Napuno ng puting usok ang buong paligid. Ang masaganang hangin na kanina ay malayang lumabas-pasok sa kanyang dibdib, ngayon ay napalitan na ng nakakasulasok na amoy. She fought not to let the poisonous gas enters her chest but she still ended up engulfing a huge amount of it. Ang mga kamay niyang nakagapos pa rin sa likuran ay buong lakas niyang pinapakawala sa mahigpit na pagkakatali ngunit bigo siya. Pakiramdam niya imbes na makalaya, mababali pa yata ang mga kamay niya. Butil-butil ang pawis na namumuo sa kanyang noo, marahil sanhi ng iniindang sakit at kahirapan ng sitwasyon. Kahit man lang sana binigyan siya ng tsansang makaupo nang maayos. Dahil sa nakataling mga kamay at paa, imposible na’ng mangyari iyon. Ang tela na mahigpit na nakatali sa kanyang bibig ay mas lalong nagpadagda

