Part 18

1372 Words
IT'S been almost a decade ever since he left their house in Bulacan. Inangkin niya ang isang buong floor ng isa sa mga buildings ng company nila at ginawang tirahan. He thought it would be safer that way and of course malayo sa mga mata ng tyrant niyang ama. Sa kabila noon, obligado siyang bumisita sa kanilang bahay at lease once in three months just to report everything. "How's the club?" tanong ni Matsuhiro kay Kaito, nasa likod sila ng bahay. Nakapamulsa siyang humihithit ng Dunhill cigar habang ito naman ay nakaharap sa pond na naglalaman ng makukulay na koi fish. Hawak nito ang tungkod sa kaliwang kamay habang sinasabuyan ng pagkain ang mga isda, nakasuot ito ng dark grey na kimono. Behind the wrinkly facade, Matsuhiro Ishida still possesses those keen cogitation. "The yakuza were being too pushy." "Their foul intent is way too obvious." "Aside from the fact that that street is their turf, nalaman ko na isa ang lugar na iyon kung saan ginagawa ang tago nilang operasyon, kaya marahil gusto nilang angkinin ang p'westong iyon." "Then?" "In exchange of them staying out of our business." "Umo-o ba si Yashiro?" "I believe we had a mutual understanding." "They are acting permissive dahil may plano sila sa iyo." "I would never." sagot niya na pinitik ang humahaba nang upos ng sigarilyo. "Kompyansa ako sa kakayahan mo pero mas mabuti pa rin ang umiwas sa grupong iyon. Ayokong magkaroon tayo ng problema sa hinaharap dahil sa kabulastugang pinaggagagawa ng ibang miyembro ng yakuza." Sinaboy nito sa tubig ang panghuling piraso ng koi food at pinagpag ang kamay. "Mikuno San, their leader, I wonder why he's turning a blind eye on everything." "BAKIT ba kailangang laman ng isip niya ang grupo na iyon these days? Marami siyang iba pang mahahalagang dapat atupagin maliban doon pero pilit talagang sumisiksik ang alingasaw ng mga ito sa paligid niya. Even Matsuhiro doesn't want to stick his nose to them. "Ishida San, masyado pong matraffic sa Balintawak ngayon, Okay lang po ba kung sa kabila tayo dadaan?" "Go ahead." Biglang kumirot ang kanang sintido niya kaya itinukod ni Kaito ang siko sa armrest at hinilot-hilot ng daliri ang ulo. "Anong oras ang next appointment, Akagi San?" Napalingon siya sa kaliwang bulsa nang magvibrate ang cellphone niya ngunit bago pa niya mahugot ang telepono ay bigla nalang siyang napasubsob sa harapan. Mabuti at agad niyang naitukod ang kamay sa sandalan ni Akagi kung hindi ay hahalik ang mukha niya doon. "What the--." "Ishida San, dapa!" sigaw ni Akagi bago niya narinig ang tila walang hanggang pag-ulan ng bala. "s**t!" sambit ni Hana habang pinagbutihan ang pagkakasiksik ng sarili sa likod ng kotse. "Arrgh!" nadaplisan yata ng bala ang kanan niyang hita. Kanina pa siya nakasunod sa kotse ni Kaito Ishida. Magmula noong umalis ito sa Nankai Holdings at nagpunta sa bahay ni Matsuhiro Ishida. Hindi siya nakahanap ng magandang tiyempo noong patungo pa lang ito sa bahay ng ama dahil pawang matataong kalsada ang dinaanan nito kaya isasagawa na niya ang misyon habang pabalik na ang sasakyan nito sa Maynila. Sakto namang lumiko ito sa isang 'di kalakihang kalye kaya nakita na niya ang hinihintay na perpektong timing. "Hana, listen." usal ni Matt mula sa earphone na nakadikit sa tainga ni Hana. "May dalawang alley sa kanan. First is five hundred metters away from your current location and then two hundred meters from the first one. Tant'yahin mo ang speed mo pagkapasok. You shoul be able to meet them paglabas sa second alley." Iyon nga ang eksaktong ginawa niya pero nang sa wakas ay mapalapit siya sa likuran ng target na sasakyan ay hindi niya inasahan ang bigla nitong pagbreak, tuloy inihinto din niya nang wala sa oras ang motor, eksakto parin sa tapat ng backseat. Huhugutin na sana ni Hana ang baril mula sa tagiliran para tuldukan na ang buhay ni Kaito Ishida na alam niyang siyang nakaupo sa likuran pero napalingon siya sa unahan nang may humintong puting kotse. Everything happend in a flash, naglabas ng mahabang baril ang nakaupo sa passenger seat ng puting kotse at pinaratsadahan ng bala ang gawi nila. Dahil unexpected ang lahat nang iyon kaya nahuli nang ilang segundo ang pagkilos niya. She hastily gripped the motor handle and made a sudden turn for an escape. Natumba ang motor at tumilapon iyon, naiwan siya sa konkretong sahig. Mukhang napahigpit ang pagkakahawak niya sa handle. Ilang segundo pang walang tigil ang putukan, naririnig na ni Hama ang pagkawasak ng mga salamin at ibang parte ng kotse ni Kaito. Tanaw niya mula sa likod ang mga balang nakaligtas. 'Delikado 'to kung lalapit ang mga taong 'yun. Madadamay pa'ko sa gulo nila. Buhay pa kaya si Kaito?' Hinubad niya ang mabigat na helmet sa ulo at basta nalang initsa sa gilid. "Hana! Hana, anong nangyayari?" si Matt na tunog nagpapanic. "Kuya... may ibang nang-ambush!" "Ano?" halos hindi sila magkaintindihan dahil sa ingay ng mga putok. "May ibang nang-ambush!" "Anong ginagawa mo? Umalis ka na d'yan, madadamay ka!" "Nabitiwan ko ang motor." "Ano? F-f**k! f**k!" "Shhh, mamaya na kuya." saad niya nang tumigil ang putukan. NAKAKABINGI ang bumabalot na katahimikan pero alam ni Akagi na nag-aabang lang ang mga kalaban sa anumang kilos na gagawin nila. Habang nakasuksok sa ilalim ng dashboard, sinulyapan niya ang amo sa likuran. Nakahinga siya nang kumilos ito at tumingin sa kanya, kagaya niya ay tahimik itong nakakubli sa ibaba ng backseat. "Stay low." bulong ni Akagi sa amo saka dinama ang pulso ng driver. Mukhang napuruhan sa dibdib kaya wala na siyang madamang pintig. Maingat na inabot ni Akagi ang lock ng magkabilang pinto saka dahan-dahang binuksan, sapat para hindi mapansin ng mga gunman. Nang makapwesto nang maigi, binuhos niya ang lakas sa kaliwang binti at sinipa ang bangkay ng driver palabas ng kotse. Gaya ng inaasahan niya, pinaulanan iyon ng bala ng kalaban, sinamantala niya ang pagkakataong iyon para buksan ang pinto malapit sa kanya at sinimulang magpaputok gamit ang handgun. Nakakubli ang katawan sa pintuan at tanging ang baril lamang ang nakalitaw. Natamaan ang isa sa kamay ngunit kagyat lang itong tumigil, hamak na lamang parin ang mga ito dahil sa klase ng dalang baril. Bumangon ang kaba ni Akagi nang nagsilabasan ang mga ito sa kotse at mukhang mas lalapit sa kanila sa pamamagitan ng pagtago sa kanto ng mga pader. 'Hindi p'wedeng makalapit sila kay Ishida San. Damn, anong gagawin ko?' Sa pagtataka ni Akagi ay may nagpaputok sa kabilang gilid ng kotse nila, bagsak ang isang kalaban. Nakamulagat siyang napalingon sa pag-aakalang si Kaito ang nagpaputok pero nagtagpo ang kanyang kilay nang makitang isang babaeng nakaitim na damit ang may kagagawan. Natatabunan ng itim ding mask ang kalahati ng mukha nito at nakatali ang buhok. Nagflash back sa kanya ang babaeng nakatunggali sa hostel. Ang pagkagulat niyang iyon ay mas tumindi nang dumapo sa pamilyar na relo na suot nito ang mga mata niya. Literal na nakaawang ang bibig ni Akagi habang nakatitig sa kamay nitong may hawak na baril. Tama ng bala sa braso ng babae ang nagpabalik ng isipan ni Akagi sa kasalukuyang sitwasyon. Namilipit itong nagtago sa nakabukas na pinto ng kotse nila. Kinabahan si Akagi dahil nasa likod lang si Kaito. Pasimple niyang nilingon ang among nakayuko parin. Mukhang hindi naman nakita ng babae dahil nasa mga gunman sa harap ang atensyon nito. Ni hindi nga siya nilingon man lang. 'Kailangan na naming makaalis dito.' Pumwesto si Akagi at maiging pinuntirya ang huling nakatayong kalaban. Natigil ang pag-ulan ng bala nang magpaputok si Akagi, bumagsak ang walang buhay na katawan ng lalaki sa maruming sahig ng kalye. Agad niyang tinalon ang driver seat at tinutok ang baril sa mukha ng babaeng namimilipit pa rin sa sakit. Hawak niyo ang duguang braso, dumadaloy sa gitna ng daliri nitong natatabunan ng itim na guwantes ang sariling dugo. Mukhang may sugat din ito sa hita subalit sa kabila ng dinaramdam nito ay matapang paring nakipagtagisan ng titig sa kanya. Muli tiningnan ng lalaki ang relo sa kamay ng babae. "Consider this your lucky day." saad niya bago sinipa ito sa dibdib saka isinara ang pinto. Binuhay ang sasakyan at pinasibad bago pa makabawi sa pagkakamudmod ang babae. *Hi my dear readers! Second time ko palang pong magsulat ng ganitong action ('yung isa, light lang din) kaya hindi lagi kong iniisip kung maayos ba ang pagkasulat ko, klaro ba sa imahinasyon n'yo. Please consider giving me feedbacks/comments. Malaki pong tulong iyon para mahusayan ko pa ang pagkakasulat. Arigatou Gozaimasu!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD