Chapter 6

1109 Words
Levi Pov... Ang aming bakasyon dito sana ay magrelaks sandali pagkatapos ng sunod sunod na problema pero hindi namin inaasahan na kahit ang ilang araw na paglaya ay masasabotahe pa. Ang nakakainis ang nagsabotahe kakambal ni demonyo na si demonyita. Simula nakita namin ang doktorang yun kabikabilaan lalo ang disgrasya na dumarating. Nakakaubos ng pasensya at hindi mo talaga mapipigilan ang sarili mong huwag sumagot. Pero sa kompanya malakas ang kutob ko na nasa loob lang siya. Nakaisip na ako ng paraan kung paano masilo ang hudas at malas niya kapag nagkataon. Binigyan naman ako ni Marco ng signal eh! Naihanda ko na ang pa-in, nag aabang nalang ako ng tamang panahon para maisakatuparan. Sa kabilang banda naman. Mainit na nga ang ulo ni Marco dumadagdag pa ang doktora na yun. Sa pisikal na anyo wala talaga akong masabi. Maganda talaga siya at maakit ka pero ayaw ko sa ugali niyang judgemental. Aanhin ko naman ang kanyang kagandahan na sumisigaw kong sumisigaw din ang mabaho niyang pagkatao. She's too superior and aggressive. Pero sadya yatang nakatadhana rin siyang maging tinik sa buhay ni Marco. Mantakin mong kahit saan andun siya na may dalang bomba at ang masaklap pa naging pasas ang machete ni Marco. Pasas! Eh umaalingawngaw na nakakatakot ang kanyang machete eh! Hindi ko mapigilan ang hindi humagalpak sa tawa tuwing maalala ko ang kanilang mainit na tagpo. Hashtag pasas! Sambit ko habang natatawa. Bakat na bakat ang machete niya na kahit sino mapapatingin doon bago sakanyang mukha pero tinawag niyang pasas! Muli akong humalakhak. Bwisit na pasas yan! Tangi kong usal na nakangisi pa rin. Hindi ko namamalayan na nasa loob na pala si Marco na masama ang titig sa akin. Pwede ng maging barena ang kanyang matalim na mata. Napatayo akong bigla sa gulat dahil sa pagtama ng mabigat na libro sa aking ulo. Diyahe naman oh! Angil kong pagsapo sa aking batok. "Anak naman ng-" Hindi ko matapos na sabihin habang hawak pa rin ang masakit kong batok na tinamaan. "Anung nakakatawa na wala kang tigil kakahalakhak jan mag isa mo?" Kanyang angil na tanong. Pinigilan ko ang ngumisi at muling humalakhak. Pagkakita ko palang sakanya ay natatawa na ako pero kailangan kong pigilan pero kung hindi ko mahal ang buhay ko ibuwelo ko na. Damn it! That's why they call him beast! Could he just smile a bit and make it happier. I cried silently. Bulong ko sa aking sarili dahil sa seryoso pa rin niyang mukha. "Ah wala naman Marco. May nabasa lang ako na tweet knina. Nakakatawa kasi, mahirap naman pigilan ko baka magkasakit pa ako." Pagsinungaling kong sagot na pigil ang huwag pagbungisngis. Mapapahalakhak ka naman kasi kapag ikaw makarinig tapos titigan mo si Marco. Ewan ko nalang. "Anung klaseng tweet ba yan na kailangan ng paghalakhak at pagtambol ng mesa!" Ayaw din niyang sumukong tanong. "Huwag mo ng alamin Marco. Hindi ka rin naman marunong ngumiti o tumawa." Pagbalya ko sa kanya. "Levi hindi ako tanga para maloko mo jan ha! Kilalang kilala kita!" Angil niyang sagot. Oo at kilala rin naman kita na walang sinasanto eh. "Isang tweet nga tungkol sa mag-asawa." Sagot ko na hindi mapigilan ang tinitimpi kong pagtawa. "Levi kong ayaw mong ipasara ko ang law firm mo ay umayos ka! Gumayak ka na jan at may kakausapin tayong tao ngayon. Huwag puro nag iimagine ang gagawin mo." Kanyang inis na banat na saad. Muntik ako mapabungisngis at bigla siyang lumingon ulit. Akala niya siguro pinagtripan ko siya. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yun, unless diko mahal ang buhay ko. Bwisit naman kasi ang bruhang yun! Kota na kay Marco eh! "Sino at saan?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko kilala pero may-ari daw ng isnag ospital. Yung may-ari na mismo ang kumontak sa akin eh. Puntahan natin para malaman kong totoong kliyente at hindi drawing." Sagot niya. Ang akala pa naman namin dahil lagi kaming nasasabotahe ay wala na kaming nakukuhang mga kliyente eh! Hindi lang kasi sabotahe sa aming warehouse ngayon ang ganap kundi pagsulot sa mga bigating kliyente. Ang mga baguhan nasusulot na pero hindi ang mga matagal ng nagtiwala kay tito at alam ang kakayahan ni Marco. Hindi pa naialabas ni Marco ang buong pangil niya kaya sila malakas ang loob. Ewan ko nalang kapag nahuli na sila! Pagdating namin sa restaurant ay hindi ko inaasahan ang taong makakausap namin. Sabi ko na nga ba eh, may mali na biglaan kaming kinontak samantalang kasagsagan palang ng huling incidente. Inaayos palang ang insurance sa isang warehouse na basta nalang umusok at sumabog sa kalagitnaan ng gabi. "What the f*ck!" Nabitawan na salita ni Marco saktong paglingon ng lalaking kaharap niya. "Sigurado ka bang sila ang kakatagpuhin natin?" Hindi makapaniwala kong saad. Bago pa siya makasagot ay tinawag siya ng lalaking kausap niya. "Marco Tolentino!" Tawag ng may edad na lalaki at halatang hindi siya ordinaryong tao. "Mister Eduardo?" Paninigurado ni Marco. Natigilan ang babae at tumingala mula sa pagkakayuko na may sinusulat. Nagtama ang aming mata at lumaki ang kanyang mata pagkakita sa amin lalong lalo na nung makita niya si Marco na nakatiim bagang. "I am! I heard you are in Cebu and want to grab the chance to close a deal with you." He directly implied. Just like how Marco deals with business. Bakit ka nga naman magsasayang ng bawat segundo. "Hindi ko akalain na ang Eduardo Hospitals ay metikuluso at mabait na may-ari. Pleasure to meet you and do business with you.' Magalang na sagot ni Marco kahit sa gilid ng kanyang labi at sulok ng kanyang mata ay umuusok sa inis. "I'm on vacation as well pero naisipan ko maisingit at magiging abala na ako pagbalik ko ng Maynila." Paliwanag naman ng batikan na doktor. Hindi ko aakalain na doktor pala ang bago naming kliyente. Ngumiti si Marco. "No problem sir. I do business anywhere as well." Sagot naman ni Marco na handang makipagnegosyo sa kanya. Hindi alintana ang doktora na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Tumawa ang doktor bago ulit sumagot, "That's why I want to do business with you." Galak na sagot ng doktor. "And please to meet one of my best surgeons in our hospital. Visit us sometime and we are ahppy to serve you!" Pagpapakilala na may ngiti at proud sa kanya. Gusto kong maubo sa sitwasyon. "We meet again!" Simpleng sagot ni Marco na hanggat maaari ay ayaw niya sanang pagtuunan ng pansin pero hindi maiiwasan. Kung bakit siya ang kasama ng may-ari hindi ko masagot pero hindi naman namin pwedeng bastusin. "Hi!" Simpleng sagot naman niya na kung pwede lang umiskapo ay kanina pa siya nawala sa aming harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD