ZEM’S POV Nang magising ako kinabukasan ay agad akong nagbihis at nag-asikaso. Paglabas ko ay saka ako pumunta sa kusina at nakita kong naro’n si Al at nagluluto ng breakfast. Hinanda ko naman ang kape at baka magreklamo na naman ang kapatid ko’t ilang araw nang hindi nakakainom ng kape. “Hobby mo na ba ‘yan?” tanong ko. “Gusto kong makitang maganda ang umaga ni Mysty. Kapag kasi na-badtrip umaga nya. Pati ako nadadamay na,” sabi naman nya at sa kami natawang pareho. Totoo naman kasi. Kapag na-badtrip na ang umaga ni Mysty pati kami ay damay na. Wala na naman syang kikibuin at para na naman syang bato na hindi mo makakausap. Dati pa man ay iyon na ang ugali nya at nasanay na lang din siguro si Al sa kanya. Bagay na syang ikinatuwa ko. Naghanda na rin ako ng breakfast for Ji. Nang m

