"MAKE sure to tame your dogs, properly, Gabon San, kung ayaw mong ipagpatuloy ko ang sinimulan ng mga bata mo at 'pag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong magsisisi kayong lahat." sabi ni Kaito na halata ang pagkagigil bago putulin ang tawag.
"That sonofabitch! Akala ko nagkakaintindihan na kami noong huli naming pag-uusap--Ah!" napangiwi si Kaito dahil sumakit bigla ang balikat na nadaplisan ng bala, napahawak ito sa nakabendang sugat sa ilalim ng suit. "Damn," he uttered at inisang tungga ang paboritong Bourbon na nasa kamay. Kasalukuyan silang magkaharap sa isang bilog na mesa sa VIP lounge ng club na pag-aari nito.
"Ano daw pala ang sabi niya?" si Akagi.
Aside from being the bodyguard and executive secretary, he's also a friend, you can say 'the only friend.'
"Sinasabi niyang wala siyang kinalaman sa ambush na nangyari."
"Mahirap talagang pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid, Ishida San, afterall we are living in the hellish world."
"Ang sabi ay magpapadala daw siya ng halaga para sa danyos. Do you think he's lying? Baka siya iyong tipong nang-iiwan sa ere when walk comes to crawl."
"I can't say anything," iling ni Akagi na sumimsim ng brandy.
"Hey," tumuwid si Kaito ng upo at nagdekwatro. "I heard someone fired a shot, the later part. Sino 'yun?"
"... It was Reek, I had him tail us, just in case."
"I see, as expected from you, Akagi San." Kaito smiled, impressed with the man.
"Mas mabuti na iyong nakakasiguro."
Matamang nakatitig ang singkit na mata ni Akagi sa basong hawak. Parang nakikita niya doon ang anyo ng relong suot ng babae. Sigurado siya na ang relong iyon ang pag-aari ni Kaito. He remembers telling him na ibinigay nito iyon sa isang babae.
"I'm Hana Rodriguez from St. Vicente State College, Sir."
"Bigay lang po 'to ng kaibigan ko."
"Business po yata, hindi ko po sigurado."
Nagbalik sa ala-ala niya ang mga katagang binitawan ng babaeng nagpunta sa NH para sa isang research.
'Sigurado akong walang ideya si Ishida San sa katauhan ng babaeng iyon pero... kilala ba ng Hana na iyon si Kaito Ishida all this time?' pailalim niyang sinulyapan ang amo na kasalukuyang nakatutok sa hawak na cellphone. 'I must know.'
He's intrigue, kaya hinayaan niyang mabuhay ang babae. Napukaw ang curiosity niya kung saan hahantong ang nakakahibang na larong iyon.
"MATT, kumusta si Hana?" makikita sa magandang mukha ni Marga ang pag-aalala.
"Stable naman na siya, 'wag kang mag-alala."
"Gising ba siya?" tango ang isinagot ng lalaki.
"Papasok ako."
"Sige."
Ang nakangiting mukha ni Hana ang sumalubong kay Marga pagkapasok niya.
"Hi, kumusta ka na?" nilapitan niya ito at nakipagbeso-beso.
"Okay naman, nakuha na nila ang bala sa braso ko. Ang galing ni Dr. Raj." Nasa isang aesthetic clinic sila na kakilala ni Marga.
"Mabuti naman," ibinaba nito ang dalang shoulder bag sa bedside table at naupo sa gilid ng kama niya. "Dati siyang surgeon sa ospital bago nagshift sa plastic surgery. I'm sorry, kasalanan ko 'to, ako ang nagsabi sa iyong magandang tiyempo ang pagpunta niya sa bahay ni Matsuhiro."
"Of course not! Kagustuhan kong gawin ang misyon na iyon, Marga. 'Wag mong sisihin ang sarili mo, ano ka ba," saad ni Hana na bahagyang tinampal ang braso ng babaeng kaharap.
"Sino kaya ang mga nang-ambush na iyon?" si Marga ulit.
"Siguradong mga tao iyon na inagrabyado ni Kaito Ishida." sagot ni Matt.
"Buti nakaya mo pang umalis kaagad doon."
"Mukhang hindi pa'ko tuluyang iniwan ng swerte that time kasi gumagana pa ang motor. Hindi ko na inintindi ang sakit, naisip ko nalang na dapat na akong makaalis doon bago pa dumating ang mga pulis." si Hana.
"Nakapagtago s'ya sa CR ng isang lumang building sa Caloocan. Doon ko na siya sinundo papunta dito," dagdag ni Matt.
"I was so worried nung tumawag si Matt na nabaril ka, gusto ko sanang sumama sa pagsundo sa iyo pero hindi ako basta-basta makaalis sa office."
"It's good na madali lang hanapin ang clinic ni Dra. Raj. Hana, nakita mo ba ang mukha ni Kaito? 'Di ba sinundan mo sila hanggang sa bahay ng ama n'ya?" nagbaba ng tingin na umiling ang babae. "Malayo kasi ang pinagtaguan ko kasi natakot akong mahuli. Siguradong madaming CCTV ang nakapaligid sa bahay ni Matsuhiro. Nakita ko silang lumabas ng kotse pero hindi ko maklaro ang mukha ni Kaito pero masasabi kong matangkad s'ya.
"That's fine, Hana. Makakahanap din tayo ng mas maganda pang lead kay Kaito Ishida sa susunod," saad ni Marga na hinawakan ang kamay ng babae.
"Marga, mag-iingat ka sa mga ginagawa mo sa poder ni Kaito, ikaw ang pinakadelikado dahil araw-araw kang napapaligiran ng mga tao niya." Si Matt.
"Alam ko, 'wag kayong mag-alala, I'll be careful."
"Pumupunta ba si Kaito sa head office na iyon?" tanong ni Hana.
"Sa dalawang buwan na nandoon ako, hindi pa naliligaw kahit anino niya doon. Siyanga pala, 'yung personal account ni Kaito, mukhang mas madali ko na siyang mapasok ngayong may access na ako sa data ng company, I'm still working on it pero konting tiis nalang. 'Pag nabreak ko na 'yon, hindi na tayo mahihirapan."
Napangiti si Hana sa narinig.
"Maraming salamat, Marga. Basta mag-iingat ka lang lagi."
"Don't worry," saad nitong ngumiti rin.
BINABAGTAS ni Akagi ang hallway patungong IT department ng Nankai Holdings, nasa third floor iyon. Pagkabukas niya ng pintuan ng malaking silid ay biglang tumahimik at nabalutan ng tensyon ang buong paligid.
"Good afternoon, Sir." halos magkasabay na sambit ng halos trenta na empleyadong naroon. Lumiko siya sa kanang bahagi ng silid at dumiretso sa kwartong nasa dulo, ang opisina ng chief ng IT department.
"Mr. Ferolin," tawag niya sa lalaking nakaupo sa malaking swivel chair, nakatalikod sa gawi niya ang upuan. Halatang may kausap ito sa kabilang linya dahil nagsasalita iyong mag-isa at mukhang hindi siya naririnig.
"Ooo ho ho, saan mo pala gustong pumuta tayo mamaya? Halos nalibot mo naman na ang lahat ng hotels sa Manila. Saan mo gusto, resort naman siguro? Ano, ano? Gusto mo noh..?" tumawa pa ito na parang kinikiliti.
"Chief Ferolin," mas nilakasan pa ni Akagi ang boses, nawawalan na siya ng pasensya. Nakataas ang kilay na kagyat itong lumingon sa kanya, bakas pa sa malaki nitong mukha ang pagkainis ngunit nang mapagtanto kung sino ang tumatawag dito ay halos matapon nito ang tinanggal na earpods mula sa magkabilang tainga.
"Sir!" biglang tayo nito. "G-good afternoon, Sir, how may I help you?"
'Mukhang tanga.' naisip ni Akagi. 'Ang sagwa pala talaga tingnan kapag lumalandi sa mga bata ang matatanda.' The halfwit man is in his late forties, malaki ang tiyan, may katabaan.
"May ipapagawa ako, bring to me your best kid." he took the chair beside the office table and elegantly crossed his legs.
"S-sorry, Sir. Im not sure if I understood you correctly." alanganin itong napangiti, kulang nalang ay magkamot sa batok. Nawala ang taong puno ng confidence na nakipag-usap kanina sa telepono.
"The best in hacking, decoding, etcetera, etcetera," he waved his hand, slightly pissed dahil hindi agad naintindihan ng kaharap ang sinasabi niya. "I need it now."
"Oh, yes, certainly!" saad nito at nagdial sa telepono, dalawang ring lang ay may sumagot na, naka-loud speaker.
"Chief, Dan?"
"Marvic, halika sa office!" anang matandang bansot at ibinaba agad ang receiver.
Hindi naman siya pinaghintay ng matagal, halos dalwang minuto ay dumating ang tinawag. Lalaking nasa mid-twenties, payat at naka-white undershirt na pinatungan ng blue cotton jacket.
"Good afternoon, Sir." bahagya itong yumuko bago hinarap ang manager. "Yes, Chief? Pinatawag mo'ko?"
"Yes, yes. May ipapagawa si Mr. Akagi sa iyo. Sir, this is Marvic Talactac, the supervisor for IT security department. He's expert in information extraction in and outside the company and has full knowledge of the company's security operations and structure. Dati din siyang nasa Network administration department kaya mas malawak ang nalalaman niya. I believe he has all what you need for, Mr. Akagi."
"Very well, come with me," aniyang wala nang balak magtagal doon, tumayo at naunang lumabas ng silid, kasunod si Marvic.
Tila nalantang alogbate naman na napaupo si Danny sa swivel chair pagkalayo ni Akagi.
"Masesesante na ba ako?"