CHAPTER 17 Corazon Monti POV Nasa kusina ako ng aming bahay, naghahanda ng hapunan, nang maisipan kong tawagan ang anak kong si Abegail. Matagal-tagal na rin kasi simula noong huli kaming nag-usap nang masinsinan. Alam kong abala siya sa kanyang trabaho bilang waitress, pero bilang ina, nais kong malaman ang kanyang kalagayan. Dinampot ko ang aking cellphone at dial ang numero ni Abegail. Ilang saglit lang, narinig ko na ang kanyang boses sa kabilang linya. "Hello, Nay?" bungad ni Abegail. "Anak, kumusta ka na? Matagal na tayong hindi nakakapag-usap," sabi ko, pilit na itinatago ang aking pag-aalala. "Mabuti naman po, Nay. Pasensya na at hindi ako nakakadalaw agad. Marami lang po talagang ginagawa sa trabaho," sagot ni Abegail, halatang pagod ngunit sinisikap magpakasigla. "Alam kon

