PIC- Chapter 9

2045 Words
Buwis buhay ang naging pagsabak nina Yvo, Renzo at ng ibang miyembro ng Mochizet upang makamit lang ang inaasam na pwesto, gayundin ang malaking halaga na katumbas nito. At para kay Karadine ay parang ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mga tauhan ng kaniyang ama, lalung-lalo na si Yvo. Pero kahit gano'n ay hindi niya man lang nakita sa mukha ni Yvo ang pagsuko kahit na halatang hirap na hirap na ito. Hanggang sa itinanghal sina Yvo at Renzo bilang pinakamatatag sa lahat. At dahil may kailangan pang hirangin sa dalawa para sa isang nakatakdang pwesto ay kinakailangan pa muling magtuos ng dalawa. Kung saan ay kinakailangan ng mga itong timbangin sa mga braso ang isang sako na naglalaman ng mga bakal habang nakatayo sa loob ng trenta minuto. Tibay at lakas ng katawan ang magiging labanan at kung paano naman ang kagustuhan ng dalawang makamit ang kaisa-isang pwesto ay sila rin namang pagtitiis nila sa hamon ng buwis buhay challenge na iyon. "Ten minutes left," wika ni Ken na nagsilbing instructor ng kompetisyon na iyon. Makikita ang hirap at pagod na nararanasan ng dalawa ngunit sadyang wala sa kanila ang nais sumuko. Napailing na lamang si Karadine sa nangyayari dahil hindi niya naman kagustuhan na mahirapan pa ang mga ito para lang makatambal siya sa isang ingkwentro. Kung siya lang din naman ang papipiliin ay mas okay sa kaniya na dalawang tauhan ang makakasama niya. Naniniwala kasi siya na kapag mas marami ay mas may tiyansang maging matagumpay ang misyon. Hanggang sa-- kusa nang sumuko ang katawan ni Yvo. Kaya naman nang sandaling iyon ay hinirang si Renzo na nagwagi sa laban at nakuha ang pwesto na para rito, kung saan ay makakatambal niya sa isang ingkwentro. Napahalukipkip siya habang patakbong nagpunta roon upang i-congratulate si Renzo. Habang tipid naman silang nagkatinginan ni Yvo na ngayo'y halatang dismayado sa sarili. Kahit naman siya ay inaasahang si Yvo ang mananalo sa kompetisyon. "Binabati kita, Renzo!" Narinig pa nilang pagbati ng kaniyang ama. Habang nakita niya rin namang nakipag-high five pa si Renzo sa mga kasama at maging kay Yvo. At para hindi makahalata ang lahat sa kaniyang nararamdamang awa para kay Yvo ay nagawa niya na ring batiin si Renzo. "Congrats, Renzo!" Isang malaking ngiti ang pinakawala nito kahit na nararamdaman nito ang pagod. At ngayon na ito ang hinirang na nagwagi at nakuha ang kaisa-isang pwesto ay umaasa itong madalas na silang magkakasama ni Karadine. Samantala'y pinili na munang mapag-isa ni Yvo habang nagkakasayahan ang mga kasama. Bagay na ikinabahala naman ni Karadine, dahil kanina pa hinahanap-hanap ng mga mata niya si Yvo. Pinili na munang humihithit ng yosi ni Yvo at habang nagpapahangin ay nakatunog siya na may ibang tao sa paligid. "May tao ba riyan?" wika niya. Sinuyod niya ng tingin ang paligid. Habang pigil hininga naman ang dalawang dalaga na nagngangalang sina Tamara at Margaret mula sa kanilang pinagtataguan. Ngunit may sayang nararamdaman si Tamara gayong nakita mismo ng dalawang mata nito ang lalaking iginuhit ni Karadine. "Ang gwapo niya!" kinikilig na wika pa ni Margaret. Saka naman ito agad na sinaway ni Tamara. "P'wede bang 'wag kang maingay? Mamaya ay makita niya tayo at isumbong pa tayo kay papa, e." Natahimik naman agad si Margaret. Gayong lingid sa kaalaman ni Karadine na nagkaroon ng interes si Tamara na makilala ng personal ang lalaking iginuhit niya kung kaya't nagawa sila nitong sundan ng ama sa pabrikang inaakala nito ay pinapasukan niya. Maya-maya pa'y sinundan nila ng tingin ang paglabas ng kanilang ama kasama ang iba pang mga lalaki. Kung saan ay nadatnan ng mga ito si Yvo na nag-iisa. "Yvo." "Boss." Kunot-noo lamang silang nakikinig nang magsalitang muli ang kanilang ama. "Binabati rin kita sa hindi mo pagsuko, makuha lang ang kaisa-isang pwesto." "Pero nabigo ako, boss," malungkot na tonong wika ni Yvo. Saka naman umamba nang pagtapik si Florencio na isa rin sa ka-close ni Yvo bukod kay Renzo. "May nakapagsabi kay boss na hindi ka naman dapat matatalo, kung hindi mo lang suot ang iyong relo na siyang mas nagpabigat sa iyong mga braso." Lalong napakunot ang noo nina Tamara at Margaret sa narinig. Wala kasi silang maunawaan sa pinag-uusapan ng mga ito. "Tama si Florencio, Yvo, kaya naman bilang amo ninyo ay pinapayagan kong makakasama ka rin sa ingkwentrong papasukin nina Renzo at Karadine." Animo'y nabuhayan ng pag-asa si Yvo sa narinig. "Talaga po, boss?" Tipid namang napatango si Renato. At bago pa man magpasalamat si Yvo ay may pinaalala pa ito. "Ngunit, paumanhin dahil wala kang makukuhang pera mula sa napalunan ni Renzo. Pero batid kong kailangan na kailangan mo ng pera para sa maintenance ng iyong ama. Kaya gusto kong bigyan ka ng isang kondisyon." Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Gayundin ang pag-aasam ni Yvo sa perang p'wedeng mapanalunan. "Kapag naging matagumpay ang misyon n'yong ito, asahan mong hindi mo na poproblemahin ang perang kinakailangan mo para sa maintenance ng iyong ama. Nagkakaintindihan ba tayo?" Dahan-dahang napatango si Yvo. Na kung tutuusin ay hindi naman talaga niya hinahangad ang pwestong iyon, kundi ang perang kailangan ng kaniyang ama para sa gamutan. Pero kahit gano'n ay isang malaking bahagi ng puso niya ang masaya dahil ngayon ay magkakaroon siya ng pagkakataon na makasamang muli si Karadine. Laking taka nina Tamara at Margaret sa mga malalaking baril na hawak ng mga lalaking kasama ng kanilang ama. At doo'y nabuo sa kanila ang konklusyon na isang ilegal na trabaho ang pinasok ng kanilang ama. "Hala! Totoo ba 'tong nakikita natin, ate?" tanong ni Margaret na ikinailing naman ni Tamara. "Imposible, pero bakit parang gusto ko na rin maniwala? At dito talaga sinikmurang magtrabaho ni Karadine?" Sinundan pa nila ng tingin ang pagpasok ng kanilang ama kasama ang mga lalaki, maging si Yvo na pinagpapantasyahan ngayon ni Tamara ay magalang din na sumunod. Kaya naman pinili nilang pasukin ang pabrikang iyon nang maingat. At doo'y tumambad sa kanila ang napakaraming baril na may iba-ibang hugis at disenyo. Kaba ang nangibabaw sa kanila habang nagtatago sa likod ng posteng kinatatayuan nila. Nakita rin nila ang isang pamilyar na mukha ng matandang lalaki na sa tingin nila ay nasa middle forty's na. Ito ay si Ken Zue Greco. At oo, pamilyar nga sa kanila si Ken. Dahil minsan na rin nila itong nakilala noong bata pa lamang sila, noong minsang isinama sila ng amang si Renato sa pagti-training nito ng martial arts. "So, ito pala ang dahilan kung bakit nag-training noon ng martial arts si papa," konklusyon ni Tamara sa sarili. "Isang sindikato ang ating ama," hindi makapaniwalang wika pa ni Margaret. Napahalukipkip sila sa katotohanang iyon. At bago pa man marinig nina Tamara at Margaret ang usapan ay hindi naman nakaligtas ang mga ito nang makita sila ni Karadine. "Anong ginagawa n'yo rito? Hindi dapat kayo nagpunta rito." Napahalukipkip si Tamara habang napagkrus ang dalawang braso. "So what? At bakit? Natatakot ka bang agawin ko sa'yo si Yvo?" Napangisi siya sa kawalan. "Anong sinasabi mo, Ate Tamara? Kung may gusto ka kay Yvo ay wala akong pakialam do'n. Hindi ko naman siya nobyo, e," aniya. Kahit sa loob-loob ay nasasaktan siya sa sinabing iyon. "O, iyon naman pala. Maayos ka naman pa lang kausap. Kung gano'n, ay tulungan mo akong mapalapit sa kaniya. Dahil kung hindi ay isusumbong ko sa'yong ina ang trabahong pinasok mo." Pinandilatan niya ito ng mga mata. Hindi p'wedeng malaman ng kaniyang ina ang kalakalan sa pabrikang ito, gayundin ang negosyong pinasok ng kaniyang ama. Dahil tiyak na magkakagulo ang kanilang pamilya. Napapikit siya sa katotohanang iyon, idagdag pa ang pilit niyang pagpigil sa nararamdaman para kay Yvo. "Makakaasa ka, Ate Tamara. Pero p'wede bang umalis na kayo? Baka mapahamak pa kayo rito," may pag-aalalang sabi niya. "Okay, aasahan ko 'yan," may pag-asang wika pa ni Tamara habang tinutulungan niya ang mga itong makaalis. Dahil sadyang delikado kapag naabutan pa ang mga ito ng mga tauhan ng kanilang ama. Samantala'y sa kaniyang pagbalik sa loob ay hindi niya sinasadyang marinig ang usapan nila Ken kasama ang kaniyang ama at iba pang tauhan. "Ayon sa mga sources ko ay hindi pa rin daw natatapos ang imbestigasyon at nais raw magsampa ng kaso ng pamilya ng dayong si Philip Baltazar," wika ni Ken. "Kung ganoon ay gumawa kayo ng paraan para manahimik ang pamilyang 'yon!" Laking gulat niya nang marinig iyon mismo sa ama. Kaya naman matapang siyang nakisali sa usapan. "Anong ibig mong sabihin papa? Na kaya mo na ring magpapatay gamit ang inyong mga dahas?" "Anak." Bahagyang dumistansya ang mga ito sa pagitan nilang mag-ama. Gayundin ang hindi inaasahang matapang niyang akusasyon sa ama. "Narinig ko ang sinabi mo, gusto mong manahimik ang pamilya Baltazar. Hindi mo ba naisip na sa pinaplano mo ay posible kang makulong? Hindi pa ba sapat na namatay si Philip Baltazar nang dahil sa kamay ng mga tauhan mo?" "Anak, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" "Oo! Papa, tinitingala kita, kahit na nalaman kong mula sa ilegal ang negosyong pinapatakbo mo. Pero 'yung maging isang kriminal ka ay hindi makakaya ng aking konsensya!" "Karadine, huminahon ka," pagsaway sa kaniya ni Ken. "Anak, lahat naman ay gagawin ko para lang mapabuti ang ating pamilya. Kahit naman ako ay ayokong pumatay pero kung iyon lang ang paraan para matahimik ang mga 'yon ay gagawin ko. Tandaan mo na malaking bagay ang mawawala sa atin kapag nalaman ng mga pulis ang kuta natin. At mas lalong apektado ang kabuhayan natin, gayundin ang yaman natin." "Wala akong pakialam, papa. Kung gusto mong tingalain pa rin kita, 'wag na 'wag kang papatay. At baka naman pinapamulat mo 'to sa akin dahil balang araw ay nais mo rin ako na maging kriminal? Kaya ba nais mo kong isabak sa isang ingkwentro, hah?" "Hindi, wala iyon sa plano ko. Anak, Karadine, malaki ang tiwala ko sa'yo. Kaya nga nagpatupad ako ng isang kompetisyon para mga magaling din ang makakasama mo." Sandali niyang inunawa ang huling sinabi ng ama. "Mga magaling? Ibig sabihin ay higit pa sa isa ang makakasama ko?" Doon na siya napalunok. Lalo na nang lingunin ng kaniyang ama ang mga tauhan at sinentro ng tingin si Yvo, saka rin naman din sila nagkasentruhan ng tingin. "Oo, at walang iba kundi si Yvo. Kayong tatlo nila Renzo ang isasabak ko sa isang ingkwentro, kung saan ay kinakailangan n'yong kunin ang mga armas at pera ng pamilya Benitez. Sila ang isa sa dahilan kung bakit dumarami ang krimen dito sa ating bayan, kaya dapat lang na mawalan sila ng kapangyarihan na maghari-harian." Naging pabor naman sa kaniya ang misyong iyon. Kung tutuusin ay mas gugustuhin niya ang ganoong ingkwentro kung saan ay masusubok ang kanilang tapang at diskarte. Kaysa 'yung sila pa ang maging ugat ng krimen sa bayan. "Pero isa sila sa mga malalaking kliyente natin, boss. Hindi ba't damay din tayo kapag nagkakumpiskahan ng mga armas gayong tayo ang nagsusuplay sa kanila?" wika ni Yvo na hindi maiwasang magpatango sa lahat. "Naisip ko na 'yan, Yvo. Kaya nga kinakailangan n'yong maging maingat. Hindi p'wedeng may makakita o makakilala sa inyo dahil tiyak na gulo ang mangyayari. Tiyak din na madadamay ang negosyo natin. Kaya hangga't maaari ay hindi magmumula sa atin ang mga armas na inyong gagamitin." "Kung ganoon ay kanino?" Nagkatinginan pa sina Ken at Renato bago pa sabihin ng kaniyang ama ang mga nakaplanong gawin. "May nakausap kami ni Ken na isa ring nagsusuplay ng mga baril mula sa ibang bansa. Magiging safe naman ang pangalan nila sa batas anuman ang maging problema dahil nagtatago sila sa ibang pangalan." "Ibig sabihin ay ibang pangalan lang din ang pinalalaganap nila sa kanilang mga consumer?" tanong ni Billy. "Oo, Billy. Kaya wala kayong dapat na ipag-alala. Malabong madawit ang negosyo kong ito kung sakali mang magkaroon ng problema." "Pero, papa, paano kung makilala naman kami mula sa mga power device katulad ng CCTV?" "Alam mo naisip ko na rin 'yan, Karadine, e. Kaya nga kinakailangan n'yo palaging magsuot ng itim na damit, magsumbrero at hangga't maaari ay naka-bonet," suhestyon ni Ken na nagpanatag din naman sa kanila. Napatango naman silang lahat. Gayundin ang pagbibigayan nila ng ngiti sa isa't isa. Subalit hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing titingin siya kay Yvo ay mabilis itong lumilihis ng tingin. Na para bang may hindi sila pagkakaunawaan dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD