CHAPTER 26 Rafael POV Matapos ang lahat ng nangyari, sa wakas ay matutuloy na rin ang biyahe namin ni Abegail papuntang Italy. Na-postpone ito noong ma-kidnap siya, at ngayon, parang mas lalo akong determined na siguraduhin na magiging maayos ang lahat. Habang papunta kami sa airport, naramdaman ko ang tension sa hangin. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan namin tungkol sa mga nangyari, pero alam kong kailangan naming mag-usap. Pagdating namin sa private plane ko, agad kaming sinalubong ng mga staff. "Good morning, Mr. Del Rosario," bati ng isa sa kanila. "Everything is ready for your flight." "Thank you," sagot ko. Hinawakan ko ang kamay ni Abegail at tinanong siya, "Are you ready for this?" She gave me a faint smile. "I guess so. It’s a bit overwhelming, but I trust you.

