Chapter 11

1118 Words
Layda Pov... Alam kong wala akong karapatang maghimasok sa buhay ng may buhay lalo na kung si Sabina ang pag uusapan pero hindi ko maiwasan na hindi mag usisa. Matalik kong kaibigan si Marco at yung galit niya kay Sabina ay hindi ordinaryo. May pinanghuhugutan at iyon ang gusto kong malaman dahil boto ako kay Sabina para kay Marco per hindi pa nagsisimula ang pagrereto ko ay aso at pusa na sila tuwing magkita. Dahil naoperahan si Marco at malaki ang tama sa balikat ay mas maiiwan sana siya sa ospital pero dahil kay Sabina ay mas pinili nalang niya ang umuwi samantalang si Levi naman ay hindi ko pa pinayagan. Okay naman na ang kanyang mga sugat pero gusto kong masiguradong wala siyang komplikasyon. Itong engkwetro na ito ay hindi rin ordinaryong galit. Halos gustong patayin si Marco sa kanyang kalagayan. "Doktora!" Malakas na tawag ng kasama kong nars at hindi ko pala siya napapansin dahil sa lalim ng aking iniisip. Kanina pa pala niya ako tinatawag. Nagising tuloy si Levi dahil sa pagtawag niya sa akin ng malakas. "Sorry!" Maigsi kong sagot. "Anu ba kasi ang malalim mong iniisip na hindi mo ako naririnig." Tanong niya. Ngumiti lang akong sumagot sa kanya. Pagkatapos naming intindihin si Levi ay sumunod na rin ako sa nars nung tumawag si Levi. "Layda!" Tawag niya para tumigil ako sa tuluyang paglabas at lumingon sa kanya. "Kumusta si Marco?" Agad niyang tanong. Believe din ako sa kanilang pagkakaibigan. Ang unang tanong pagkamulat ng kanilang mata ay hindi ang kanilang kalagayan o kung nasaan sila kundi ang kalagayan ng kanilang kaibigan. "Hindi pa siya masyadong okay pero lumabas na siya." Sagot ko sa kanya. "Anu!" Malakas niyang pagbulalas na biglang pagbangon para sumakit lalo ang kanyang katawan dahil sa pagsala ng kanyang paggalaw. Nataranta naman akong agad na tinulungan siya. "Dahan dahan lang kung gusto mong lumabas din dito. Huwag mo ng gayahin ang katigasan ng ulo ni Marco." Nasabi ko tuloy ang dahilan kung bakit siya lumabas na ng ospital kahit hindi pa dapat pero may sarili naman silang doktor na pwedeng mag asikaso sa kanya bente kwatrong oras. "Ha! At bakit naman siya nagmamadaling umalis samantalang mas grabe ang nangyari sa kanya." Nainis at nag aalala din niyang tanong. "Hindi ko alam Levi pero anu ba kasi ang problema nilang dalawa ni Sabina?" Hindi ko mapigilan na hindi tanungin. Magkaibigan din naman kasi silang matalik at isa si Levi sa kayang magpaintindi ng mga bagay bagay sa kanya kapag nasa punto na ubos na ubos na ang kanyang pasensya. "Ha! Pakiulit nga?" Hindi makapaniwala niyang tanong na halos maglabasan ang mga ugat ugat sa kanyang mukha at leeg. "Sabi ko anu ba ang problema nila ni Sabina? Akala ko hindi sila magkakilala kaya gusto ko sanang ipakilala siya sa kanya at alam kung bagay silang dalawa pero mukhang walng tsansa." Paliwanag kung sagot habang tinutulungan siyang humigang muli sa kanyang higaan. "Huwag mo ng ituloy kung ayaw mong magsalubong ang langit at lupa!" Makahulugang sagot niya. "Ha! At bakit naman? Sabina is the best woman for him, believe me Levi. Kilala ko siya at matagal ko na siyang kasama sa trabaho." Giit ko pa rin na sagot. Whatever his dislike towards her could change if he will meet her in a better circumstance. That's what I thought! Hindi ko naman aakalain na nagkaroon sila ng girian para magkaroon ng lamat at bad impression si Marco sa kanya. "Malabo yun! Isinusuka ni Marco ang pagmumukha ng babaeng yan! Kahit siya nalang natitirang Eva sa balat ng lupa ay hindi siya mahuhumaling sa kanya." Naumay niyang sagot bago pumikit muli. Nastress siya sa aking mga ipinamalita. How bad was the situation and impression Sabina implanted? Sabina darling, sayang naman siya ta mukhang interesado ka pa naman. "Well, that's too much but who knows someday the misundestanding will be cleared and they will give each other a chance to grow together." Pilit ko pa rin na paniniwala at paniniwalaan. Hindi naman siguro ikakamatay ni Marco kung anuman ang puno ng kanyang umaapoy na galit. "Ewan ko nalang Layda!" Sagot niyang wala talagang pag asa. The more I was intrigue where are they coming from. "I didnt know! Siya ang inirekomenda kung doktor niya sa pag aakalang maalagaan ang kaibigan ko pero siya naman pala ang magiging kamatayan niya." Pabulong kong sagot. "Nagyong alam mo na huwag mo ng uulitin. Hinayaan mo nalang sana na siya ang magiging doktor ko at hindi naman ako masyadong galit sa kanya." Kanyang sagot na hindi ko nagustuhan. I was worried about him kaya naman agad ko siyang inasikaso pero wala palang saysay yun! Halos himatayin ako pagkakita sa kanyang parang lasog lasog niyang katawan. "Next time! I will choose Marco over you!" Makahulugan kong sagot na agad niyang naintindihan. "That's not what I meant! I'm grateful na ikaw ang naging doktor ko dahil inaalagaan mo akong mabuti. I feel like worth it ang gaagstusin ko kung ikaw ang doktor ko." Agad niyang kambiyo. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanyang sinabi o mapapisip ako. Mababaw din naman kasi ang kaligayahan ko eh! "Pwede namang ibang doktor ang inilagay mo sa kanya." Dagdag pa niyang saad na halos magpakilig sa akin. Pero ang aking kaligayahan ay naudlot sa biglang pagpasok ni Martha. "Levi!" Agad niyang sambit na puno ng pag-aalala ang kanyang tono at hindi man lang ako sinulyapan. "Martha? Kailan ka pa dumating?" Gulat na tanong din naman ni Levi. Sumimangot muna si Martha bago sumagot. "Noong nakaraang araw pa at nag aalala ako sa'yo noh! Hindi kayo nakakatuwa ni kuya!" Pabebe niyang sagot bago humalik sa kanyang noo at hawakan ang kanyang palad. Tila may kurot sa aking dibdib ang aking nasisilayan na hindi ko inaasahan. "It was an ambush Martha! Ambush na walang palagan. Sinwerte lang kami na may dumaang patrol car at mga grupo ng kabatan dahil kung hindi libing namin ang uuwian mo." Hindi ko alam kung pabirong sagot niya ang huling pangungusap pero nakakakilabot kapag totoo. "Huwag kang magbiro ng ganyan!" Umiyak niyang saad sabay hampas sakanya. "Aray!" Sambit ni Levi na hindi inaasahan ang kanyang inaasal. Hindi ko alam kung matutuwa ako o manantili pa ako kaya naman pinili kung umalis. "Hindi yun biro-" Pinutol ang sasabihin ni Levi sa pag-excuse ng aking sarili. "Maiwan ko muna kayong dalawa." Saad kong nagmamadaling tumalikod. Concern ako sakanya pero hindi ko inaasahan ang abnormal na inaasal din ng dibdib ko. Nakakabingi kasi ang kabog at parang gusto kong sabunutan si Martha at hindi magandang senyales yun. "Layda!" Tawag ni Levi sabay inabot ang aking kamay para mapatigil ako sa pag alis. Natulala si Martha na nakatingin sa kamay kong hinawakan ni Levi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD