CHAPTER 41 Habang papalapit na ang eroplano sa Pilipinas, narinig namin ang malambing na boses ng flight attendant na nagsimulang magbigay ng mga paalala. "Good afternoon, ladies and gentlemen. We are now approaching Ninoy Aquino International Airport. We request that you return to your seats, fasten your seatbelts, and stow away your tray tables. Please ensure that your seat backs are in an upright position. We will be landing shortly." Naramdaman ko ang excitement sa paligid, lalo na sa mga bata. Si Rafaela at Antonette ay hindi mapigilan ang pagngiti habang tinitingnan ang mga ilaw ng lungsod na lumalapit sa bintana. "Mommy, ang dami ng ilaw! Parang Christmas!" masiglang sabi ni Antonette. "Yes, anak. It's beautiful, isn't it? Malapit na tayo," sagot ko, pinipilit na itago ang halo

