CHAPTER 38 Third Person POV Sa kabilang dako ng mundo, habang si Rafael ay nababalot ng kalungkutan at pangungulila, si Abegail naman ay unti-unting natututong maging masaya sa piling ng kanyang pamilya at mga anak sa Germany. Sa bawat araw na lumilipas, natutunan niyang yakapin ang bagong buhay na mayroon siya kasama ang kanyang kambal na sina Rafaela at Antonette. "Mommy, look! I made a drawing!" sabi ni Rafaela habang ipinapakita ang kanyang ginuhit kay Abegail. Isa itong larawan ng kanilang maliit na tahanan, kung saan magkasama silang lahat, puno ng ngiti at saya. Abegail smiled warmly at her daughter. "Ang ganda naman ng drawing mo, Rafaela. You're very talented, sweetheart." Si Antonette naman, na hawak ang isang stuffed toy, ay lumapit kay Abegail at yumakap dito. "Mommy, I lo

