IKA-7 KABANATA

2519 Words
MATAPOS ihanda ni Ezra ang mga dadalhin at gagamitin nila ni Elyse sa imbestigasyon ay lumabas na siya ng kaniyang opisina. At pinuntahan ang cubicle ng dalaga. “Tara na, Sarhento,” aya niya rito nang makalapit. “Saan ang punta mo. Lieutenant?” Halos sabay silang napatingin ni Elyse at napa-salute kay Police Captain Garcia na siyang Station Commander nila. “Napapansin ko lang na masyado ka yatang abala nitong mga nakaraang araw, ni hindi ka na yata nakakapag-report sa ‘kin. Ano nang naging development sa kaso ni Illustre?” “Binitiwan ko na po ang kaso ni Illustre, Sir. Iyon na rin ang gusto ni Major kaya hindi ko na rin maipipilit pa na imbestigahan ang kaso ni Illustre kahit na gustuhin ko pa.” Nagsalubong naman ang kilay nito sa sinabi niya. “Bakit?” “Hindi pa po handa ang kampo natin para sa malaking isdang katulad ni Illustre, nahihirapan po akong kumalap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya at lalong mahirap kumuha ng matibay na ebidensya para maipakulong siya, Sir. Kung gusto talaga nating mahuli si Illustre, dapat paghandaan natin ‘yon ng maraming tao para bawat kilos niya ay talagang nababantayan natin.” “Wala na bang ibang sinabi sa ‘yo si Major kung bakit niya ‘yon pinabibitiwan? Saka bakit hindi man lang niya nabanggit sa ‘kin?” parang hindi pa naniniwalang tanong nito. “Hindi ko rin po alam, basta ang sabi sa ‘kin ni Major, hindi ko na dapat na galawin ang kaso ni Illustre, hindi ko alam kung bakit hindi niya rin nasabi sa inyo at hindi ko rin alam na hindi naman ninyo alam kaya hindi ako nagre-report,” paliwanag naman niya. “Kung ‘yan ang desisyon ni Major mukhang wala na tayong magagawa. Pero may alam ka ba kung may balak siyang paimbestigahan sa ibang kapulisan ang tungkol kay Illustre?” tanong nito na ipinagtaka naman niya. “Ang totoo, Sir, wala po akong alam dahil wala na rin naman nabanggit pa sa ‘kin si Major.” Sunud-sunod naman itong tumango sa sinabi niya. “Kung gano’n saan ang punta ninyo?” tanong ulit nito. “May iimbestigahan lang po kaming kaso, Sir. Tungkol po sa babaeng pinatay at itinapon sa may Sangangdaan.” Muli naman itong napatango at tinapik ang balikat niya. “Sige, mabuti na rin at sa ‘yo napunta ang kasong ‘yan, oh siya sige, mag-report ka na lang ng kahit na anong development sa kaso,” bilin nito kaya nag-salute na ulit sila ni Elyse. “Wala pong problema, Sir, mauna na po kami ni Sarhento,” paalam na niya rito pagtapos ay muli siyang sumaludo, tinanggap naman nito ang saludo niya kaya lumakad na sila ni Elyse palabas ng station. “Grabe! Ang galing mo sa part na ‘yon!” tuwang-tuwa na wika ni Elysa nang makasakay na sila ng police car. “Alam mo walang nakakatuwa ro’n,” naiiling na wika naman niya pagtapos ay pinaandar na niya ang sasakyan. “Excited lang ako kasi ito ang unang kaso na magka-partner tayo!” nakanguso namang tugon nito habang nagsusuot ng seatbelt. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa dalaga dahil parang hindi nito alam kung anong pinasok nito. She was too naïve and innocent. Talagang hindi bagay rito ang propesyon nitong pulis. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagmamanehong ginagawa, malapit na sila sa Commonwealth nang magsalita ito. “Are you planning to marry Astrid?” biglang seryosong tanong nito kaya marahas siyang napatingin sa dalaga. “Ano bang tanong ‘yan, Sarhento?” “Hindi kita tinatanong bilang pulis, Ez, tinatanong kita bilang kababata mo at matalik mong kaibigan,” seryoso pa ring sagot nito kaya natigilan na siya. Madalang kasing i-open nito ang tungkol sa relasyon nila ni Astrid at madalang din itong maging seryoso nang ganoon. “If she wanted too,” maikling tugon naman niya. “Eh gusto mo ba?” “She’s my responsibility at obligasyon kong maging masaya siya.” “I’m not asking about your so-called responsibility and obligation, Ez, ang gusto kong malaman ‘yong totoong nararamdaman mo!” “Eh, bakit ba ‘yan ang gusto mong malaman? Saka pwede ba, Elyse, nasa oras tayo ng trabaho bakit ba ‘yang personal na buhay ko na naman ang kinalkal mo!” “Wala lang! Nagtatanong lang ako, masama ba!?” Galit na wika nito kaya muli siyang napatingin dito. “Hindi masama! Wala lang sa hulog!” Ganting sigaw naman niya rito. Hindi nga niya alam kung paano sila naging matalik nitong magkaibigan tulad ng laging sinasabi nito samantalang mas madalas pa nga silang magbangayan kaysa mag-usap ng maayos. “Whatever!” sigaw nito. “Huwag mo ‘kong winawatever d’yan, Elyse! Baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo at kung anong posisyon ko!” “Oo na, oo na, ano pa nga bang magagawa ko kapag ganiyan na ang usapan!?” wika naman nito at pabagsak na isinandal ang sarili at humalukipkip. Naiiling na lang siya dahil kahit kailan para talaga itong bata. “Pero, Ez, hindi mo obligasyon na pasayahin ang ibang tao. Dapat matuto ka ring piliin ang sarili mong kasiyahan,” seryosong dagdag pa nito na hindi naman sa kaniya nakatingin kung hindi sa labas ng bintana. “Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot ang mga sinasabi mo na ‘yan, Elyse, pero alam kong kilala moa ko kugn saan masaya ang mga taong nasa paligid ko ‘yon na lang din ang makakapagpasaya sa 'kin.” “Naku, Ezra! Kung hindi ko pa alam na hindi mo naman talaga pangarap na magpulis, napilitan ka lang dahil gusto ng Nanay mo na mahanap mo ang nawawala mong kapatid. Buong buhay mo ay inilaan mo na lang sa paghahanap ng nawawala mong kapatid.” “Hindi ko ‘yon ginagawa, Elyse, dahil obligasyon ko. Ginagawa ko ‘yon dahil gusto ko. Gusto kong malaman kung buhay pa ba siya o kung wala na ba talaga kaming pag-asa na makita siya,” seryosong wika niya saka niya tinapakan ng madiin ang gas ng sasakyan at napansin niyang napakapit si Elyse sa ginawa niya kaya naman muli niyang binagalan ang pagmamaneho. Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa Sangangdaan. Pagbaba nila ay lumapit sila sa pinagtapunan ng katawan at naka-restrict pa rin ang lugar na iyon. Nag-ikot ikot sila ni Elyse sa paligid. “Wala talagang kahit anong bakas dito, mukhang tama ang hinala mo na itinapon lang dito ang katawan,” usal naman ni Elysa kaya napatingin siya rito. “Saka napansin ko masyadong magkakalapit ang bahay dito at kung dito ginawa ang krimen ay siguradong may makakarinig nang nangyari,” pagsang-ayon naman niya sa sinabi nito. “Tara, mag-ikot tayo para malaman natin kung may nakakita pa sa nangyari,” aya naman niya rito pagtapos ay umangat na sila ulit para tumungo sa hindi kalayuang tindahan. “Magandang araw po!” nakangiti namang bati ni Elyse sa tindera. “Oh magandang tanghali naman, Ma’am,” nakangiti ring bati nito nang makitang naka-uniporme sila ni Elyse. “Magtatanong lang po sana kami tungkol doon sa babaeng natagpuan diyan,” usal naman niya pagtapos ay inilabas na niya ang notebook niya at ang recorder niya, tumango naman ito kaya nag-follow up question na siya. “Kakilala niyo po ba ‘yong babae o may nakakailala man lang po ba sa inyo sa kaniya?” “Ay naku! Ang totoo niyan hindi ko talaga natatandaan ang mukha no’n, eh, pero may ilan-ilan kasi na nagsasabi na may nakakita na pero hindi rin naman mga sigurado. Sa palagay naman talaga namin ay hindi riyan ginawa ang krimen dahil malinis masyado,” pagkukuwento naman nito. “May nakakita po ba itinapon lang diyan ang katawan?” “Ay dyan ako hindi sigurado, pero pwede pa kayong mag-ikot para makapagtanong kayo sa iba, dito naman kasi sa amin ay hindi nawawalan ng tao kahit pa nga disoras ng gabi pero kung walang nakakita ay baka alam ng mga gumawa kung anong oras natatahimik ang lugar na ito.” “Pero kadalasan anong oras po ba kayo nagsasara nitong tindahan ninyo?” “Aba’t gabi na, pinakamaaga nga yata akong magsara ay alas onse y media na pero kadalasan ay inaabot kami ng alas dose mahigit dahil sa dami nang nag-iinuman at kahit matulog kami ng maaga ay kakatukin pa rin kami,” naiiling na wika naman nito. Napatango naman siya sa mga sinabi nito, kung ganoon kasi ay siguradong lagpas alas dose na nangyari ang pagtapon. “Sige po maraming salamat po sa impormasyon ninyo,” usal naman ni Elyse nang mahalata na nag-iikot na naman siya ng tingin. Naglakad na sila palayo ng tindahan. “May napansin ka bang kakaiba?” tanong naman nito. “Wala pero ang ipinagtataka ko, hindi aabot ang sasakyan dito kaya posible talaga na binuhat at saka itinapon. Pero ang iniisip ko, bakit dito? Kasi kung gusto talaga nilang takasan, sana doon sa madali na at hindi sila mahihirapan.” “May iba ka bang pakiramdam?” salubong ang kilay na tanong sa kaniya ni Elyse. “Hindi naman, parang may hindi lang talaga tamas a mga nangyayari.” Naiiling naman na wika niya. Pakiramdam niya sinasadyang itapon doon ang bangkay pero hindi niya alam kung bakit. Maraming mali sa nangyayari, maraming mali sa krimen na iyon. “Saan ba dinala ang bangkay?” Tinignan naman ni Elyse ang hawak nitong notebook. “Sa San Nicolas Funeral Homes, dito lang din sa malapit ‘yon. Pwede na nga lang natin lakarin, eh.” Pagtapos ay nauna na itong naglakad sa kaniya kaya naman sumunod siya rito. Pinauna na kasi niya itong pumunta roon para tingnan ang katawan ng biktima kaya kahit paano alam na nito kung saan sila pupunta. Lumabas sila ng eskinita na pinasukan nila at paglabas doon ay natanaw na nga niya ang punerarya na sinasabi nito. “Wala pa rin bang pamilya na kumukuha sa katawan?” tanong niya sa dalaga. “Nang tanungin ko noong pumunta ako rito, wala pa rin daw na naghahanap ng nawawalang dalaga, eh. Kaya imposible talaga na taga rito ‘yang biktima kasi kung taga rito ‘yan posibleng may nag-claim na ng bangkay.” Napatango siya dahil tama naman ito. “Magandang umaga po,” nakangiting bati sa kanila ng attendant na naabutan nila sa loob. “Magandang umaga naman po,” ganting bati naman ni Elyse. “Tatanong po sana namin kung nandito pa ‘yong bangkay na dinala rito no’ng nakaraang araw.” “Ay, nandyan pa nga. Malaki na nga ang problema namin dahil hindi naman kami pwede magpirmis ng matagal ng bangkay rito,” naiiling na wika nito saka tumayo mula sa kinauupuan. “Titingnan lang sana namin ang katawan, hindi ko pa po kasi nakikita ‘yan nang huli akong pumunta rito,” usal naman ni Elysa kaya napalingon siya rito. “Bakit mo pa ba nakikita?” nagtatakang tanong niya sa dalaga. “Paano ka nakakuha ng picture kung hindi mo nakita ang katawan?” salubong ang kilay na baling niya rito at malapad itong ngumiti sa kaniya. “Pinatingnan ko lang at pinakuhaan ng litrato sa nagbabantay ng nakaraan dito. Hindi ko kayang tingnan at umiikot ang sikmura ko,” pagtatapat naman nito. Mariin na lang siyang napapikit sa mga narinig niya dahil sa totoo lang ay sumasakit ang ulo niya kay Elyse at hindi niya alam kung tama ba na ito ang kinuha niyang kapareha para sa kaso na iyon. “Kung hindi mo naman pala kasi kaya ng mga ganitong trabaho dapat hindi ka na nagpulis,” naiiling na lang na sabi niya pagtapos ay pumasok na siya sa loob kung nasaan ang bangkay na kailangan niyang makita. Hindi nakaiwas sa paningin niya ang pagnguso nito pero hindi na lang niya pinansin. Hindi na rin naman ito sumunod pa sa kaniya mukhang hindi nga kaya na makakita ng bangkay. “Ang totoo niyan, Sir, may mga nagpunta naman na ritong Forensic at sinabihan kami na huwag na munang gagalawin. Ang problema lang talaga, eh, nahihirapan kaming kumilos kapag ganitong may nakatengga rito.” “Ang ibig niyo po bang sabihin wala pa ring nakakapag-check sa katawan na ‘to kung ano ba talaga ang cause of death?” hindi makapaniwalang tanong niya sa pagkakaalam kasi niya ay tatlong araw na mula nang mangyari ang krimen at sa loob ng dalawang araw lang ay dapat mayroon nang pumunta roon para tingnan ang katawan at dapat ng ana-autopsy na rin ang katawa na iyon. “Wala pa nga, Sir, sa dami naman ng pinapatay rito sa Sangangdaan ay ito lang ang bangkay na parang pinagkaitan. Wala kasi pamilya na nagpa-follow up kaya ganito na hindi mai-priority,” naiiling na wika pa nito habang binubuksan ang freezer kung nasaan ang katawan. “Kahit na, hindi dapat na tumagal ng ganiyan. Kahit walang pamilya krimen pa rin itong nangyari.” Iaangat na sana niya ang putting kumot nang biglang may pumigil sa kamay niya kaya napaangat ang tingin niya. “Anong ginagawa mo rito, Lieutenant?” Salubong ang kilay na tanong sa kaniya ni Police Master Sergeant Valdez. “Hindi mo area ‘to bakit ka pumunta rito?” sa himig nito at halatang hindi nito nagugustuhan ang presenya niya roon. “Ikaw pala ang may hawak ng kaso na ito?” hindi niya mapigilang mapailing. “Kaya pala ganito katagal gumulong ang proseso ay dahil ikaw ang naka-assign.” “Labas ka na sa kasong ito, Lieutenant, kaya kung paano namin hahawakan ang kaso ay wala ka nang pakialam doon,” maangas pa ring wika nito sa kaniya. “Ganiyan ka ba mag-salute sa mas nakakataas sa ‘yo, Sarhento?” hindi mapigilang sabi niya. Magka-batch kasi sila nito pero sa dami ng kalokohan nito bilang pulis ay hindi na ito umangat sa posisyon nito. “Hindi ang pagsaludo ang usapan dito. Hindi mo hawak ang area na ‘to kaya umalis ka na bago pa ako mag-report.” Pananakot naman nito. “Si Major ang nagsabi na puntahan ko ang lugar na ito,” mayabang din na sabi niya at nagsalubong naman ang kilay nito. “Ngayon alam ko na kung bakit niya ‘ko pinapunta rito.” “Huwag mo ‘kong angasan dito, Lieutenant!” napipikon na sabi naman nito. “Pangatlong araw na nito pero hindi pa kayo nakakatawag ng Forensic, alam niyo ang tamang proseso pero hindi ninyo inaasikaso. Pinapangaralan kita bilang nakatataas sa ‘yo, Sarhento. At payo ko na rin para umangat-angat naman ang posisyon mo, bilisan mong mag-trabaho.” Pagtapos ay tinapik pa niya ang balikat nito saka ito tinalikuran. Tama nang nakita niyang nagngingitngit ang mga ngipin nito sa sinabi niya. Diretso siyang lumabas ng punerarya at nakasunod lang sa kaniya si Elyse. “Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo magkasundo nito Domz?” tanong nito habang naglalakad na sila papunta ng sasakyan. “Kahit kailan naman hindi kami naging magkasundo,” walang ganang usal niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD