ILANG ARAW silang nanatili ni Noraine sa Hospital dahil day off ni Lorebel at wala nang kasiguraduhan si Andrei kung babalik pa ba si Lorebel sa k’warto ng kaniyang ama matapos ang mga nangyari. Pero hindi masyadong iniisip ni Andrei ang tungkol sa bagay na ‘yon dahil ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang sarili, ang Daddy niya, at si Noraine. Kapakanan at ikabubuti nila, ‘yon na lang ang tanging iniisip ni Andrei at kung anuman ang meron siya ngayon, at kung ano man ang nararanasan niya ay sinusulit na lang niya dahil walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang lahat ng ‘to. Kung gaano katagal na mananatiling ganito ang lahat. _____ “Oh, Andrei. Umuwi na muna kayo ni Noraine.” Ani Manang Celia na may dalang bagong damit ni Mr. Edwards. “Thank you, ho.” Magalang na sagot naman ni N

