Nang gabing iyon ay nanatiling nakadilat ang mga mata ni Marga. Malapit nang sumilip ang bukang liwayway ngunit hindi pa rin siya makaramdam ng kahit kaunting antok. Ang laging gumugulo sa kanyang isipan ay kung ano ang magyayari pagsapit ng ilang oras.
Paano wawakasan ni Akagi ang buhay niya? Baril? Saksak? Bugbog? She doesn't deserve a peaceful death because she deceived them big time. So, magiging masakit kaya iyon? Gaano kasakit? Sana naman huwag na siyang pagdusahin nang matindi kung papatayin lang din siya. And her family?
'Ang pamilya ko!'
Ngayon lang niya naalala ang mga ito. Hindi nila napag-usapan ulit ng lalaki iyon. Kailangan niyang makausap si Akagi!
'Anong oras na? Kailan siya pupunta rito? I need to talk to him! Gawin na nila ang lahat sa akin, hiwag lang nilang idamay ang pamilya ko!'
Bumaba si Marga ng kama at kumatok nang malakas sa pintuan, halos kalampagin na niya ang buong dahon nito.
"Buksan ninyo ito! Gusto ko kayong makausap! Hoy! May tao ba diyan?"
She banged the door as loud as she could so whoever's outside will get pissed and open it. Katulad ng iniisip, maya-maya ay may narinig na siyang bulungan ng mga tao sa labas. Mukhang effective ang kanyang ginawa. Pabalya ring binuksan ang pintuan mula sa labas, buti na lang at mabilis siyang nakailag kaya hindi natamaan ang kanyang mukha.
"Ano'ng kailangan mo! Bakit ang ingay-ingay mo, putcha ka?" saad ni Choy na nakakunot ang malapad na noo. Halatang kagigising lang.
"Ano'ng oras pupunta rito ang boss ninyo?"
"Si boss Akagi? Tinamaan ka na sa kanya, ano?" anitong tumawa. Nakisali rin sa pagngisi ang dalawang kasama.
"Nadiligan nga siguro iyan kaya ganyan," si Tansho naman ang nagsabi.
"Ano'ng oras nga siya pupunta rito?" bumangon ang pagkairita sa loob ni Marga.
"Miss, huwag ka masyadong kumpiyansa kay boss. Disente iyon, malumanay magsalita at mabango tingnan pero mas madilim pa sa bowl ng banyo ang budhi niyon!" Tumawa ulit ito na wari ay tuwang-tuwa sa ikinuwento. "Walang kinatatakutan 'yon, kami nga na tatlo kayang patumbahin no'n nang mag-isa. At higit sa lahat, walang kinaaawaan. Mas marami pang napatay iyon kaysa sa aming tatlo, akala mo. Pinaganahan ka lang kaya dinadaan ka sa lambing, nagpauto ka naman."
Mas lalong napatiim ang bagang ni Marga sa narinig. Hindi niya mawari kung bakit nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Choy tungkol kay Akagi.
"Bumalik ka na roon sa kuwarto mo!" saad ni Denis na iwinasiwas sa harap ang kamay. Humiga sa mahabang upuan at naghanda sa pagtulog. "Kay aga-aga, ang ingay-ingay!"
"Tinatanong ko lang naman kung ano'ng oras siyang pupunta rito!"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha? Ayaw na sana kitang patikimin ng bugbog para maging tahimik naman ang nalalabi mong oras pero sinusubukan mo kami, e, ha," nanggigigil nitong dinakma ang magkabila niyang pisngi at pinisil nang malakas. Pilit niyang binabawi iyon ngunit mas hinigpitan pa ng lalaki ang pagpisil.
Nasa ganoon silang tagpo nang bumukas ang pintuan ng silid.
"B-boss!" Magkasabay na sabi ng tatlo. Kaagad siyang binitiwan ni Choy at lumayo mula sa kanya. Si Marga ay hinimas ang mga pisngi at iginalaw ang mga panga. Napatingin din sa kararating na lalaki.
Hindi nagsalita si Akagi bagkus ay tiningnan siya pagkatapos ay si Choy.
"Ang ingay-ingay kasi, Boss. Nambubulahaw. B-bakit nga pala kayo nandito, Boss? Maaga pa naman."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang maalala ang pakay. Dumating si Akagi!
"Uh...p-p'wede ba kitang makausap?" saad ni Marga, wala sa loob na mahigpit na hinawakan ang sariling mga daliri at piniga-piga.
"There's no time to waste for small chats," anito na humakbang palapit sa kanya saka hinawakan siya sa braso.
Saan siya dadalhin nito? Ngayon na ba ang sinasabi nitong katapusan? Ngayon na ba siya papatayin nito? Nalaman na ba ng grupo nito ang lahat tungkol sa connection niya?
Mabagal ang paglakad na ginawa ni Marga dahil hindi pa rin nawawala ang maga sa kanyang paa. Hindi naman ito gumamit ng puwersa sa paghila sa kanya. In fact, nakahawak lang ang kamay nito sa kanyang braso at nagpatiunang naglakad. She could not feel pressure in it.
Pagkarating sa kotse ay pinagbuksan pa siya ng pintuan saka umikot para pumasok sa driver's seat. Bago ikinabit ang seatbelt ay umikot ito at mula sa likuran ng kotse ay may kinuha, isang brown paper bag.
Nagtaka si Marga nang inilabas ni Akagi mula sa paperbag ang isang itim na tela. He tossed the bag back to the backseat and extended his hands unto her.
"Don't move."
Bumangon ang matinding kaba sa kanyang dibdib nang ipalibot ng lalaki ang tela sa kanyang ulo at takpan ang kanyang mga mata.
Blind fold? Pinipiringan siya ni Akagi?
On instinct, inabot ni Marga ang tela para sana hilain iyon pababa ngunit ang kamay nito ang kanyang nahawakan.
"Bakit mo tinatakpan ang mga mata ko?" tanong ni Marga na nagsimula nang maiyak. Nabasa ang tela na nakadampi mismo sa kanyang mga mata. Alam niyang namumula na ang kanyang ilong dahil nagsimula na iyong humapdi at bumara.
Mas lalo siyang napahikbi nang walang marinig na kasagutan, hinigpitan lang nito ang pagkakatali ng tela sa likod ng kanyang ulo. Pagkatapos ay ikinabit ang seatbelt sa kanyang katawan.
Akagi drove silently, sa ilang minutong ginugol nila sa loob ng kotse ay tanging hikbi at singhot lamang ni Marga ang maririnig.
"Please, Sir, huwag mong idamay ang pamilya ko. Nakikiusap po ako sa inyo. Mahal na mahal ko po sila. Wala po silang kasalanan. Hindi nila alam ang lahat nang ito."
Patuloy lang sa pag-iyak si Marga habang wala ring nagbago sa bahagi ni Akagi.
Matagal-tagal rin ang pagmamaneho na ginawa nito. Kahit pilit niyang hinuhulaan ang kanilang kinaroroonan base sa galaw at ingay ng paligid ay hindi pa rin niya magawa. The cloth that covered her eyes was already drenched. Ilang beses na niyang sininghot pabalik ang sipon na nagbadyang tumulo at ilang beses na ring kinagat ang labi.
Napakuyumos na lamang ang mga kamay ng dalaga sa palda ng puting damit.
Ilang sandali ay naramdaman niya na bahagyang nag-iba ang kanilang takbo, tila humina iyon. Ilang beses din ang ginawang pagliko nito kaya nakikinita niya na pumasok sila sa isang makitid na daan.
Saan na kaya siya dinala ni Akagi? Iyon na yata ang lugar kung saan siya papatayin. She already accepted her fate the moment she was caught inside the office. Ang pagkabuhay niya hanggang nang araw na iyon ay isa na lamang bonus para sa kanya. Para bigyan marahil siya ng chance na makiusap na huwag saktan ang kanyang pamilya.
Kasabay ng paghinto ng kotse ay ang paghugot rin ng hininga ni Marga. Mas lalong lumakas ang pagtambol ng kanyang dibdib sa puntong tila nakabara na iyon sa kanyang lalamunan. Biglang parang hinalukay ang kanyang tiyan and she wanted to p**e right there and then.
Nag-usal ng tahimik na dasal si Marga pero nahinto iyon nang sa wakas ay marinig niya ang pagsalita ni Akagi.
"Go."
Ang kasunod niyang narinig ay ang pag-click ng automatic lock sa pintuan ng kotse. Awtomatiko siyang napatingin doon kahit wala namang nakikita.
"A-ano?" tanong ni Marga sa nakakunot na noo, nilingon ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Go and never appear in my sight again."
Naguguluhan man, ang bukod-tanging rumihestro sa isip ni Marga ay ang salitang 'go'. Pinapakawalan siya ni Akagi?
May pag-aalinlanga niyang kinapa ang door latch. Nang hindi man lang ito gumalaw para pigilan siya ay nagmamadali niyang nilisan ang kotse at sinara. Sa sandaling nakalabas siya ay saka pa lang naalala ni Marga na tanggalin ang blind fold. Ngunit nang maibuka ang mga mata ay siya namang pagsibad ng kotse ni Akagi.
Marga's feeling was mixed emotions. Disbelief dahil sa pagpakawala ni Akagi sa kanya nang ganoon lang, kasiyahan dahil sa wakas ay magwawakas na ang mapagparusang araw niya. Pero kasabay ng mga damdaming iyon, she also felt heaviness inside her chest as she glanced at the back of the silver car, gradually fading in her sight.
Nang tuluyan nang mawala sa kanyang paningin ang kotse ay saka pa niya sinuri ang pamilyar na palagid. Kumawala ang hikbi sa kanyang lalamunan at naglandas ang mga luha sa pisngi nang sa paglingon niya sa kanan ay mapagtanto na nakatayo siya sa kalsada ilang hakbang mula sa bahay ng kanyang pamilya.
"Akagi..."
Nakaramdam ng matinding panghihina ang buong katawan ni Marga kaya imbes na humakbang ay napaupo siya sa gutter ng daan. Tears were welling non-stop. With her hands clenching the black cloth, maririnig sa tahimik na parte na iyon ng subdivision ang kanyang pag-iyak.