PIC- Chapter 8

2157 Words
"Uy, Ate Tamara, ano bang ginagawa mo? Bakit para kang stalker diyan kay Karadine?" Hindi naiwasang pandilatan ng mata ni Tamara ang nakababatang kapatid na si Margaret nang madatnan siya nitong nagtatago sa likod ng mga halaman sa garden. "Ano ba? 'Wag ka ngang maingay. Hindi mo ba napapansin? Inaalam ko ang bawat galaw ni Karadine para malaman ko kung paano siya sumisipsip kay papa." May pag-irap sa kawalang sabi ni Tamara. Dahilan para bahagyang kumunot ang noo ni Margaret. "Seriously? Pero baka nakakalimutan mo, siya pa rin ang legal na anak ni papa." Sandaling napangisi si Tamara habang hindi nito inaalis ang tingin sa bunsong kapatid na si Karadine. "You're right, Margaret, kaya nga gumagawa ako ng paraan para magkaroon siya ng butas kay papa, e. Nang sa gano'n ay mapansin niya naman ako bilang anak. Nakakainis lang isipin na palagi na lang si Karadine ang magaling, matalino at responsable. Hay!" bulalas pa niya at sa puntong iyon ay hindi inaasahang matutumba niya ang isang paso ng halaman, bagay na magbibigay ng dahilan kay Karadine upang isipin na may ibang tao sa hardin. Kung saan ay katatapos lamang nitong iguhit ang mukha ni Yvo bilang lalaking nagugustuhan nito. Kaya naman kampanteng iniwan ni Karadine ang papel na naglalaman ng larawan ni Yvo at napamasid sa paligid. "May tao ba riyan?" Pigil hininga naman ang dalawa niyang traydor na kapatid at dahil nanatili naman ang katahimikan ay inisip niya na lamang na baka pusa lamang iyon, kaya naman nagdesisyon na siyang umalis na sana roon, tutal naman ay tapos na rin siya sa ginagawa. Subalit sa kaniyang pagbalik sa pwinestuhang bermuda ay hindi naman inaasahang liliparin ng hangin ang papel na pinagguhitan niya. At saktong nilipad pa ito sa pwesto nina Tamara at Margaret. "Ano 'to?" tanong ni Tamara sa kawalan. At nagkatinginan pa ang dalawa nang makita ang lalaking nakaguhit sa papel, sa unang tingin ay aaminin ni Tamara na hinangaan niya agad ang itsura nito. Samantala'y kung kailan patungo na sa pwesto si Karadine kung saa'y nakita niyang lumipad ang papel ay siya namang takbo paalis ng dalawa niyang kapatid. Kaya naman hindi niya na rin naabutan pa ang papel doon at laking pagtataka niya kung saan iyon napunta. "Saan na kaya napunta 'yon? Dito lang naman iyon nilipad ng hangin, ah," nagtatakang aniya. "Nais ko pa naman sanang ipakita iyon kay Yvo," wika pa niya sa sarili. Dahil sa labis na pagkabigong mahanap pa 'yon ay sinubukan niyang gumuhit ulit, subalit tila nawalan na siya ng gana pang ulitin ang nasayang na effort sa pagguhit. Hanggang sa nagpasya na muna siyang pumasok sa mansyon upang uminom ng tubig at makapag-relax. Ngayon na lang kasi ulit siya nakapag-stay ng matagal sa mansyon dahil sa mga araw na iginugol niya para sa training at ngayon lng din siya pinagpahinga ng ama. Sa kaniyang pagtuntong pa lamang sa may kusina ay hindi niya inaasahang may bubungad na boses sa kaniya. "Ito ba ang hinahanap mo?" Mabilis na tumibok ang puso niya nang marinig ang boses na iyon, mula kay Tamara. Sa kaniyang paglingon ay hindi niya nga inaasahan na makikita niyang hawak ni Tamara ang papel na naglalaman ng iginuhit niyang mukha ni Yvo at ang inaasahan niyang mataray na tingin nito sa kaniya at ni Margaret. "P-paano napunta sa'yo 'yan, Ate Tamara?" "Hindi na mahalaga 'yon," sarkastiko nitong sagot. At akma namang inilihis pa ang papel sa kaniya nang akma niya itong agawin. "Ano bang problema n'yo? Hindi n'yo dapat inaangkin 'yan dahil pinaghirapan ko 'yang iguhit!" Saka naman bumanat din nang pang-iinsulto si Margaret. "At sino ang lalaking nasa guhit? Siya ba ang iyong nobyo? Kaya ba gano'n na lang ang kagustuhan mong sumisipsip at magpakitang gilas kay papa?" Doo'y hindi naiwasang manlaki ng mata niya sa ibinibintang ni Margaret. "Walang katotohanan ang sinasabi mo, Margaret." "E, kung ganoon, bakit mas pinili mong magtrabaho kahit isa ka namang heredera pagdating ng araw, aber?" banat pa ni Tamara. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay nagsalita itong muli, "Bakit nga ba? E, halata naman kasing nagpapakitang gilas lang 'yan kay papa para pagdating ng araw ay solo niya lang ang lahat ng mana na dapat ay sa atin din!" "Hindi n'yo dapat sinasabi 'yan, pero kung iyan talaga ang iniisip n'yo sa akin, bahala kayo! Basta ginagawa ko 'to para sa ikabubuti ng ating pamilya." Hindi naiwasang mapangisi ng dalawa sa sinabi niya, marahil ay sadyang sarado ang mga isip nito para sa pang-unawa. "At saka, bakit n'yo ba nililihis ang usapan? Sagutin n'yo na lang ang tanong ko kung paano napunta sa inyo 'yan!" pasigaw niyang sabi kung kaya't hindi maiwasang kabahan ng dalawa. "Ahm, palabas lang sana kami ng mansyon ni Margaret nang lumipad ito sa direksyon namin. At saka bakit hindi mo ba kasi iniingatan ang pag-aari mo? Naaagaw tuloy ng iba," may tonong pang-iinsulto pang sabi ni Tamara. Pero sa halip na patulan pa ang pang-iinsulto ng kapatid ay sinubukan niya pa ring pakalmahin ang sarili, para naman maibalik nito sa kaniya ang papel na iyon. "Ibalik mo na lang 'yan sa akin, ate para matapos na," ma-awtoridad at kalmadong sabi niya, kahit sa loob-loob niya'y gusto niya na itong sampalin dahil sa inaasta nito ngayon, gayundin si Margaret na kahit kailan ay kalaban ang turing sa kaniya. "Okay, as you wish," tipid na sagot ni Tamara at sandali pa itong napalingon kay Margaret bago pa man akmang i-abot sa kaniya ang papel. Subalit hindi yata p'wedeng madala sa maayos na pakiusap si Tamara dahil sadyang nais nitong galitin siya-- sa paraang nagawa nitong i-atras pabalik ang papel upang punitin iyon sa harapan niya. Nagkapira-piraso ang mga papel na iyon kung kaya't doon na siya nagngitngit sa galit habang ngingisi-ngisi naman siyang iniwan doon ng dalawang kapatid. Maluha-luha siya habang dinadampot iyon isa-isa. Hanggang sa magdesisyon siyang sundan ang dalawang kapatid na mukhang masaya pa sa ginawang pang-iinsulto sa kaniya. "Ate Tamara at Ate Margaret!" gigil na pagtawag niya sa mga ito na dahilan naman nang pagkatigil nito. At bago pa man ang mga ito makalingon sa kaniya ay walang takot na sinupalpal niya sa mukha ni Tamara ang pira-pirasong papel na iyon. Habang sinubukan naman siyang awatin ni Margaret. Doo'y inis naman itong humarap sa kaniya matapos ang pagkapahiya sa ginawa niya. "Ano ba? How dare you?" "Walang hiya ka! Hindi mo na iginalang si ate!" wika ni Margaret nang akmang sasampalin siya nito ngunit mabilis niyang naisalag ang kaniyang braso. Saka naman nila narinig ang pagdating ni Isabel. "Anong nangyayari?" Nagkatinginan sina Tamara at Margaret habang siya naman ay sumentro ng tingin kay Isabel. Doo'y hindi niya naiwasang umalis na sa eksena at nagpasya na lamang na umakyat ng kaniyang k'warto. Kaya naman naiwan doon ang tatlong magkakapatid na sina Tamara, Margaret at Isabel. "Inaway n'yo na naman si Karadine, 'no? Wala na ba talaga kayong magawa?" tila panenermon ni Isabel sa dalawa na kung tutuusin ay ito pa dapat ang manermon sa kaniya, dahil na rin sa mas nakatatanda ang mga ito. "E, anong pakialam mo, Isabel? Saka bakit ba palagi mo na lang kinakampihan ang sipsip at mayabang na Karadine na 'yon?" inis na sabi ni Tamara. "Sipsip at mayabang? Paano naman naging sipsip at mayabang si Karadine, Ate Tamara? Ang sabihin mo ay inggit ka lang sa mga achievements na nararanasan ni Karadine. Ewan ko ba sa inyo ni Ate Margaret, wala na kayong nakitang maganda kay Karadine, e. Tingin n'yo sa kaniya ay isang katunggali kahit hindi naman. At saka, hindi n'yo alam ang hirap na dinaranas niya araw-araw sa trabaho kaya 'wag kayong ganiyan magsalita sa kaniya." "So, kung ganoon, alam mo na pa lang may nobyo na si Karadine?" Doo'y hindi naiwasang mapakunot ng noo ni Isabel. "Nobyo?" "Oo, nobyo. Nagawa niya pa nga itong iguhit sa papel. At sino ba namang babae ang guguhit sa isang lalaki na wala lang para sa kaniya, 'di ba?" sagot ni Margaret. "Kaya nga sumisipsip at nagpapakitang gilas kay papa para payagan lang siyang magnobyo sa pabrika ni papa," dagdag pa ni Tamara na akala nama'y higit na may nalalaman sa nangyayari roon. Samantala'y nagbigay naman ng kalituhan kay Isabel ang mga narinig. "Seryoso ba kayo sa ibinibintang ninyo? Hindi naman siguro papayagan ng ama na basta-basta na lang magnobyo si Karadine sa pabrika. Saka nakita ba ng dalawang mata n'yo na may nobyo siya? Ang hirap kasi sa inyo ay ang hilig n'yong manghusga." Matapos sabihin iyon ni Isabel ay iniwan na nito ang dalawang nakatatandang kapatid at nagdesisyong dumiretso sa silid ni Karadine. "Pasok," ani Karadine. At nang buksan ni Isabel ang pinto ay nakita niya ang namumugtong mga mata ni Karadine mula sa pagluha. Sa puntong iyon ay hindi na siya nagdalawang isip na tanungin ito. "Totoo bang.. may nobyo ka na, Karadine? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" Taka itong lumingon sa kaniya kahit na namumugto pa ang mga mata. At doo'y nilinaw nito ang tungkol sa sinabi niya. "Ano ba naman 'yan, Isabel. Pati ba naman ikaw ay iisipin ang bagay na 'yan? Wala akong nobyo." Doo'y sandaling napangiti si Isabel. "Alam ko, kaya nga gusto ko lang sanang klaruhin sa'yo. 'Wag kang mag-alala, buo ang tiwala ko sa'yo, Karadine at alam kong nagsasabi ka ng totoo kaysa kila ate." Mukhang napagaan niya naman agad ang kalooban ni Karadine nang dahil sa sinabi niya subalit hindi pa rin siya kumbinsido kung ano ba talaga ang dahilan nang pagluha nito. "Pero bakit ka pala umiyak?" Sandali pa itong napayuko. "E, kasi.. pakiramdam ko ay nasayang lang ang effort kong pagguhit, dahil nagawang punitin ni Ate Tamara sa harapan ko ang papel na naglalaman ng larawan ni Yvo.." "S-sino si Yvo?" kwestyon niya agad. Oo at nainis siya sa pagsasabi ng katotohanan ni Karadine ngunit mas nagbigay interes sa kaniya ang pangalang sinabi ng kapatid. "Isa siyang kaibigan, Isabel, pero masasabi ko ring hindi mahirap magustuhan." Hindi niya naiwasang mapangiti. "Kaya ba nagawa mo siyang iguhit?" "Ate.. ang totoo niyan ay gusto namin ni Yvo ang isa't isa," pagpapahayag ni Karadine na ikinagulat at ikinasiya niya. "Pero dahil sa sitwasyon ay hindi namin p'wedeng basta na lang sundin ang nararamdaman namin." Kunot noo naman siyang napatingin dito. "Bakit naman?" "Mahabang kwento, Isabel. Saka ko na iku-k'wento sa'yo kapag alam kong dapat mo nang malaman." "Ang ano?" "Basta, Isabel. Malalaman mo rin, ang mahalaga ngayon, alam mo nang may nagugustuhan na ako." "Hay, ikaw talaga, basta, hindi p'wedeng hindi mo ako ipakikilala sa lalaking 'yan, hah?" "Oo naman, Isabel, kayo ni Rosanna ang una kong ipakikilala sa kaniya kapag nagkataon." Kinabukasan ay nagbalik na siya sa pabrika at tila bumalik sa kaniyang alaala ang sandali na unang beses siyang nakatuntong doon. Doon nama'y mainit siyang winelcome nina Yvo, Renzo, Florencio, Fernando, Joey at Billy. At sa tinginan pa lamang nila ni Yvo ay halatang nagkakaunawaan sila sa mga salitang nais nilang sabihin sa isa't isa. Pero dahil sa hirap ng kanilang sitwasyon ay mas pinili na muna nilang ipagpaliban na muna ang nararamdaman. Ilang sandali pa ay tinipon muli ng kaniyang ama ang mga tauhan nito habang siya naman ay nagsimula ulit na magsanay sa shooting range. Habang abala siya roon ay wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa may living room ng pabrika. Kung saan ay nagsisimula nang i-anunsyo ng kaniyang ama ang panibagong plano nito bilang paghahanda sa kaniyang pagsabak sa isang ingkwentro. "Magkakaroon ako ng isang malaking pagsubok para sa inyo. Kung saan ay maaari n'yong ipakita ang inyong tikas at galing sa pakikipaglaban," panimula ni Renato. "Ano pong pagsubok iyon, boss?" matapang na pag-usisa ni Renzo. "Kayo ay maglalaban-laban para sa pwestong itinakda kong makakasama ng aking anak na si Karadine. Nais kong pasukin n'yo ang negosyo ng mga Benitez, bilang isa sa pinakamayamang kliyente rito sa siyudad. Katumbas ng pwestong makukuha ay ang malaking halaga ng pera. Ngunit, nais kong malaman n'yo na dadaan muna kayo sa butas ng karayom sa bawat pagsubok na inyong pagdadaanan bago n'yo makuha ang pwesto, naiintindihan n'yo?" Sabay-sabay silang napatango gayong kung mayroon mang higit na mas desididong makuha ang pwesto ay sina Yvo at Renzo, lalo na't silang dalawa lang naman ang higit na may interes na makasama si Karadine. Maya-maya pa'y nagsimula na nga ang pagsubok na pagdadaanan ng mga tauhan ni Renato, kung saan ay may inihanda siyang mga buwis buhay challenge game. Katuwang niya si Ken sa pagpapatakbo ng kompetisyong iyon at handa ring magbigay si Ken ng pera para sa mapapanalunan. Samantala'y pinili na munang magpahingin ni Karadine ng mga oras na 'yon, nang hindi inaasahang makikita niya ang hirap na pinagdaraanan ng mga tauhan. Doo'y hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga ito, lalo na kay Yvo. "Papa, ano pong nangyayari?" kinakabahang tanong niya sa ama. At doo'y hindi niya inaaasahan ang isasagot nito, "Naglalaban-laban sila para sa pwesto, kung saan ay makakatambal mo para sa isang ingkwentrong inihahanda ko bilang isa sa mga magiging misyon mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD