CHAPTER 46 Rafael POV Habang naglalakad kami ni Antonio papunta sa bookstore, hindi ko mapigilan ang pag-usapan namin si Abegail. Ilang taon na rin ang lumipas, pero parang hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang bawat alaala namin. Hindi ko alam kung ganito rin ang nararamdaman ni Antonio, pero pareho kaming tahimik habang naglalakad. Tila parehong nilulunod ng mga alaala. "Siguro nga, pare," sabi ko, pinipilit na ngumiti habang iniwasan ang tingin ni Antonio, "kailangan na natin siyang kalimutan. Wala na rin namang balita tungkol sa kanya, eh. Baka oras na para mag-move on." Tumigil si Antonio, pansamantalang tumingin sa mga libro sa display. "Alam mo, Rafael, minsan naiisip ko na hindi naman ganun kadali. Ang tagal na rin, pero parang siya pa rin. Wala akong makita na katulad ni A

