CHAPTER 39 Pagkalipas ng anim na taon ng pakikipaglaban sa sakit na HIV/AIDS, napabuntong-hininga na lamang sina Rafael at Antonio nang marinig mula sa kanilang doktor ang balitang kanilang hinihintay nang matagal. "Congratulations, gentlemen. Based on the latest tests, you’re both officially HIV-negative," sabi ng doktor habang binabasa ang kanilang mga medical records. Nagtama ang tingin nina Rafael at Antonio, parehong may halong gulat at saya sa kanilang mga mata. Matagal nilang pinangarap na marinig ang mga salitang iyon, ngunit ngayon, parang hindi pa rin sila makapaniwala. "Doc, are you sure?" tanong ni Antonio, halos hindi makapaniwala. "After all this time... we're really cured?" "Yes, Antonio," tugon ng doktor, tumango ito ng marahan bilang kumpirmasyon. "The treatments hav

