Part 8

1578 Words
Huminto ang kotse sa isang building sa Rizal. Taliwas sa inaakala niyang abandoned building o bodega na pagdadalhan sa ginang ay dinala ito sa isang maliit na hostel. Pinarada niya ang motorsiklo ilang metro mula doon. "Hello maam! Good evening po!" bati sa kanya ng isang dalaga na nakaupo sa maliit na reception. Nakasuot ito ng pink na polo shirt na may logo sa kaliwang dibdib kapareho ng nakita niya sa sinage ng hostel. "Hi! Uhm, pasensiya na miss, ha. Puwede bang makigamit ng banyo?" sabi ni Hana. "Ay, oo po. Straight lang po diyan maam," turo nito sa hallway. "Sa dulo po n'yan liko ka sa kaliwa." "Sige salamat." Habang tinatahak ni Hana ang daan ay pasimple niyang sinilip kung may naka-install na cctv ang hostel, wala siyang nakita. Ang interior ng hostel ay halatang hindi pinaglaanan ng sapat na budget. Puti ang sementong dingding nito, itim naman ang pintura ng buong ceiling. Warm white ang kulay ng mga bombilyang ginamit na parang mababa lang ang wattage kasi medyo madilim ang paligid. May nakita pa siyang busted sa isa sa mga iyon. Baka ito rin ang dahilan kung bakit doon napiling dalhin ng grupo si Madam Elena. Tahimik ang labas ng hostel at ilan lang ang nakita niyang sasakyan na dumadaan doon. Maingat niyang pinakiramdaman isa-isa ang mga kwartong nadaanan. Akma niyang lalapitan ang pangatlong kwarto nang marinig niyang tila may kumalabog mula sa kwartong nasa dulo. Dahan-dahan niyang pinuntahan iyon at idinikit ang tainga sa dingding para maarinig kung ano anag nangyayari sa loob. "Wala kayong makukuha kahit na sentimo galing sa akin! Pakawalan n'yo 'ko!" "Hihintayin pa ba nating may magbuwis ng buhay para mabigay ang hinihingi namin, Madam?" tanong ng isang lalaki. Dagling umalis si Hana sa kinatatayuan at hinanap ang breaker ng gusali, kailangang maging maagap ang kilos niya. Natagpuan niya iyon sa isang maliit na bodega malapit sa banyo. Ibinaba niya ang main switch kaya biglang dumilim ang buong paligid saka isinuot ang dalang bonet at night vision goggles. Nagkagulo ang mga tao sa hostel pati ang mga nasa loob ng kuwartong sadya niya. Nakita niyang lumabas ang isang lalaki sa silid. Sa ilang hakbang ay nilapitan niya ito at pinukpok ng baril sa batok. Sinalo niya ang katawan ng lalaki bago pa ito bumagsak sa sahig at makalikha ng ingay. Malaya siyang nakakagalaw kahit madilim ang paligid sa tulong ng salamin. "Tang-ina, bakit ang tagal bumalik ng ilaw?" narinig niyang sabi ng isa sa mga tauhan ni Kaito. Nakasindi ang mga telepono nito kaya lumiwanag ang silid. Hindi niya alam ang saktong bilang ng mga tao doon kaya kailangan niyang isa-isang palabasin ang mga iyon. "Greg, tingnan mo sa labas kung walang ilaw ang ibang building," boses ni Akagi ang narinig niya, tumalima ang nagngangalang Greg. Nang lumabas ang lalaki ay inambanan niya ito ng malakas na pukpok sa ulo. Lumikha ng ingay ang ungol nito kaya narinig niyang nagpanick ang mga naiwan sa loob. "Ano iyon?!" tuluyang nagsilabasan ang mga ito. Hindi niya kayang higitan ang kakayahan ng tatlong lalaki kaya wala na siyang ibang naisip na paraan. Gamit Ang 45 caliber na kinabitan ng silencer, pinaputukan niya ang mga ito sa dibdib. Nakailag naman ang isa kaya daplis lamang sa braso ang natamo nito. Umakto itong bubunot ng baril sa tagiliran pero mabilis na tinawid ni Hana ang pagitan nila at nagpakawala ng malakas na sipa. Sapul ang panga ng lalaki kaya walang malay itong bumagsak. Nagtago si Hana sa gilid ng pintuan, wala siyang ibang naririnig kundi boses ni Madam Elena. "Pakawalan ninyo ako!" nanginginig na tili nito. Marahil ay narinig ang gulo sa labas kaya nakaramdam ng takot. Hawak parin ang baril sa kamay, pumasok siya sa kwarto at itinutok ang baril. Mabilis niyang tinalon ang likod ng sofa nang pumutok ang baril. Nakilala niyang si Akagi ang may hawak ng baril pero dahil sa dilim ay nahirapan itong makita ang paligid. Ilaw lang galing sa cellphone nito ang nagsilbing liwanang sa kwarto. Nakiramdam si Hana ng susunod na hakbang ng lalaki. Nagpaputok uli ito pero hindi siya gumanti. NAHIHIRAPAN si Akagi na kumilos sa madilim na paligid. Hindi niya napaghandaan ang engkwentrong iyon. Kampante siyang nasecure na ng mga itinalaga niyang tauhan ang mga bodyguards ng target pero mukhang may isang nakatakas. Sa tantiya niya ay siya na lang ang naiwan. Kung nakapasok ito sa kwarto, ibig sabihin ay nagtagumpay itong puruhan ang mga tao niya. Nagpaputok uli siya kahit hindi malinaw sa paningin niya kung saan nagtago ang kalaban. 's**t!' pinagpapawisan na siya sa noo. Inabot niya ang telepono na nakalatag sa sahig. Gamit ang isang kamay ay nagdial siya, isang ring lang ay may sumagot. "Hello boss." "Puntahan niyo ako dito, ngayon din! Nasundan kami ng kalaban." "Okay boss."at pinatay niya ang tawag. Natigilan siya nang may maramdaman matigas na bagay na nakatutok sa ulo niya, pigil ang hiningang tiningala niya iyon.  "Kailangan ko pa bang sabihin saiyo na itaas mo ang mga kamay mo, Yuu Akagi?" boses ng babae ang narinig niya. Dahan-dahang itinaas ni Akagi ang dalawang kamay sa ere. "Ihagis mo ang baril mo." Sinunod niya ang utos nito. Sinundan nito ng malakas na suntok ang mukha niya kaya napatukod siya sa sahig. Hinila nito ang kanyang kuwelyo at inilipat ang dulo ng baril sa leeg niya. "Nasaan si Kaito Ishida?" Namulagat ang mga mata ni Akagi sa narinig. "Nasaan siya!" ulit nito nang hindi siya sumagot. Mukhang hindi ito isa sa mga bodyguards ni Madam Elena. Tumawa siya ng pagak. "Matapang ka. Para kalabanin ang isang Kaito Ishida." "Bakit? Sa tingin mo hindi ko kaya? Ikaw nga, hawak ko na agad sa leeg ngayon. Kung gugustusin kong butasin ang bungo mo ay magagawa ko sa isang kisap mata lang. Pero hindi ko gagawin iyon dahil may silbi kapa." ramdam ni Akagi ang determinasyon sa boses ng babae. "Ikaw ang maghahatid ng mensahe ko sa kanya. Sabihin mo sa amo mo, na nagbabalik ang anak ng taong pinatay niya para singilin siya. Kaya maghanda siya dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikitang tinatabunan ng lupa ang katawan niya!" Hindi na nagawang tumugon ni Akagi dahil isang malakas na pukpok sa batok ang huli niyang naramdaman. *** NATAGPUAN ng mga kasamahan ang grupo ni Akagi na nakahandusay sa hostel. Si Madam Elena naman ay nagawang tumakas. Walang naiwang kahit isang bakas sa lugar na makakapagsabi sa pagkakakilanlan ng salarin. Ang mga staff ng hostel ay nagsitakbuhan daw nang marinig ang putok ng baril kaya walang makapagwitness. Maliban sa malaking bukol sa bandang likod ng ulo ni Akagi at maliit na sugat ay wala na itong tinamong malubha kaya hindi na ito pumayag na maglagi ng hospital. Naroon ang lalaki ngayon sa opisina ni Kaito upang ihatid ang mensaheng galing sa bandido. "Base sa boses na narinig ko, nasa early twenties ang edad niya." Kaito stretch his back against the swivel chair. "Binigay nalang sana n'ya ang pangalan n'ya para hindi na tayo magsasayang ng oras para mag-imbestiga, stingy brat." Sa dami na ng kaaway ng grupo nila, mahihirapan silang tukuyin ang identity ng taong lumusob. "A girl, huh? Very interesting." Dark smile painted on Kaito's face. May taong nangahas na sumira sa plano niya, bago sa kanya ang bagay na iyon. Malaking oportunidad ang umalpas sa kamay nila dahil sa pangingialam nito, huwag nang idagdag pa na pinuruhan ang mga tauhan niya at nagbilin ng banta para patayin siya. "Malakas ang loob." Kung sabagay, naging napakasimple na rin ng araw-araw niyang ginagawa. Walang thrill, kumbaga, nakakapanlata na rin. Madali sa kanyang pagalawin sa mga palad ang negosyo kaya nagiging kabagot-bagot na nang nagtagal. Kung gustong makipaglaro ng babaeng iyon sa kanya o kung may grupo man sa likod nito, ay pauunlakan niya. Matagal narin siyang hindi nakaamoy ng lansa ng dugo. Kaito had a long week. Nakaramdam siya ng pagod dahil sa pagkabigo ng operasyon nila at sa sunod-sunod na meetings. Kinailangan pa niyang pumunta sa isa sa mga kuta ng yakuza para sa pag-aari niyang club na gustong bilhin ng grupo. Alas tres pa lamang ng hapon pero gusto na niyang tapusin ang araw niya.  'Aahh, I want to see you.' He shut the computer down, gathered his things ang left the office. Iisang mukha lang ang gusto niyang makita nang mga sandaling iyon. He drove two hours, to where he knows where that  person is. *** "HANA, may naghahanap sa iyo," tawag ni Piolo sa kanya. Isa ito sa mga estudyante ng dojo. Kasalukuyan niyang nililinis ang mga kagamitan na nandoon. "Sino daw?" tumigil siya ginagawa at nagpunas ng kamay sa pantalon. "Singkit, matangkad." Kasunod ng pagsagot nito ay ang pagsungaw ng nakangiting bisita sa likod ni Piolo. "Sir Jin? Ba't ka nandito?" tila huminto sa pagtibok ang puso ni Hana nang makita ang mukhang ilang linggo na niyang inaasam. Sa halip na sumagot ay iwinagayway nito sa harap ni Hana ang isang paper bag.  "Buti nalang at hindi ko agad naisauli ito." Inabot nito ang bag. Damit iyon ng instructor niya na pinagamit niya kay Jin noong una nilang pagkikita. "Oo nga pala. Nakalimutan ko na din ito, salamat sa paghatid." "Are you busy?" pagkuway tanong ng lalaki "A, hindi naman. Tumutulong lang sa paglilinis." "Can I invite you for an early dinner?" "Bakit?" Bakit siya nito iniimbitahan? Di ba date nang maitatawag iyon? Kapag papayag ba siya, may iba nang ibig sabihin?  "Kailangan bang may rason para makasama kang kumain?" May munting tinig sa loob niyang umaasa ng isang matamis na kasagutan pero nabigo siya. "Ngayon? P-pero hindi ako handa." Jeans at White tee lang ang suot niya. "No worries, Hana, you're beautiful." Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha sa hayagang pagpuri nito, tuloy hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ng lalaki. "S-sige. Kukunin ko lang ang mga gamit ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD