WHY THE hell I ended up in his bed? Paulit-ulit na tanong ni Glaysa sa sarili habang nagsa-shower. She was so shocked when she realized that she was in his room, and sleeping in his bed! Mabuti na lang at wala doon si Adam. Dali-dali siyang lumabas at parang magnanakaw na dahan-dahan at patingkayad na lumipat sa kabilang silid. Wala na sa silid si Aiden pero sigurado naman siyang kasama na ito ng ama. “Hindi naman siguro ako nagkusang pumunta sa silid niya at sumampa sa kama niya, ano.” Ngumiwi siya. Wala talaga siyang matandaan sa nangyari kagabi. Okay, ipagpalagay nang siya ang nagkusang pumasok sa silid nito… may ginawa kaya siya? Like hugging him, kissing him, and touching him? Nagdaldal kaya siya? May mga sinabi kaya siya? Ikinuyom niya ang kamao at ipinukpok sa kanyang u

