HANA's fidgeting hands were getting cold. Kanina pa okupado ang isip niya kung paano hihingi ng permiso sa ina para payagan siyang lumabas sa gabi. Alalang-alala pa naman ang mga ito noong sinabi nila na natamaan ng ligaw na bala ang braso niya. Her parents didn't know anything about their mission, mas mabuti na ang ganoon para hindi na madamay pa ang mga ito.
"Nanay..."
"Mmm." Masinsinang nakayuko ang nagsusulat na si Rosita sa ibabaw ng mesa sa kusina, hindi nag-aksaya ng panahon na lingunin ang anak. Listahan yata ng mga babayarin nila sa bahay.
"Ahm, lalabas lang po ako mamaya."
"Sinong kasama mo? Ang kuya mo?"
"Ah... h-hindi po." Hindi na talaga siya masasanay magsinungaling lalo sa pamilya niya.
Doon napaangat ang mukha ng ginang mula sa yellow paper at tumitig sa kanya, "Magkikita kayo ng borpren mo?"
Parang nastucked-up ang dila niya sa prankang tanong ng ina.
"Iharap mo sa amin ang taong iyan, Hana, kung may respeto ka pa sa amin ng tatay mo."
Hindi na niya alam kung paano iiwas ang usapan kaya minabuting harapin na niya iyon. "O-opo," nakayuko niyang iniwan ang tabi ng ina para pumasok sa kwarto. Napabuga siya ng hangin. Isang oras nalang at darating na si Jin, lumukso na naman ang sabik niyang puso sa kaisipang magkikita ulit sila.
"Kailangan ko nang maghanda."
LABING-LIMANG minuto bago mag alas siyete ay nakatanggap ng tawag si Hana mula kay Jin, parating na raw ito in five minutes. Kinakabahan na siya dahil hindi niya alam kung papayag ba ang lalaki sa hinihiling ng ina.
"Ang hirap naman, o," himutok niya.
Kagaya nga ng sinabi, tumawag ulit ito makaraan ang limang minuto at sinabing nasa labas na ang kotse. Alam niyang hindi nito pinaparada ang sasakyan sa tapat ng bahay nila, she excitedly went out of the house at hindi nga siya nagkamali. Three blocks away natanaw niya ang makintab na itim na kotse.
Agad na lumabas ito mula sa driver's seat nang makalapit na siya at sinalubong siya ng isang mahigpit na yapos.
"I missed you so much!" anas nito na sinamyo ang kanyang ulo.
"Miss na miss din kita," mangiyak-ngiyak sa galak na sabi niya at gumati ng kasing-higpit na yakap.
"Let's get inside the car."
"T-teka..." Napahinto ang pagbukas nito sa pintuan at natuon ang singkit nitong mga mata sa mukha niya. "K-kasi..."
"Tell me."
Nagsimula na naman ang paglalaro niya sa mga daliri, "G-gusto ng mga magulang ko na... makilala ka." Napangiwi si Hana na napatungo dahil nag-aalangan talaga siyang itanong iyon, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kung harap-harapan siya nitong i-reject. Buntong-hininga ang narinig ng babae.
"H-hindi naman kita pipilitin, alam kong masyadong private ang buhay mo, Sir, at isa pa... w-wala naman tayong relasyon pa hindi ba? Kaya 'wag--"
"What are you talking about, Hana? Ano bang tingin mo sa atin ngayon kung wala tayong relasyon?"
Totoo naman ang sinabi niya, hindi pa talaga sila official. Hindi pa sila pormal na nag-confess ng feelings or nagkasundo na sila na nga.
"T-tayo na ba? I mean, official na ba? Boyfriend na kita?"
"Of course, unless may iba kang gustong maging boyfriend."
His face went flat and serious kaya ang bilis ng sagot niya. "Siyempre, wala, Sir. Ikaw lang." And that made him smile in satisfaction kaya napangiti rin siya.
"C'mon, let's meet your parents," sabi nito na hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Hana at magkasabay nilang tinungo ang bahay.
STAR STRUCKED, iyon lang ang salita na naisip ni Hana sa reaksiyon ng ina nang makita si Jin. Her mother can't get enough of staring at the man's face simula pa kanina kahit na nga ba katabi nito ang itay niya. She expected na mas mag-uusisa ang ina niya sa lalaki pero kabaliktaran ang nangyari, ang itay niya ang nakikipag-usap.
"Pasensiya na at tanging juice lang ang maiaalok namin sa iyo," saad ng inay niya. Nakaupo ang mga magulang ni Hana sa pangdalawahang sofa habang si Jin ay nasa kanang single sofa malapit sa pinto. Siya naman ay nasa kabila kanugnog ng kusina.
"Wala pong problema, maraming salamat." Tuwid na nakaupo ang lalaki, ni hindi nakalapat ang likod nito sa sandalan ng upuan, ang mga kamay ay nakapatong lang sa ibabaw ng hita. She really appreciates him being humble, kahit na nga ba hindi maikakaila ang yaman na tinataglay nito ay marunong paring rumespeto sa ibang tao.
"Ano ulit ang apelyido mo, Mister Jin?" pagpapatuloy ng itay niya.
"... Samonte."
"Saan ka umuuwi?"
"Sa Manila po, sa Quezon."
"Kasama mo ba sa bahay ang pamilya mo?"
"No, I live alone simula noong nagtapos ako ng college."
"Anong trabaho mo ngayon?"
"May hinahawakan akong negosyo," tumangu-tangong nadagdag pa ang ama niya.
"Kailan lang nagsimula ang relasyon ninyo ng anak ko?" Pakiramdam ni Hana ay parang humihinto ang t***k ng kanyang puso sa bawat palitan ng salita ng mga kaharap.
"It was five months ago, pero matagal din kaming hindi nagkita."
'Five months? Ibig sabihin, 'yong dinala niya ako sa hotel?'
"I apologize kung ngayon ko lang naipakilala ang sarili ko sa inyo."
"Ang importante ay nandito ka ngayon at maayos na nakiharap sa amin. Mahal mo ba ang anak ko?" Ang tanong na iyon ay galing sa ina niya na mukhang nahimasmasan na.
"I respect her a lot, ma'am at gagawin ko ang makakaya ko para protektahan siya. Yes, I love her."
Napakagat-labing napayuko si Hana dahil pakiramdam niya ay nagkulay pula na ang umiinit niyang mukha. She could not contain what she's feeling right now. Napuno ng emosyon ang puso niya, overwhelmed by what's happening right in front of her eyes. Jin just said that he loves her, sa harap pa talaga ng mga magulang niya.
"Kagaya po ng sinabi ko, matagal na hindi kami nagkita, I was quite busy with work kaya sana pahihintulutan po ninyo na imbitahan ko si Hana for a dinner tonight."
"Anong oras mo ihahatid ang anak namin
dito?"
"Tomorrow. I promise to bring her back, safe tomorrow afternoon."
Laglag ang panga ni Hana sa narinig. Diretso ba namang sabihin nito na bukas pa siya ihahatid? Pati siya ay walang alam na ganoon ang magiging plano ng lalaki. Napatingin siya sa mukha ng dalawang magulang.
"Bukas? Bakit bukas pa? Kakain lang naman kayo?" Philipe's words came out louder than usual, nagkasalubong ang mga kilay nito at lumitaw ang kulubot sa noo. Ang inay naman niya ay napamulagat din ang mga mata kagaya nang sa kanya.
"I had the reservation in Manila, masyado nang delikado para kay Hana kung ihahatid ko siya ng gabi."
Isang mahabang katahimikan ang namayani. Si Jin at ang itay niya ay nagsukatan ng tingin.
"...buo mong ibabalik ang anak ko," her father said with conviction. Mas lalong nagulat si Hana sa sagot ng ama pati na rin ang ina niya.
"Yes, I promise," sagot ni Jin na yumuko, hindi nagtaas ng ulo hangga't hindi natanggap ang desisyon ng ama niya. Napalunok naman si Hana nang nabaling sa kanya ang titig ni Philipe.
"Ingatan mo si Hana, siguro naman hindi lingid sa kaalaman mo na kagagaling lang niya sa isang operasyon." Nakakunot ang noong lumipat ang tingin ng lalaki sa kanya, wala itong sinabi pero naasiwa siya sa nagtatanong nitong anyo kaya umiwas siya ng titig.
"I'll definitely do that."
Pagkatapos ng masinsinang interogasyon ay nagsitayuan na ang mga ito pati na rin siya. Muli bago sila tuluyang nagpaalam ng lalaki ay yumuko ito sa harap ng mga magulang bago lumabas ng bahay.
Terminologies:
Bowing or Ojigi- is a fundamental part of social etiquette which is both derivative and representative of Japanese culture, emphasizing respect and social ranks.