You're Not My Brother
Episode 3
Red
Nakasakay na ako sa kotse at tahimik na nag-iisip nang matanaw ko ang isang pamilyar na bulto sa sidewalk.
Napa-angat ako ng katawan mula sa pagkakasandal ko saka ko pinagmasdan ng mabuti ang lalaking naglalakad.
Mabuti na lamang at dito ako umupo sa likuran ng sasakyan. Malaya kong napagmamasdan si Gael.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko nang masiguro ko na si Gael nga ang nakikita ko.
Sinulyapan ko ang paligid. Huminto ang sasakyan dahil kulay pula na ang ilaw sa traffic light.
Malapit na dito yung unit ko. Noong nakaraan ay nagdesisyon na ako na pansamantala munang abandonahin ang lugar na iyon dahil wala akong balak na mamalagi doon para makasama ang anak ni Aileen.
Nakikituloy ako ngayon sa unit ni Dale. Minsan naman ay sa ibang mga kaibigan ko na hindi hawak ni Dad.
Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko ang biglaang pagsulpot ng isang lalaki mula sa likuran niya. Siya rin ang nakita ko na kasama niya kanina.
Inakbayan niya si Gael at nakangiti silang nagtinginan. Tila ba close na close na talaga silang dalawa.
Nagsalubong ang mga kilay ko at sandali akong napasulyap sa kawalan bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanila.
Hindi namin kaklase ang isang iyon dahil halos natatandaan ko na ang mukha ng mga kaklase namin.
Lumipat na sa green light ang traffic light kaya nagdrive na ulit ang driver ni Daddy.
Nilingon ko pa sina Gael habang papalayo na kami sa lugar na iyon.
Hindi kami nag-usap man lang ng driver hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala rin akong balak na kausapin siya dahil alam ko na loyal siya sa amo niya.
Halos dalawang oras din ang itinagal namin sa loob ng sasakyan dahil sa matinding traffic.
Nakarating kami sa Cavite ng five fifteen ng hapon. Mabilis na akong bumaba ng sasakyan at dumiretso ako sa loob.
May nakasalubong akong katulong at kaagad kong itinanong kung nasaan ang amo niya.
Magalang naman niya ako na sinagot at sinabi na nasa library si Dad. Mabuti na lamang at may takot pa rin sa akin ang mga tauhan ng magaling kong ama. Madali kong nakukuha ang gusto ko.
Dumiretso kaagad ako sa library at naabutan ko doon si Dad na busy sa mga paperworks niya.
Sabay pa silang nag-angat ng tingin sa akin ni Aileen na noon ay nakatunghay sa bago niyang asawa.
Nang magtama ang mga tingin namin ay matamis na ngiti ang isinukli niya sa akin.
Inis ako na nag-iwas ng tingin sa kanya at inilipat ko ang tingin ko kay Daddy.
"Mabuti at dumating ka na. Maghahanda ako ng hapunan para makasabay ka na rin sa amin ng Daddy mo." malambing na sabi sa akin ni Aileen.
"Hindi na kailangan." mabilis at seryosong sagot ko naman sa kanya. Kay Daddy pa rin nakapako ang tingin ko dahil ayokong nakikita ang mukha ng babaeng ipinalit niya kay Mom.
"Hindi rin naman ako magtatagal. Pagkatapos masabi ni Daddy ang sasabihin niya ay aalis na rin ako." patuloy ko.
"Huwag kang bastos Redentor." maawtoridad na sita ni Daddy sa akin. "Kanina pa hindi mapakali si Aileen dahil gusto niya na makasabay tayong dalawa sa hapunan."
Natawa naman ako ng pauyam. Sinulyapan ko si Aileen na tahimik na nakamasid at nakikinig sa amin.
"Maghahanda na ako para sa hapunan. Mag-usap muna kayong mag-ama diyan." sabi ng stepmother ko bago siya lumabas ng silid.
Nang mapadaan na siya sa tabi ko ay bahagya siyang huminto at nilingon ako.
"Mas mabuti siguro kung huwag mo munang sabayan ang Daddy mo. Kanina pa mainit ang ulo niya dahil sa mga kliyente niya." bulong niya sa akin.
Sinulyapan ko naman siya pero naniningkit ang mga mata ko. Napakurap siya saka siya yumuko. Naglakad na siya palabas ng pinto.
Nagbuga ako ng hangin saka ko muling nilingon si Dad. "Aakyat muna ako sa silid ko. Ipatawag niyo na lang ako kapag kakain na." sabi ko saka na ako mabilis na lumabas.
Paakyat na ako sa hagdan nang magring ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ko kung sino ang tumatawag. Si Serene. Campus Queen sa school last year.
Mula nang manalo siya sa pageant ay sinimulan ko nang makipag-flirt sa kanya. Ayoko ng commitment kaya hindi ko siya tinangka na ligawan.
Sa halos ilang buwan na paglabas-labas namin ay napatunayan ko na hindi naman pala siya hard to get. Sa gandang lalaki ko ba naman na to siguradong kahit sinong babae ay mababaliw.
Napatunayan ko na iyon dahil sa dami ng mga naghahabol at gustong magpa-cute sa akin. Pero wala ni isa man sa kanila ang makakapagpatiklop sa akin.
Lahat sila ay mga laruan ko lang na kapag napagdiskitahan ko ay saka ko lang lalaruin. Kapag nagsawa na ako ay itatapon ko na.
Lihim akong nangiti sa mga kayabangan ko. Pero si Serene ang pinaka-lamang sa kanilang lahat.
Hindi ko pa siya girlfriend pero ilang beses na siyang nagpaangkin sa akin. Naiintindihan naman niya ang set-up namin na hanggang fubu lang muna kami.
Masyadong nagiging sakit sa ulo ko si Daddy sa mga nagdaang buwan lalo na ang biglaang pagpapakasal niya sa Aileen na iyon.
Hindi ko gustong dagdagan ang mga problema ko sa pagkakaroon ng makulit na girlfriend.
Isa pa ay hindi isang cheap na puta si Serene kagaya ng ibang mga babae na naghahabol sa akin. Kahit na nagpapagalaw siya ay hindi siya kagaya ng iba na kung kani-kanino na lang din pumapatol.
Alam ko na malinis si Serene dahil ako ang nakauna sa kanya. Bukod pa sa may class siya at hindi bossy.
Busy rin siya sa modeling career niya kaya wala siyang masyadong oras para kulit-kulitin at habul-habulin ako.
Sinagot ko ang tawag saka na ako nagpatuloy sa paghakbang. Nahinto pa ako nang mahagip ng tingin ko ang portrait nina Aileen at Daddy na nakasabit sa pader.
Kung saan dating nakasabit ang portrait ni Mommy.
"Hello! Are you free tonight?" malambing na tanong ng babae sa kabilang linya.
"Hindi ko alam kung makakabalik kaagad ako ngayong gabi. Nasa Cavite pa kasi ako ngayon."
"Okay! Just let me know kung makakabalik ka kaagad. I'm bored. Next week pa ang photoshoot ko." paglalambing niya.
Kung sa ibang pagkakataon lang ay mangingiti ako dahil sigurado na makaka-score na naman ako.
Pero naagaw ng portrait na nakikita ko ang atensyon ko. At hindi ko nagugustuhan iyon.
"Okay! I'll call you!" sagot ko saka ko na pinindot ang end button.
Mula sa tatlong hakbang na naakyat ko sa hagdan ay muli akong bumaba para lapitan ang bagong portrait na nakasabit sa pader.
May namataan ako na isang maid. Mabilis ko siyang tinawag na lumapit naman kaagad.
"Sino ang nagpalit sa portrait ni Mommy dito?" mabalasik na tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang takot sa mga mata ng kawawang kasambahay kaya sinikap ko na pigilan ang temper ko.
"Si-si Ma'am Aileen po." nauutal na sagot niya. Halatang kinakabahan.
Muli kong sinulyapan nang may disgust ang portrait saka ko binalingan ang maid.
"Napakapangit! Hanapin mo ang portrait ng Mommy ko at ibalik mo sa dating puwesto niya. Gusto ko pagbaba ko mamaya ay napalitan mo na yan." utos ko sa kanya.
"S-sir, kasi po..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Tila ba tinatantiya niya ang magiging reaksyon ko.
"Sundin mo na ang utos ng Sir Tor mo, Mylene. Maaari mo namang ilipat sa silid namin ang portrait na iyan." narinig kong utos ni Aileen sa kanya.
Sabay pa kaming napalingon mula sa nagsalita. Ngumiti naman sa akin si Aileen na para bang ayos lang sa kanya ang mga inaasal ko.
"Kung may hindi ka nagugustuhan sa mga pagbabago na nakikita mo sa bahay na ito ay huwag kang mahihiya na magsabi sa akin. Mas mahalaga sa akin ang damdamin mo kaysa sa pansariling interes ko." malumanay na sabi niya.
Hindi ko siya sinagot. Nagsimula na akong humakbang at umakyat sa silid ko. Nagkulong na lang ako doon hanggang sa ipatawag ako nina Daddy para sa hapunan.
Habang naghahapunan ay tahimik lang kami. Hindi ko inasahan na masarap magluto ang bagong asawa ni Dad. Pero hindi ko iyon ipapahalata.
Natapos na si Dad nang balingan niya ako. Ilang sandali siyang nakatitig sa akin, sila ni Aileen bago siya tumikhim at nagsalita.
"Nabanggit ko na rin naman sayo noong nakaraan na doon muna titira ang anak ni Aileen sa unit mo."
Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain saka ko siya sinulyapan. "Napakarami mong pera. Bakit hindi mo siya ibili ng sarili niyang unit?" sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Hindi ako mag-aaksaya ng pera para bumili ng isa pang unit kung maari naman kayong magsama na lang doon sa unit mo." sagot niya sa akin. Nakikita ko na sinisikap niyang pigilan ang sarili niya upang huwag siyang magalit sa akin.
"Ayoko siyang kasama." balewalang sagot ko saka ko itinuloy ang pagkain ko. "Baka mabugbog ko lang siya sa sandaling maabutan ko siya doon."
"Talagang tarantado kang bata ka..." galit sa reaksyon ni Daddy sa sinabi ko. Marahas siyang tumayo upang sugurin ako pero pinigilan siya ni Aileen.
"Darius!" si Aileen na mababakas ang pag-aalala sa maganda niyang mukha. Hindi na ako magtataka kung paano niya naakit ang ama ko.
"Sumusobra na ang batang ito. Hindi natuturuan nang leksyon kaya humahaba ang mga sungay." galit na sambit ni Daddy.
"Hayaan mo na ang anak mo. Natural lang naman ang mga inaasal niya. Hindi pa niya matanggap sa ngayon na nagpakasal ka na pero umaasa ako na sa tamang panahon ay matatanggap niya ako"
Galit na bumaling ako kay Aileen. "Never na mangyayari ang gusto mo!" malutong na sambit ko. "Kahit kailan ay hindi kita matatanggap. Kayo ng hampaslupa mong anak."
"Talaga namang wala kang modo." galit na sigaw ni Daddy saka niya ako sinuntok nang malakas.
Hindi ako nakailag. Tinamaan ako sa panga at bumagsak ako sa sahig kasama ng upuan na inuupuan ko.
Susugurin pa sana niya ako pero niyakap na siya ng mahigpit ni Aileen.
"Darius!" nahihintakutan na tawag niya sa Daddy ko.
Pinunasan ko ang dugo sa putok kong labi saka ako marahas na tumayo. Nakamamatay na tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa bago ako padabog na naglakad palayo pero narinig ko pa ang isinigaw ni Daddy. Napahinto ako sa may gilid ng hagdan.
"Sa sandaling mabalitaan ko na may ginawa kang katarantaduhan kay Gabriel ay hindi lang iyan ang aabutin mo. Baka malumpo na kitang tarantado ka." galit na banta niya sa akin.
Mabigat ang dibdib na tumuloy na ako patungo sa main door. Binalibag ko iyon pasara nang makalabas na ako.
Nakita ako ng driver niya at nag-offer ito na ihahatid niya ako pabalik pero marahas ko siyang tinulak saka ako tuloy-tuloy na lumabas.
Baon ang sama ng loob at matinding hinanakit at galit ay nag-commute ako pabalik ng Metro Manila.
Habang sakay ako ng bus ay nakatanggap ako ng text message mula kay Serene.
Nagpasya ako na makipagkita sa kanya sa bar na madalas naming puntahan. Kasama niya ang mga kaibigan niya nang dumating ako doon.
Matapos ang ilang bucket ng beer na inorder namin ay inakay ko na siya patungo sa kotse niya.
Nasa parking ng condo ang sasakyan ko at mula nang maaksidente ako few months ago ay hindi na muna ako nagtangka pa na magdrive.
Si Serene ang hinayaan ko na magmaneho hanggang sa makarating kami sa unit.
Pagpasok pa lang sa pinto ay matitinding halik na ang iginawad niya sa akin sa tinugon ko naman sa katumbas na intensitidad.
Mabilis ko siyang inakay patungo sa silid ko habang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.
Nagsimulang gumalaw ang mga kamay niya at inaangat niya ang laylayan ng T-shirt na suot ko. Naglalakbay na rin ang mga kamay ko sa malambot na katawan niya.
Kasalukuyan ko nang dinudukot ang susi mula sa bulsa ko nang bigla na lamang kumalas si Serene na nagpakunot ng noo ko.
Mabilis siyang bumaling sa may pintuan ng banyo. Doon na rin napunta ang tingin ko. Naririnig namin ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
"M-may tao sa loob." bulong niya.
"Hayaan mo siya." sagot ko naman saka ko muling inangkin ang mga labi niya. Mabilis kong naipasok ang susi mula sa keyhole saka na kami pumasok doon nang magkahinang pa rin ang aming mga labi.
Pinindot ko ang lock ng pinto saka ko iyon tinulak pasara. Mabilis kong naihiga sa kama si Serene habang hinuhubad niya ang damit ko.
Nang maialis na namin mula sa katawan ko ang T-shirt ko ay pumatong na ako sa kanya upang ipagpatuloy ang maiinit na eksena.
Nararamdaman ko na ang paninikip ng pantalon ko na sinadya ko talaga na idiin sa katawan niya.
"Oh Gosh you're already hard!" halinghing niya habang ibinababa ko ang strap ng damit niya at pinapaulanan ko ng halik ang leeg niya pababa sa dibdib.
Nang maibaba ko na iyon ay dinakma ng palad ko ang malusog na dibdib niya kasabay ng pag-angkin ng mga labi ko sa kabila.
Napaungol si Serene kasabay ng pag-unat ng katawan niya mula sa kama. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang sarap na sarap siya sa bawat pagdampi ng dila at bibig ko sa makinis na katawan niya.
Naramdaman ko na lang na napasinghap siya nang malakas saka niya ako itinulak palayo sa kanya.
Mabilis niyang inayos ang damit niya saka siya nag-iwas ng tingin mula sa pinto.
Bumaling ako doon ngunit ang pagsara nito ang naabutan ko. Napapikit ako sa frustration at nawala ang init na nararamdaman ko.
Hindi ko yata naipinid kanina ang pinto. Basta ko na lamang iyon inilock at itinulak.
"I think we can do it somewhere. Not here." sambit ni Serene.
"Let's do it next time sweetie. Pagod ako. Baka hindi kita masatisfy ngayong gabi." sabi ko.
Nakakaunawang tumango si Serene saka na niya inayos ang sarili niya upang maghanda sa pag-uwi.
Dinampot ko na rin ang T-Shirt ko saka ko iyon isinuot. Paglabas namin ay hindi ko nakita maging ang anino ng anak ni Aileen.
Napailing na lang ako saka ko na hinatid si Serene sa parking area.
Pag-alis ng sasakyan niya ay lumabas na ako ng building. Doon na rin ako didiretso sa unit ni Dale.