CHAPTER 25 Antonio POV Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakuha na lead kung sino talaga ang nagpadukot kay Abegail. Hindi ako mapakali sa guilt na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nagkulang ako, na hindi ko siya nailigtas mula sa kapahamakan. Tuwing naiisip ko si Abegail, parang sinasaksak ang puso ko. "Antonio, pare, relax ka lang," sabi ni Jake habang umiinom kami ng kape sa opisina. "I'm sure malalaman din natin kung sino ang may kagagawan nito." "I know, Jake, but it's not that easy," sagot ko habang umiiling. "We have to find out who did this. Hindi pwedeng hayaan na lang natin na ganito." "Malamang may kinalaman ito sa negosyo natin," sabi ni Jake. "Ang dami mong kaaway sa industriya, Antonio. Marami diyan ang gustong pabagsakin ka." "I know, Jake, pero iba ito. Parang perso

