Napatigil si Akagi sa paghakbang nang marinig ang sinasabi ng babae sa likod ng earpiece. Iyon na marahil ang inihabilin niya kay Marga. "Hindi ka ba naaawa sa isang babae? She's so young yet nasa ganitong kuwarto siya, nakagapos pa. Pakawalan mo na siya, Thomas! Pakawalan mo na sila, tigilan mo na 'to." Kahit medyo may kahinaan ang boses ng isang lalaking sigurado niyang kay Allen—sanhi marahil ng distansiya mula sa mouthpiece na nakakabit kay Marga—sapat lamang iyon para malaman niya kung ano ang kasagutan nito sa pagmamakaawa ng babae. "Sino ka sa palagay mo para magbigay ng opinion sa mga ginagawa ko at pagsabihan ako kung ano ang dapat gawin? You are only one of my tool Marga." "This sonofabith," Akagi muttered. Muling kumilos para hanapin ang likurang bahagi ng gusali. Nakabantay

