Chapter 10

1065 Words
Sabina Pov... Simula nakita at nakilala ko si Marco ay wala ng magandang nangyari sa akin. Para yatang mabilis ang pagtanda ko dahil sa stress sa kanya. Tumataas lagi ang presyon ko kapag siya ang kaharap ko. Gaano ba kalalim ang sugat na nagawa ko sa kanya? Kung sana bibigyan niya ako ng tamang oras para makahingi ng paumanhin pero hindi eh! Nakakabwisit siya talaga! Hanggang kailan ko siya pakikisamahan dito kung kailan maraming gawain at pasyente na inaasikaso. Pagmamaktol kung pagmartsa palabas ng kanyang kwarto na siyang naabutan ni Kayla. "Hoy Sabina bakit ang haba nanaman ng nguso mo jan?" Panggugulat niya sa akin. "Naku huwag mo ng tanungin please lang Kayla!" Sagot ko sakanya palayo sa nilabasan kong room ngunit hinabol niya pa rin ako sakto namang may pumasok na magandang babae sa kanyang room. Wala sa aming sarili na sinundan namin siya at nakiusyuso. Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakikita at mabingi sa aking naririnig. Muntik pa akong mapahalakhak. Really! This annoying guy is interesting! Kanina lang para siyang tigreng nagfasting at hindi kinaya kaya naging mabangis. Pwede na siyang bigyan ng award sa pagiging dalawang mukha niya. Kung sana ganyan siya palaga ay nakakapagbigay ng good vibes eh kaso hindi! "Wow! Hindi lang pala siya gwapo kundi sweet at maalalahanin pa." Sambit ni Kayla na hindi mapigilan nanaman ang kanyang singit na hindi kiligin. Kulang nalang dumikit ang kanyang mata sa pintuan para hindi mapalagpas ang bawat minuto. "Ideal man!" Muli pa niyang dagdag na may pagkembot. Hindi talaga siya marunong mangkilatis ng mga lalaki na bolero at mananakit ng mga babae sa totoong lalaki na kayang panindigan ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig. Kaya siya nasasaktan eh! Mas pipiliin ko nalang na tumandang dalaga kaysa kiligin sa mga lalaking katulad niya. "Ideal man kung hindi siya isang mabangis na hayop. Kailangan mo yatang ipatingin ang iyong mata para hindi ka na mapapahamak sa susunod. Saka aanhin ko naman kung may itinatago siyang maitim na budhi! Huwag nalang!" Sagot ko naman bago tumalikod na umiiling iling. Minsan iniisip ko may dahilan ang kanyang galit na sa akin lang nabunton at nakanti ko sa maling lugar. Pinagsisihan ko talaga ang araw na iyon! Doon nagsimula ang sunod sunod kong kamalasan. "Sabina kahit kailan bitter ka! Paano ka magkakaroon ng boyfriend sa pagiging bitter mo at perfectionist." Angal niyang paghabol sa akin. "Sa'yo na siya Kayla at kahit siya ang natitirang Adam sa balat ng lupa pipiliin kong maging mara clara hanggang sa pagtapos ng aking hininga." Sarkastik kung sagot sa kanya. Haaisst! Gusto ko na siyang mawala sa paningin ko at siguradong hindi matatapos ang aming pagiging aso at pusa na baka mauwi pa sa sakitan. "Bakit naman hindi kung tipo niya ako pero hindi eh! Salamat nalang na kinakausap niya ako pero hindi kapag kasama ka. Anu ba kasi ang ginawa mo sa Adonis na 'yun!" Na-intriga niyang tanong. Kaibigan ko siya at alam niya ang lahat sa akin maliban sa katotohanan na tatay ko ang may-ari ng ospital saka ang maliit na hindi pagkakaintindihan namin ni Marco. Mabuti ng iwasan siya dahil sigurado mas malaking problema ang magaganap kapag nagpatuloy pa ang aming pagtatagpo. Pagbalik ko sa aking opisina ay agad akong nagbihis para makalabas. Pero sadya yatang hindi maganda ang mangyayari sa aking araw na ito dahil sinundan ako ni Layda at kinaladkad sa kanyang sasakyan. "Layda anu ba!" "Sabina, alam ko hindi ko dapat panghimasukan kung anuman ang naging alitan niyo ni Marco pero his anger towards you was not ordinary. This is the first time I saw him loss his temper." Makahulugang saad ni Layda. Malalim akong napabuntong hininga. Paano pa kaya kung malaman niyang malaki ang utang ng aming pamilya sa kanya na hindi kayang bayaran ng anumang halaga ng pera. "I'm sorry Layda but there are things I can't divulge to anyone. Just let this slide and I'll keep it myself." Pakiusap ko sa kanya. Tatanggapin ko ang usok ng galit niya kung talaga kasura sura ako sa kanyang harapan. "And Layda ikaw na ang magmonitor sa sakanya. Baka ako pa ang dahilan ng kanyang huling hininga. Hindi pa ako nakahanda sa bagay na yan!" Pahabol kung saad bago iwanan siya nung muli siyang sumagot. "Don't worry, he is stubborn. As we talk ay palabas na sila ng ospital. He insisted not needing of your signature as it's choice to recuperate at home." Pahabol niyang paliwanag. Kung hindi nga naman kukulo ang dugo mo. Bahala siya, buhay na niya yun. Ginawa ko naman ang best ko at higit sa lahat ligtas naman na siya sa kapahamakan. "Buti naman!" Maigsi kung sagot. Alam kung malaking palaisipan sa kanya katulad ni Kayla pero we are destined to be like this at ito pa lang ang simula ng lahat. "Sabina!" Tawag niya pero hindi na ako lumingon pa. May kabayaran talaga ang mga kasalanan at maling nagagawa sa buhay. Halos iuntog ko ang ulo ko sa pader. Akala ko maililihim ko ang lahat pero hindi ko na mapipigilan ang paggulong pangyayari na nadatungan ko pa. Nag-aalala ako sa aking kapatid kapag dumating ang panahon. Nagising ako kinaumagahan dahil sa ingay ng aking telepono. Anu ba yan! Ngayon na nga lang ako makakatulog ng mahimbing eh! "Hello!" Inaantok ko pa napagsagot. "Ate! Nasa airport ako ngayon? Nasaan ka na?" Excited na sagot sakabilang linya. Dumilat ang aking mata sa gulat. Airport? "Sandro!" Hindi makapaniwala kung sambit. "Ate pasundo ako. Andito ako ngayon sa airport. Kakarating ko lang. Sosorpresahin sana kita kaso natatakot magcommute eh!" Pakiusap niya. Kahit hindi naman siya makiusap sa akin ay susunduin ko siya kahit saan pa siya. "Sandro bakit ka biglang umuwi ka? Akala ko ba ayaw mo na pumunta pa dito?" Nag-aalala kung tanong sa kanya. Bakit parang nasisira ang maayos na naming pamumuhay? Kailangan ko na yatang dumalaw sa buddha para magdasal na sana manatili ang lahat sa kanilang ayos! "Gusto kitang sorpresahin sa birthday mo ate. Ilang kaarawan mo na ba na hindi ako nakakadalaw." "Okay! Huwag kang aalis kung nasaan ka Sandro. Papunta na ako jan." Pagsisinungaling ko para hindi na siya umalis pa kahit na magbibihis pa ako. Anu nanaman kaya ang naisip niya at bigla nalang siyang umuwi, imposibleng dahil sa birthday ko lang. Sinabihan kaya niya sina daddy na uuwi siya ngayon? Haaay! Pull yourself together Sabina. Something is yet to unfold and it's inevitable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD