"SEARCH this Hana Rodriguez sa history ng company guests natin." Nakakrus ang mga braso ni Akagi sa dibdib, nakatunghay kay Marvic na abala sa pagtipa sa computer. Nasa loob sila ng opisina niya, doon niya piniling isagawa ang pag-iimbistiga para malayo sa mata ng ibang tao lalo na sa kaalaman ni Kaito.
"She came here six months ago as a student researcher from San Vicente State College."
"Yes, I know, at least hanggang d'yan but dig more. Diba kaya mong pasukin ang system ng ibang kompanya? Try San Vicente State College, sa registry nila. I-verify mo ang existence ni Hana Rodriguez."
"Yes, Sir." sinimulan nang gawin ni Marvic ang utos niya.
'Mabuti na ang ganito, mas mabilis ang proseso kaysa itawag pa mismo eskwelahan.'
Matapos ang kulang-kulang sampong minuto ay may balita na kaagad si Marvic.
"Sir, wala pong Hana Rodriguez na nakalista sa registry nila. Sinubukan ko po at least five consecutive school years, wala rin."
"I knew it!" he snapped, bahagya namang nagulat ang empleyado. Bakit nakapasok siya sa kompanya kung ganoon? Masyado yatang maluwag ang security ninyo."
"Ah--err..." napakamot ang daliri nito sa itaas ng tainga.
"Alamin mo kung paanong nakapasok siya dito. Paano nangyari na nagkaroon siya ng records sa system."
"Yes, Sir." anang lalaki na hinarap uli ang computer. "Sir, chinek ko po ang network ng reception natin, tingnan n'yo po 'to." Walang maintindihan si Akagi sa mga nakasulat na nasa screen ng computer. Pawang mga maliliit na numbers and letters lang ang nandoon. Tinuro ni Marvic ang isang magkasunod na numero. "192.168.1.110," pinadulas ng lalaki ang hintuturo pakanan. "Moonwalker, iyan ang may pakana ng illegal data transfer sa database natin."
"Kaya mo bang i-trace ang hacker na 'yan?"
"Susubukan ko po."
Makaraan ang halos isang oras ay napapailing na nag-inat si Marvic. The guy looked frustrated.
"Then?" tanong ni Akagi.
"Ang hirap po itrace ng hacker na 'to, Sir. Pero, Sir, may kilala po akong magaling sa pagtrace ng bigating hackers."
"Okay, papuntahin mo siya dito."
"Sige, po."
"HANA, 'san ka pupunta?" napatingin si Matt sa nakabihis na kapatid. Bitbit niya ang supot ng biniling karne sa meatshop. Mahigit isang buwan na simula nang makauwi sila pagkatapos ng apat na araw na pagkaconfine ni Hana sa clinic ni Dr. Raj.
"Sa dojo, kuya," saad nito na inayos ang rubber shoes sa paa.
"Magaling na ba talaga ang sugat mo? Baka mabinat ka." puno ng pag-aalalang sabi ni Matt.
"Magaling napo, kuya. As in wala na'kong napi-feel na sakit."
"'Wag mong biglain ang katawan mo, mag-iingat ka."
"Yes, Sir!" nakangiti niyang saad na sinabayan pa ng saludo sa harap ng kapatid. Napangiti nalang din ang kapatid sa ginawa niya.
NAKAYUKONG binabagtas ni Hana ang kalye papuntang dojo, nakapaloob ang dalawang kamay sa bulsa ng hooded jacket niya. Napataas ang tingin niya sa mga batang masayang naglalaro sa park, napangiti siya sa alaalang hatid ng lugar na iyon.
"Once upon a time..." sambit niya habang nakatitig sa pamilyar na bench. It's been three months simula noong huling tumawag si Jin sa kanya. Miss na miss na niya ang lalaki pero nahihiya siyang itext o tawagan nang una lalo na noong nasangkot siya sa barilan at nasugatan, iniwasan niyang malaman ni Jin ang sinapit niya. Hindi rin naman ito naunang magtext o tumawag. Napalabi siya.
'Busy pa kaya siya?' inilabas niya ang cellphone at nagtype.
Hi
Iyon lang pero parang ang hirap pindutin ang send button.
"Hmmmf..." idinikit niya sa baba ang telepono at napapikit. "Magrereply kaya siya? Kahit magkumustahan lang naman kami. Pa'no kung seen mode lang?" kinakabahan parin na tinitigan ng dalaga ang malaking arrow button na nasa kanang dulo ng screen.
Sent.
Nanigas ang daliri niyang hindi makapaniwala na napindot ang send button.
"My Gooosh!"
Halos mapatalon si Hana sa pagkakabigla nang kumanta si Ed Sheeran sa cellphone. She gasped, nanlaki ang mga mata na binasa ang screen.
Jin calling...
Agad na pinindot niya ang cellphone pero and pulang button ang asidente niyang nahawakan kaya naputol ang tawag.
"s**t! s**t!" padyak niya sa daan tuloy napatingin sa kanya ang ilang mga naglalakad sa kalsada. "Ang tangaaa!"
'Ano na? Ako na ba ang tatawag?'
"Go na, Hana!" sabi niya sa sarili at pigil-hiningang nagdial. Pagkatapos ng unang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Hello, hime." That oh so yummy voice, so masculine yet smooth and sexy na para bang laging nang-aanyaya, parang hindi na yata siya masasanay pa. Her heart was pounding hard, mabuti at hindi nito naririnig iyon sa kabilang linya kundi nakakahiya talaga! Napapakagat -labi siya dahil hindi niya maiwasan na mapangiti na parang loka-loka.
"Jin... k-kumusta ka na?"
"Still, quite busy with work but I'm good. Ikaw, kumusta ka na? I missed you so much."
"Miss na miss na rin kita, Sir Jin..." feeling niya ay masyadong halata ang pagkasabik niya sa tono ng kanyang pananalita nang panahong iyon.
"Are you free, tonight? Please let me see you."
"Yes, oo!"
"I'm so glad." anitong tila napangiti. "I'll pick you up tonight, could you ready yourself for me at seven?"
"Okay..."
"I'll see you then."
"Bye, Sir." Ang sunod niyang narinig ay dial tone na.