PIC- Chapter 18

2280 Words
NADATNANG umiinom ng wine drink si Tamara ng kaniyang ama. Malalim na ang gabi at tanging siya na lamang ang gising sa buong mansyon. Habang si Renato naman ay hindi pinapatulog ng isiping ibinigay ni Tamara. "Hindi tama na nag-iinom ka, Tamara. At saka malalim na ang gabi, dapat ay natutulog ka na." "Hindi ba't ako dapat ang magsabi sa'yo niyan, papa?" Bahagya pa siyang natawa. "Sa edad mong 'yan ay kinakailangan mo palagi ang sapat na pahinga, hindi kagaya ko na bata pa." Pinandilatan siya nito ng tingin. "O baka naman sadyang hindi ka lang makatulog dahil gusto mo akong kausapin," malakas na paninindigan pa niya sa sarili. "'Wag mo kong kausapin na para bang napakalakī ng utang na loob ko sa'yo. Dahil kung tutuusin, ikaw dapat ang tumatanaw no'n sa akin bilang iyong ama!" gigil ngunit kalmado pa ring pagkakasabi ni Renato sa anak. Nang sandaling iyon ay mabilis tinungga ni Tamara ang natitirang laman ng shot glass bago pa niya muling harapin ang ama. "Talaga ba, papa? Sa nangyari kanina at sa mga sinabi ko, sa tingin mo ba, kung hindi ko sinabi 'yon ay malulusutan mo ang mga katanungan nina Margaret at Karadine?" Sandaling napaisip si Renato. "Oo, hindi ko nakakalimutan 'yon, Tamara. At ipinagpapasalamat ko 'yon, dahil kung hindi, tiyak na pagtatalunan namin 'to ni Florida at baka nga mauwi pa sa hiwalayan ang lahat. Pero sana naman, hindi maging dahilan 'yon para basta mo na lang diktahan kung anong magiging desisyon ko." Napangisi siya. "Sa tingin mo ba, papa, basta na lang ako papayag sa gusto mo? God knows, na hindi kita tutulungan nang walang dahilan." Bahagyang kinabahan si Renato. "A-anong ibig mong sabihin?" "Mananatiling nakatago ang sikreto mo, papa, kung papayagan mo pa rin akong magtrabaho sa pabrika at hindi alisin sa pwesto." Napailing si Renato. "Mukhang hindi ko kayang ibigay ang gusto mo, Tamara. Alam natin pareho na wala kang interes sa martial arts at napipilitan ka lang gawin 'yon. At baka nga ikaw pa ang maging dahilan para masira ang mga plano ko, e." Napangisi siya at sinentro ng tingin ang ama. "Pero wala kang ibang choice, papa, or else, sasabihin ko sa lahat na hindi lang ilegal ang pinasok mong negosyo, kundi isa ka ring kriminal." Pinandilatan ulit siya nito ng tingin. "'Wag na 'wag mo kong pagbabantaan, Tamara. Tandaan mo na anak lang kita at ama mo pa rin ako!" Sinusubukan pa rin maging kalmado ni Renato kahit na sadyang nanggagalaiti na ito sa inis. Habang namumuhay pa rin ang ngisi ni Tamara na tila ba wala itong kinatatakutan maski ang kaniyang ama. Nang sandaling iyon ay iniwan na rin siya nitong mag-isa kahit na wala pa ring assurance na papayag ito sa kagustuhan niya. Ngayon na hawak niya na muli sa leeg ang ama ay batid niyang magiging malaya na siyang muling gawin ang mg bagay na gusto niya. At iyon ay ang tuluyang mapalapit kay Yvo. Kinabukasan ay excited na bumangon si Karadine. Maaga siyang nag-ayos at nagbihis. Hindi pa rin mag-sink in sa isip niya kung gaano kabilis nagbago ang desisyon ng kaniyang ama na ibalik siya sa pabrika. Pero anuman ang dahilan niyon ay hindi na muna mahalaga sa kaniya ngayon, ang mahalaga ay ang muli silang magkita ni Yvo dahil sadyang miss niya na ang kasintahan. Lingid sa kaniya ay may nakahandang patibong si Tamara upang maudlot ang kaniyang muling pagbabalik sa pabrika. Palabas na sana siya ng silid nang mapaupo siya sa sahig matapos madulas sa isang masebong mantika. Dahil doon ay nakaramdam siya nang pamimilipit na dulot nang pagkakadulas sa sahig. Bukod pa ro'n ay hindi naiwasang madumihan ang suot niyang bistida. Nakita naman siya ni Isabel kung kaya't inalalayan siya nitong makatayo. "Karadine, ayos ka lang?" Bahagya siyang napatango kahit na namimilipit pa rin sa sakit. Sadyang malakas kasi ang pagkakatama ng mga hita niya sa sahig. Dahilan para iingka-ingka siyang maglakad. "Sandali at ipalilinis ko lang 'to kay manang." Sandali siyang iniwan ni Isabel upang tawagin nito si Aleng Francia. Habang siya naman ay sinikap na makabalik sa k'warto upang makapagpalit ng damit at mahugasan ang parte ng katawan na nadungisan ng mantika. Subait hindi pa man siya tuluyang nakapapasok ay narinig na niya ang malakas na pagtawa nina Tamara at Margaret. "Kumusta, Karadine? Nag-enjoy ka ba sa pagtatampisaw sa mantika?" winika ni Tamara na nagpabuhay ng kaniyang inis. Kaya naman sinamâan niya agad ito ng tingin at kahit gustuhin niya man itong sugurin ay hindi niya magawa dahil nagkakalat pa rin ang mantika sa sahig. "Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman kayong dalawa rito, e. Alam n'yo bang hindi n'yo lang ako pinahamak, dinungisan n'yo pa ang bistida ko na pinaghandaan kong isuot para sa araw na ito!" Nakita niya ang pagngisi ng dalawa. "O, I'm so sorry, Karadine. Akala kasi namin ay gusto mo munang mag-swimming bago pumasok, e," mapang-asar na kasagutan pa ni Tamara. Natigil lamang ang pang-iinsultong iyon nang dumating si Isabel kasama sina Aleng Francia, Florida at Renato. Kitang-kita sa kaniyang ama't ina ang pag-aalala habang pinagmamasdan siya ng mga ito. At habang kino-comfort siya ng mga ito ay hindi napigilang sisihin ni Renato ang dalawang nakatatandang anak na batid nitong gumawa niyon kay Karadine. "Tamara at Margaret, ano na naman ba 'to? Umagang-umaga ay away agad ang hanap ninyo." "Papa--" natigilang sabi ni Tamara. "Papa, maniwala ka, ideya lang 'to ni Ate Tamara at kanina ko lang nalaman no'ng nagawa niya na," katwiran ni Margaret na hindi inaasahan ni Tamara na ilalaglag siya nito. Doo'y sinamâan ng tingin ni Tamara si Margaret. "How dare you para ilaglag ako?" "E, bakit hindi? Ayokong madamay sa kalokohan mo, 'no. At p'wede ba, ayokong ma-stress dahil lang sa kagagahan mo." "Tama na, hindi n'yo kailangang magtalo," suway ni Renato sa mga anak. "Karadine, maglinis ka na ng sarili at magbihis dahil aalis na tayo, at ikaw, Tamara, hindi ka muna sasama sa pabrika nang dahil sa ginawa mo." Napatiklop ang bibig ni Tamara sa narinig. At kung tutuusin ay balewala lang ang naging pagbabanta niya sa ama. Pero dahil aminado siya sa maling nagawa ay wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang naging kapalit ng kaniyang ginawa. Napasigaw siya sa inis nang mapagtantong panalo na naman ngayon si Karadine. Ilang sandali pa ay nakita niyang paalis na ng mansyon ang kaniyang ama kasama si Karadine. At nang sandaling iyon ay umiisip na siya ng paraan kung paano makasusunod doon. - Sinalubong ng mainit na pagtanggap si Karadine ng buong grupo ng Mochizet. Makikita ang tunay na kasiyahan sa kanilang mga mata lalung-lalo na si Yvo. "Sa wakas, nagbalik na si Madam Karadine!" wika ni Fernando na tila ngayon niya lang narinig na nagsalita. "Salamat sa inyong muling pag-welcome sa akin. Asahan n'yo na mas pagbubutihan ko pa ang bawat misyon sa grupong ito." Hindi maiwasang mapangiti ng kaniyang ama para sa kaniya. "Hindi talaga ako nagkamali nang pagpili sa'yo, Karadine." "Salamat, papa." Niyakap niya ang ama at nang sandaling iyon ay masaya silang pinagmasdan ng lahat. Ilang sandali pa ay hinarap siyang muli ng ama. "Kung hindi dahil sa'yo, malamang ay napahamak na ako sa kamay ng mga Benitez." Taka siyang napatitig sa ama. "A-alam mo na po na sa akin nanggaling ang impormasyon na 'yon?" Napatango't napangiti si Renato habang sandaling ginawaran nito ng tingin si Yvo. "Oo, anak, at si Yvo ang nagpatunay no'n." Tipid siyang napangiti lalo na nang lihim na napakindat sa kaniya ang kasintahan. Nagdulot naman iyon sa kaniya ng kilig bago pa man magbalik ng tingin sa ama. "Wala po iyon, papa. Kung ano po ang alam ko na makabubuti ay gagawin ko para sa grupong ito. Ang mahalaga ngayon ay nalaman natin kung sino talaga ang mga kalaban." Sumang-ayon ang lahat sa sinabi niya lalo na ang kaniyang ama. Maya-maya pa'y nagplano na sila para sa muling pagpasok nila sa property ng mga Benitez. Ngunit sa pagkakataong iyon ay sa ibang paraan na nila iyon gagawin. "Kailangan mong magpanggap na kakampi at mapagkakatiwalaang kaibigan, Karadine. Papasok ka sa buhay ng mga Benitez at kapag nakuha mo na ang buong tiwala nila, doon natin sila uunti-untiing pabagsakin." Napatango silang lahat sa sinabi ni Renato. Subalit, lingid sa kanila ay narinig ni Tamara ang usapang iyon, na ngayo'y lihim na nakikinig sa kanilang usapan. "Hindi p'wedeng ikaw lang ang laging magaling sa paningin ni papa, Karadine. Gagawa ako ng paraan para hindi ka magtagumpay sa misyon mo, tandaan mo 'yan!" wika ni Tamara sa sarili sa kabila nang pagtatago nito sa isang sulok. Lumipas ang ilang araw at nanatili ang lihim na relasyon nina Karadine at Yvo. Doon ay nagsimula na ring magpakilala ni Karadine sa mga Benitez at para simulang pasukin ang buhay nito. Subalit, hindi niya akalaing sisirain agad ni Tamara ang kanilang nakalatag na plano. Dahil katulad niya ay nagpakilala rin ito sa mga Benitez. Kaya naman hindi niya maiwasang kabahan sa kung anumang pinaplano ni Tamara na labas sa kanilang plano. "Ano bang ginawa mo, Ate Tamara? Hindi ka dapat lumantad sa mga Benitez dahil baka kung ano pa ang isipin nila." "E, anong gagawin ko? Tutunganga habang pinupuri ka ng lahat dahil sa ginagawa mo?" Agad na lumalim ang kaniyang tingin. "Hindi ka ba talaga makaintindi, Ate Tamara? O sarili mo lang ang iniisip mo? Hindi mo ba naisip na sa ginawa mo ay posibleng isipin ng mga Benitez na pinagkakaisahan natin sila. At baka sa huli ay lalong mapahamak pa nito si papa!" "Iyan, kaya lumalakī ang ulo mo dahil sa tingin mo ay ikaw na 'tong magaling at higit na nakakatulong sa mga plano ni papa. Paano naman ako? Saling pusa lang?" "Ate Tamara, walang gano'n. Saka, bakit ba kasi tinitingnan mo lang ang mga bagay na p'wedeng ikasira ko kay papa? Hindi ba p'wedeng magtulungan na lang tayo na mapabagsak ang mga kalaban? Ate, hindi ako ang kalaban mo rito, at kung sisirain mo lang ang nakalatag na plano ay mabuti pa at 'wag ka na lang tumulong. Mabuti pa at mag-focus ka na lang sa mga bago nating consumer. Hindi ba't masayang makipag-deal sa mga customers?" "No, I hate it. The moment na mas napapalapit kayo ni Yvo para sa isa't isa, ay mas lalo lang akong natatalo. Karadine, alam mo naman kung gaano ko kagusto si Yvo, kaya bakit hindi mo na lang siya ibalato sa akin?" "Ate Tamara, hindi tayo nagtatrabaho rito para lang sa lovelife na 'yan. Nandito tayo para tulungang umangat ang negosyo ni papa na siyang bumubuhay sa atin. Saka, hindi naman sa tinututulan kita kay Yvo, pero kasi--" Sandali siyang natigilan dahil baka bigla na lang siyang madulas sa katotohanan, na kasintahan niya na si Yvo kung kaya't higit na tumututol siya sa kagustuhan nito. "Kasi ano? Gusto mo rin siya?" Napangisi ito. "I knew it, kaya ayaw mong mapalapit kami ni Yvo sa isa't isa ay dahil ikaw itong lihim na lumalandi sa kaniya--" Natigilan ito sa pinakawala niyang sampal. Masakit para sa kaniya na sabihan siyang malandi gayong ang tanging alam lang niya ay pareho nilang minamahal ni Yvo ang isa't isa. Imbes na lalong mainis sa nakatatandang kapatid ay nagawa pa niyang mag-sorry dito. "Ate Tamara, I'm sorry, hindi ko sinasadya na sampalin ka." "You mean it. At alam kong nagagalit ka sa akin dahil sa mga sinabi ko." "Oo, aaminin ko, nagagalit ako sa sa mga sinabi mo, at sa ginagawa mo na lingid sa plano. Pero kapatid pa rin kita at mas matanda ka sa akin, kaya nga iginagalang pa rin kita, e." Nakita niya ang dahan-dahang pag-iling ni Tamara. "At alam mo kung anong problema sa'yo, Ate Tamara? Na pakiramdam mo ay kinakalaban kita kahit hindi naman. Kaya sana ay mawala na ang paniniwala mong 'yon, sana ay magtulungan na lang tayo na maging maayos ang lahat. Isipin mo na lang na pareho tayong nabigyan ng pagkakataon na pasukin ang negosyong itinayo ni papa, kaya sana ay 'wag mo naman akong ituring na kaaway dahil hindi ako ang kaaway." Matapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya na ito. At dumiretso siya sa tagpuan nila ni Yvo upang kahit papaano'y gumaan ang kaniyang pakiramdam. Madalas kasi ay sa tagpuan nila sila nagtatagpo nito sa tuwing matatapos ang misyon nila sa araw na iyon upang ipakita ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Nakita niyang gumawa na rin doon ng maliit na kubo si Yvo upang magsilbi nilang pahingahan at silungan kung maabutan man sila ng ulan. Ilang sandali pa ay natunugan niya ang pagdating nito. "O, kanina ka pa?" Tipid siyang napangiti. "Kararating-rating ko lang. Saan ka nga pala nanggaling? Hindi na tayo nakapagsabay pabalik kanina, e." "Kaya nga, e. Alam mo na, sadyang mailap pa rin sa akin ang mga Benitez, pero hindi dapat sila makahalata na may ugnayan tayong dalawa." Napatango siya. Kapagkuwa'y niyakap siya nito mula sa likuran habang pinagmamasdan niya ang unti-unting paglubog ng araw. At sa tuwina ay napatanong siya rito, "Yvo, sa tingin mo ba, kung hindi bawal ang relasyon natin, magagawa pa rin kaya natin 'to?" "Anong ito?" "Ito, 'yung lihim na pagtatagpo natin, 'yung tayong dalawa lang.. at wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba.." Napabuntong hininga si Yvo bago ito pumaharap sa kaniya at pasimpleng kurutin ang pisngi niya. "Sa tingin ko ay magagawa pa rin naman natin 'to, pero sa ibang paraan, kasi nga, legal tayo, e. Pero siyempre, kailangan pa rin natin ng privacy sa isa't isa, katulad nito." Sandali silang nagkatitigan. At tila ba ang mga mata nila ay parehong nangungusap na kahit anong mangyari ay panghahawakan nila ang isa't isa. At muli pa ay nagtagpo ang kanilang mga labi upang pagsaluhan nila ang isang matamis na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD