Lyra’s POV “Are you tired? Matulog ka muna para makapagpahinga ka,” may pag-aalalang tanong ni Landon. Kararating namin sa bahay niya. Ilang oras lang ang naging biyahe namin pabalik dahil jet na ang sinakyan namin. Nag-umpisa na ring kumilos ang mga taong binayaran ko para gawin ang mga iniutos ko sa kanila. “Ikaw din. You need to rest because the next few days will be very hectic,” may halong panunuya ang pananalita ko pero hindi para sa kaniya kung hindi dahil sa mga nangyayari. “I am really sorry, Lyra. Bukas na bukas magpapa-interview ako para pasinungalingan ang mga kumakalat na balita,” hinging paumanhin niya. Pero agad din akong umiling. “Wala namang kasinungalingan sa mga balita. Kung isa rin akong onlooker, iisipin kong nang-agaw lang din ako dahil nga totoo namang may girlf

