MATAPOS ipakita kay Jin ng Papa niya ang lahat ng nasa safe room nito ay lumabas na silang dalawa. Bumalik silang dalawa sa opisina nito.
“Listen, Jin, nandito sa silid na ‘to ang lahat ng opisyal ng grupo. At kailangan mo silang makilala para alam mo kung ano ang mga ginagawa nila at alam ko kung sino ang dapat mong lapitan pagdating sa iba’t ibang problema na pwedeng kaharapin ng grupo,” wika ng kaniyang ama kaya naman tumango lang siya rito. “Ito is Yulong siya ang kanang kamay ko rito sa lahat ng tao rito siya ang pinakamataas ay bukod sa akin siya ang nasusunod.” Pagtapos ay yumukod naman sa kaniya ang lalaking nasa harapan niya.
“Ikinalulugod kong makilala kayo, Young Master,” magalang pa na wika nito.
“At ito naman si Haoyu, siya namang ang initiation officer dito, lahat ng gustong pumasok at umalis sa grupo ay siya ang bahala sa lahat. Kapag ikaw na ang Leader ng Dark Eagle ay huwag mong kalilimutan kung gaano kahalaga ang role niya,” bilin pa nito at katulad nang nauna ay yumukod ito sa kaniya.
“Ako po si Haoyu, Young Master, nandito lang po ako ano mang oras na kailanganin niyo ako,” magalang din na wika nito kaya tumango naman siya.
“This is Yufei, siya ang Vanguard, siya naman ang tumutulong ni Haoyu sa lahat ng bagay, si Yufei ang nagsasabi kung ano ang gagawin at dapat gawin sa mga miyembro na gustong pumasok at umalis. Siya rin ang acting leader kapag wala kaming dalawa ni Yulong.” Ngumiti at bahagyang yumukod lang ito sa kaniya. “At ito naman ang Red Pole ng Dark Eagle Organization, siya si Yang, siyang ang nasusunod pagdating sa mga defensive and offensive operation kaya malaki rin ang role niya sa Dark Eagle. Kapatid din siya nitong si Yulong.”
“Masaya po akong makilala kayo, Young Master,” magalang na wika nito sa kaniya matapos yumukod.
“Ito naman si Suchang, siya ang financial and business advise ng Dark Eagle, kung lahat ng mga ito ay puro physical ang tulong sa Dark Eagle, siya ang pinakautak ng lahat dito lalo na pagdating sa mga negosyo ng Dark Eagle. Nasa kaniya ang lahat ng listahan ng mga kliyente kaya mahalaga rin ang presensiya niya sa grupo.”
“Magandang umaga po, Young Master,” magalang ding banti nito at napatango lang siya dahil sa tindig nito ay mukhang tama ang ama niya na marami itong nalalaman. Kumpara sa mga naunang ipinakilala nito sa kaniya na malalaki ang pangangatawan at talaga namang itsura pa lang ay makakatakot ka na.
“At ito naman si Ling, siya naman ang undercover agent or spy ng Dark Eagle, mahalaga rin ang papel niya sa grupo dahil siya ang kadalasan na pumapasok sa iba’t ibang mga Mafia group para lang makakalap tayo ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga grupo lalo na sa mga kalaban natin,” paliwanag naman ng kaniyang ama. “Naiintindihan mo ba ang lahat, Jin?”
“Naiintindihan ko, ‘Pa,” tugon naman niya, tumango naman ito at tumingin sa mga opisyales na itinalaga nito sa Dark Eagle.
“Makinig kayong lahat, gusto kong malaman ninyo na simula sa araw na ito ay sasanayin ko na si Jin sa lahat ng transaksyon ng Dark Eagle, inaasahan ko ang tulong ninyong lahat sa sa kaniya. Lalo na pagdating sa mga code. Kung tatanungin niyo ‘ko kung bakit ko ‘to ginagawa, alam ninyong malaki na ang pagbabanta sa grupo at dumarami ngayon ang lumilitaw na bagong Mafia Group na naghahangad na matalo ang Dark Eagle.”
“Naiintindihan po namin, Boss, at gagawin naman ang lahat para matulungan ang Young Master kaya hindi niyo po kailangang alalahanin ang tungkol sa bagay na ‘yon,” tugon naman ni Yulong.
“Magaling kung ganoon. Okay now, let’s move, Jin,” aya na naman nito sa kaniya. Lumabas na naman sila ng opisina na iyon.
Sumakay naman sila ng elevator at bumaba sila sa ika-anim na palapag.
“Jin, tingnan mo ang lahat ng ‘yan,” wika naman nito sa kaniya. Sinunod naman niya ang mga sinabi nito. Gawaan ng alak ang palapag na iyon, marami ring mga tauhan na naroon. “Ito ang front business ng Dark Eagle, malaki rin ang supply na pera ang nanggagaling dito pero mas malaki pa rin ang sa underground, kailangan mo ring malaman kung paano ang proseso ng negosyong ito para alam mo kung paano haharap sa tao, sa mga taong susubok na magpabagsak ng Dark Eagle at ng negosyong ito. Dugo’t buhay ko ang ibinuwis ko para lang maitayo ito at para lahat ito sa kinabukasan mo kaya ginawa ko ang lahat para maiangat ang lahat ng ito.”
Gusto niyang mailing sa lahat ng sinabi nito pero alam niyang hindi siya maaaring kumontra dahil sasamain lang siya. Hindi naman kasi ganoong buhay ang pinangarap niya pero ganoong obligasyon ang inaatang nito sa balikat niya.
“Inilagay ko sa tabi mo si David dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya at alam kong maasahan mo siya sa lahat ng mga bagay,” dagdag naman nito. “Mamaya ibibigay ko ang mahahalagang papeles tungkol sa negosyong ito. Halika’t pumunta naman tayo sa underground.”
Muli siyang sumunod dito, sumakay ulit sila ng elevator. Pababa na naman ang andar noon at mukhang literal ng underground ang pupuntahan nila. Dalawa lang ulit silang mag-ama na magkasama hindi na nito isinama pa ang mga alipores nito.
Paglabas nila ng elevator ay isang puting silid ang sumalubong sa kanila, at may mga protective suit na naroon. Kumuha ng isa ang Papa niya at iniabot sa kaniya.
“Oh, isuot mo dahil hindi natin pwedeng direct na maayos kung ano man ang ginagawa sa loob,” wika nito kaya naman kinuha niya ang iniaabot nitong protective suit na katulad halos ng lab gown ng mga scientist. Nagtataka man ay wala siyang nagawa kung hindi ang isuot iyon.
Nang matapos nilang isuot ang mga protective suit ay may pinindot ulit itong button para bumukas ang pintong nasa harapan nila.
Bumulaga naman sa kaniya ang iba’t iba at malalaking makinarya na naroon.
“This is the drug’s manufacturer ng Dark Eagle Organization, iilang tao lang ang nagtatrabaho rito dahil puro mga machine naman ang gumagawa ng droga. Puro machine operator na lang at hindi lahat ng tao sa Dark Eagle member or officials ay alam at nakakapasok dito dahil isa ito sa pinakaimportanteng yaman ng grupo. Kaya hindi lahat ng magtatanong sa ‘yo ay dapat mong sagutin, kahit nasa iisang Mafia Group tayo hindi ka pa rin dapat isang daang porsyento na magtiwala kahit kanino. Sa larangang ito tanging si David lang ang pwede mong pagkatiwalaan kaya sa kaniya ka lang magtatanong. Marami rin namang nalalaman si David.”
Hindi man nito sabihin sa kaniya ang direkta ay alam niyang illegal na droga ang ginagawa sa lugar na iyon. At sa tanda niyang iyon ngayon lang talaga siya nakakita ng ganoon. Hindi nga niy sigurado kung masisikmura ba niya ang trabaho na iyon.
“Ibibigay ko rin sa ‘yo ang mga secret files tungkol dito, ako at ikaw lang ang makakakita noon. At walang sino man ang pwedeng makakita, ‘yan ang lagi mong tatandaan.” Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ito magbilin sa kaniya. Parang may kakaibang banta sa Dark Eagle. “Halika at doon tayo sa kabila,” aya ulit nito sa kaniya pagtapos ay inaya na siyang lumabas ng silid na iyon.
Tinanggal lang nila ang suot nilang gear at doon din sa mismong pinagtanggalan nila ng protective suit ay may pinindot naman itong button sa kabila ring panig at bumukas iyon.
“Ito naman ang firearms manufacturer, dito malaki rin ang kinikita ng organisasyon, hindi lang sa Hong Kong tayo nagsu-supply nito kung hindi mas pati sa mga bansa sa Asya. Lalong-lalo na sa Pilipinas. Marami tayong transaksyon sa bansang ‘yon at mayroon tayong sinu-supply-an ng droga roon. Sa susunod na mga linggo ay ipapakilala ko sa ‘yo at ipapakita ang mga taong kliyente natin sa ganito. Lahat ng iyon ay nasa secret files na ibibigay ko sa ‘yo. Mahahalagang impormasyon ng organisasyon at ng mga kliyente natin ang naroon kaya dapat mong ingatan at siguraduhin mong walang ibang makakakita niyon.”
“Bakit ba kung pagbilinan niya ako parang katapusan na ng mundo?” hindi makatiis na tanong niya sa ama.
“Hindi na ‘ko bumabata, Jin, at katulad ng sinabi ko marami na ring kalaban pagdating sa negosyong ito at maraming magtatangka na pabagsakin ang Dark Eagle Organization, marami tayong kakaming opisyales sa gobyerno ng Hong Kong pero tatandaan mo na madali lang papiyukin ang mga iyon basta makakita ng malaking pera. Pinaghahandaan ko lang ang mga pwedeng mangyari dahil hindi tayo sigurado kung hanggang saan ang kayang gawin ni kalaban. Inaasahan ko lang, Jin, na pagmamalasakitan mo rin ang lahat ng pinaghirapan ko. Kapag lahat ng ito nalagpasan mo ay may mahalagang bagay din akong sasabihin sa ‘yo,” makahulugang wika nito kaya nagsalubong naman ang kilay niya.
“Bakit hindi niyo pa ngayon sabihin ang lahat?”
“Dahil hindi pa pumapasok sa isip at puso mo ang tungkol sa obligasyong ito. Sisiguraduhin ko muna na mamahalin mo ang pinaghirapan ko bago ko ‘yon sabihin sa ‘yo. Lagi mo lang tatandaan na ginawa ko ang lahat ng ito para sa ‘yo at wala naman akong ibang pinaglaanan ng lahat kung hindi ikaw.”
Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito pero alam niyang may pinaghuhugutan ang ama at dahil hindi naman siya lumaking magkasama ay wala naman siyang plano na makipagdramahan dito. Ano pa nga bang magagawa niya kung ganoong obligasyon ang iniatang nito sa balikat niya bilang lalaki alam niyang kailanga niyang panagutan at pagtapatan ang ibinibigay nitong responsibilidad sa kaniya.
Ngayon naiintindihan na rin niya ang lahat kung bakit pinilit nitong makapagsanay siya sa murang edad ng iba’t ibang armas at patalim, maging ang iba’t ibang uri ng martial arts. At sisiguraduhin niyang hindi masasayang lahat ng pinahirapan niya sa loob ng mahigit 22 years na pagsasanay niya.