CHAPTER 18 Rafael POV Matapos umalis ni Abegail, naiwan akong nag-iisip sa sala. Naging masaya ang araw na ito, pero alam kong kailangan kong harapin ang mga tanong ng pamilya ko. Hindi ko sila maaaring biguin, lalo na’t kilala kong nag-aalala sila para sa akin. "Rafael, can we talk?" si Mom ang unang nagsalita, halata sa kanyang boses ang pagiging concern. "Of course, Mom," sagot ko, tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kanila. "Come, let's sit down," yaya ni Dad, at nagtungo kami sa dining room kung saan naghihintay si Rachel. Umupo kami sa paligid ng mesa. Naramdaman ko agad ang bigat ng kanilang mga tingin. Alam kong may mga bagay silang gustong malaman tungkol kay Abegail at sa aming dalawa. "So, Rafael," panimula ni Dad, "tell us more about Abegail. How serious are you with

