CHAPTER 40 Abegail POV Habang nakaupo kami sa harap ng dining table sa aming apartment sa Germany, kasama si Nanay at si Mico, naramdaman ko ang pag-aalala at excitement sa bawat pag-uusap namin. Ang mga plano namin patungong Pilipinas ay nagiging mas konkretong araw-araw, at bawat detalye ng aming pag-uwi ay pinag-iisipan namin ng mabuti. "Abegail," sabi ni Nanay, habang tinitingnan ang mga dokumento sa harap niya, "alam mo, gusto ko nang umuwi sa Batangas. Nakakamiss na ang mga araw sa Pilipinas, lalo na't ang bahay natin doon ay nangangailangan ng maraming pagpapaganda." Napatingin ako kay Nanay at hinawakan ang kanyang kamay. "Nanay, naiintindihan ko po. Matagal na tayong hindi umuwi, at sigurado akong sabik na rin si Mico sa mga kaibigan niya doon. Pero, kailangan nating planuhin

