasi niyang hindi talaga siya nito nakikita bilang babae. “Okay lang ako, ano ka ba!” usal naman niya pagtapos ay siya na ang nag-alis ng kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya. Hangga’t nakahawak kasi ito sa kaniya ay hindi mawawala ang mabilis na pagtibok ng puso niya. At dahil ayaw niyang mahalata nito ang nararamdaman niya ay lumapit na lang siya sa sasakyan para sipatin ang mga tama ng bala roon. “Mabuti na lang hindi masyadong malala ang tama nitong sasakyan,” naiiling na wika niya habang hinahawakan ang butas sa puwitan ng sasakyan nila na gawa ng tama ng bala. “‘Yan pa talaga ang inalala mo,” hindi makapaniwalang sabi nito sa kaniya. “Tara na sumakay ka na at baka bumalik pa ‘yong mga siraulo na ‘yon,” utos nito kaya wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Pasakay na siya nang harangin siya ni Domz. “Okay ka lang ba?” nag-aalala ring tanong nito sa kaniya kaya nagsalubong ang kilay niya. “Oo, okay lang ako, kayo okay lang ba? Wala naman bang nasaktan sa inyo?” Ganting tanong naman niya pero hindi pa ito nakakasagot ay magkakasunod na busina na ng sasakyan ang narinig niya, at paglingon niya kay Ezra ay ang salubong na kilay at masamang tingin nito ang sumalong sa kaniya. Alam niyang hindi na maganda ang timpla nito kaya bumaling na siya ulit kay Domz. “Ah, sige, Sergeant Valdez, mauna na kami sa inyo,” magalang pa rin na paalam niya sa binatang kaharap saka siya mabilis na pumasok ng sasakyan. Pagkasakay na pagkasakay niya ay mabilis na ring pinaandar ni Ezra ang sasakyan palayo roon. Habang nasa biyahe ay tahimik lang silang dalawa. “Elyse, may hihilingin sana ako sa ‘yo,” seryosong wika nito kaya kinabahan naman siya. “Ano ‘yon?” “Pwede bang ikaw na ang maghatid-sundo kay Astrid?” Doon siya marahas na napatingin dito. “Alam kong malaking abala ang hinihiling ko sa ‘yo pero kung may sumusunod-sunod sa akin delikado ang buhay ni Astrid, at ayokong ako pa ang maglagay sa buhay niya sa alanganin.” How insensitive this guy talaga! Naiinis na sabi niya sa sarili pero hindi naman niya magawang isatinig iyon. “Ikaw na lang din kasi ang pwede kong magkatiwalaan. At sigurado naman akong hindi ka mainit sa mata kaya sana gusto kong ikaw na lang muna ang bahala kay Astrid. Pero hindi pa naman ngayong araw dahil kakausapin ko pa rin siya.” Naiiling na lang na tumingin siya sa labas ng bintana. She was trying to hide the pain. “Mukhang sa mga sinasabi mo, wala naman akong karapatang tumanggi,” hindi niya mapigilang mailabas ang sama ng loob dito, alam niyang napalingon ito sa kaniya. “Pero huwag kang mag-alala dahil susundin ko naman ‘yang sinabi mo dahli alam kong isa sa duty ko ay ang sundin ang lahat ng utos mo.” “Pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo,” parang galit pa na sabi nito. “Okay na nga, ‘di ba? Huwag ka na ngang mag-inarte, Ezra, baka ako’y mainis mo pa!” hindi na mapigil na sabi niya rito. Hindi naman ito kumibo at tahimik na lang na itinuon ang sarili sa pagpapaneho. Siya man ay hindi na rin nagsalita pa. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. NANG matapos ang oras ng duty ni Ezra katulad ng nakasanayan niya ay sinundo na niya si Astrid. Pagdating niya roon ay naghihintay na ito sa kaniya. “Simula pala bukas hindi na ‘ko ang susundo sa ‘yo,” simula niya nang makasakay na ito ng sasakyan niya at napalingon naman ito sa kaniya. “Hindi naman ‘to katulad ng iniisip mo. Sa ngayon kasi delikado, may threat sa buhay ko at ayokong madamay ka. Malaking tao ang sinusubukan kong kalabanin ngayon at kung hati-sundo pa rin kita natatakot ako na madamay ka.” Marahan naman itong napatango sa sinabi niya. “Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman, eh,” usal naman nito. “Saka magpapaalam din kasi ako sa ‘yo.” Siya naman ang napalingon dito. “May company getaway kasi kami, actually, last week pa nga ‘to at sa susunod na araw na ang alis. Tinanggihan ko naman no’ng una kaso kanina nag-distribute na nang plane ticket at kasama ako sa aalis kaya nahiya na rin naman akong tanggihan.” “Mas okay sa ‘kin na sumama ka, Astrid, wala namang problema sa ‘kin ‘yon. Malaya ka pa rin namang gawin ang lahat ng gusto mo. Saka maganda na rin ‘yan para kahit paano makapagpahinga ka. Ilang araw pala kayo ro’n?” “Ang alam ko one week pero hindi pa naman sigurado.” “Sige, ihahatid na lang kita sa pag-alis niyo.” Napansin naman niyang napangiti sa sinabi niya. Kahit naman hindi siya sigurado sa sarili niya tungkol sa nararamdaman niya para dito ay alam naman niya na kahit paano ay mahalaga na rin ito sa kaniya. Mahirap na lang din sigurong malaman dahil nga naging kasintahan niya ito nang hindi naman niya ito nililigawan at wala siyang kahit anong nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD