“Eh, siyempre ikaw ang gusto ko, kaya hindi na ako magkakagusto sa iba!” diretsahang saad ko kaya natahimik siya. Nagkatitigan kami at walang sinumang nagsalita. Pakiramdam ko nga biglang nanahimik din ang paligid at tila ba kami na lang ang taong naririto. Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “Ang sarap namang pakinggan no’n,” namamaos ang boses na sambit niya. “Ang alin? Na gusto kita? Sinabi ko naman na iyan dati, ‘di ba?” ulit ko pa. Lalong lumuwang ang ngiti niya pero hindi na nakasagot dahil dumating na ang mga order namin. Gaya ng nakasanayan ay tumabi na naman siya sa akin. Nagpasalamat kami sa waiter pagkatapos mailapag ang lahat sa aming mesa. “Baby, subuan mo rin ako,” paglalambing niya. Napalingon agad ako sa kabilang lamesa. “Wala tayo sa bahay, ah! Magtigil

