CHAPTER 45 Abegail POV Habang nasa sasakyan kami patungo sa Mall of Asia, ramdam na ramdam ko ang excitement ng kambal kong mga anak na sina Rafaela at Antonette. Mula pa lang sa pagpasok namin sa kotse, hindi na mapigilan ang kanilang energy. Ang mga mata nila ay kumikislap sa tuwa, at ang mga ngiti sa kanilang mga mukha ay hindi mawala. "Mommy! Mommy! Sabi ni teacher, super laki daw ng Mall of Asia!" sigaw ni Rafaela habang kinikilig. "Sana makita natin lahat ng rides! Gusto ko mag-ice skating!" dagdag pa niya. "Yeah! Tapos, Mommy, gusto ko rin mag-shopping ng mga toys!" sabay abot ni Antonette ng isang brochure ng mall na nakuha nila sa school. "Meron bang malaking toy store doon, Mommy?" tanong niya habang patuloy na tumitili sa excitement. Napatitig ako sa rearview mirror, nakik

