Sabina Pov...
Nanggagalaiti ako sa inis na nakatitig ng masama kay Marco. Walang hiya siya talaga! Himutok kong inis na inis.
Pasas! Ulit kong saad na pulang pula ang aking mukha. Hindi ko naman kasi aakalain na siya ang makakabangga ko ulit. Bakit ba kasi palagi siyang nasa lugar kung nasaan ako! Bwisit na bwisit kong inis na himutok.
Sabina baka siya ang may ari ng hotel o VIP kaya huwag ka ng angal nang angal jan! Iwasan mo na lang ng todo todo. Katos ko naman sa aking sarili.
Naku Marco Tolentino! Andito ako para magrelaks hindi para mabwisit at mastress dahil sa kumag na katulad mo. Gusto kong isigaw na masama pa rin ang tingin sa kanila. Hindi lang ikaw ang hindi natutuwa na makita ka. Akala mo naman kagustuhan kong makita siya!
Kahit magsaklob ang langit at lupa hindi kita gustong makita at magugustuhang makita! Pag atungal kong reklamo habang naglalakad pabalik sa hotel. Balik nalang ako ng Maynila. Masydong masikip ang lugar namin dito baka kung anu pa ang mangyari na hindi niya magugustuhan.
Kung hindi siya masaya at natutuwa sa aking pagmumukha, well feelings are mutual. Hindi porket gwapo siya ay basta nalang niya akong ginaganito. Walang amor sa akin ang kanyang kagwapuhan na yan! Aanhin ko naman ang sumisigaw niyang kagwapuhan. Hindi ko naman ikakayaman at ikakabusog.
Ito na talaga ang una at huling makikita ko siya. Ngitngit kong bulong sa aking sarili paakyat sa aking inuukupa na kwarto at nagmadaling nag impake nung tumawag si daddy.
"Sab sweetheart." Saad ni daddy.
"Yes dad. Andito pa ako Cebu ngayon pero I am planning to leave tonight." Sagot ko sa kanya.
"Oh, sweetheart. I need help a bit tomorrow. Can you stay a little longer? Leave after my meeting." Dad enunciated. I wanted to have time with him again so I decided to stay for a while. Helping him would not kill me.
"Sure dad! See you tomorrow." I replied. Muli akong pabagsak na humiga sa kama.
Kinabukasan ay nagbihis ako ng maayos at kaaya aya para sa meeting ni dad. Muli kong sinipat ang aking sarili sa salamin kung mukha naman ba akong presentable para hindi mapahiya si daddy pero hindi ko aakalain na ang taong kikitain niya ang hudas na hindi ko gustong makita kahit kailan. Bakit sa dinami naman ng taong gustong makasosyo sa negosyo. Wala na bang mahanap si daddy na ibang supplier? I saw his company's profile and he was really an outstanding man to do the business.
Hindi lang ako natulala pagkakita sa kanya, parang naparalisa ang aking buong katawan. Kilala ko si daddy kapag kinausap na niya ibig sabihin hindi na siya maghahanap ng iba at tiwala na siya sa kanya. Umurong talaga ang dila ko na hindi nakapagsalita agad kundi a simple hi should suffice.
Nakita ko pa kung gaano siya lumunok ng ilang beses na pinipigilan ang kanyang pangil na umangil dahil sa akin. Pagkatapos naming umupo ay nagpatuloy ang kanilng usapan habnag kunwari binabasa ko ang kontrata kahit kanina ko pa nabasa ng ilang ulit. Wala akong makikitang diskumpyiado at problema kundi ang tao mismo na kaharap ko ngayon na pigil na pigil ang kanyang pagka inis at pilit ang bawat ngiti.
Pagkatapos ng masinsinang usapan ay nagkamay silang muli bago nagpaalam si Marco at tinanggihan ang alok ni daddy sa kagustuhang umiskapo sa aking harapan. Kung naalibadbaran siya ay ganun din sa akin. Anung tingin niya sa akin kagustuhna ko ito? Kung pwede nga lang ibalik ang oras ay tinanong ko sana si daddy kung sino ang pinagkatiwalaan niya plaibhasa tiwala na ako sa kanya kaya hindi ako nagtatanong.
Pagkaalis nila ay agad kung tinanong si daddy kung paano niya nakilala si Marco at nalaman ang tungkol sa kanya.
"Dad how did you know about him?" Agad kong tanong. Ngumiti si daddy na payapa ang kalooban.
"Sa ninong mo. Ang tatay niya ang dating kausap ni Nilo sa kanyang kompanya na ngayon ay siya na ang namamahala simula namatay ang una niyang asawa. Sa kagustuhan ni Marco na manatili ang kredibilidad at pang respeto sa kanyang ama ay nanati;i ang pangalan ng kanyang ama." Mahabang paliwanag ni daddy. In fairness, may pagkabusilak pala ang kanyang puso. Totoo kaya o pagbabalat kayo lang?
Sabina huwag kang masyadong anu jan dahil wala naman siyang ginagawa sa'yo! Katos ko naman sa aking sarili na masyadong naging apektado sa kanya. Umismid akong yumuko muli para ipagpatuloy ang aking pagkain.
"You know what sweetheart, I like him!" Biglang saad ni daddy na nakangiti pa talaga.
"What!" Gulat kong pagbulalas na pagluwa ng aking naisubo na kanin.
"Sabina my dear, he is a good man. Magiging kampante at masaya ako kapag siya ang mapapangasawa mo. You'll be untouched to this cruel world." Hirit pa ni daddy na nagpakilabot sa king buong katawan.
"Dad may asawa na siya saka isa pa kaya kong protektahan ang aking sarili. Finding a man, I'm not in a hurry dad! Taht man will come by unexpected." Pangongontra kong sagot sa kanya. Halos isuka na nga niya ang pagmumukha ko eh, saka isa pa hindi kami pwede. Hinding hindi pwede!
"No! No darling! Hindi mo ba nakita at napansin ang kanyang mga tngin sa'yo. He's interested with you." Pilit na sagot ni daddy kamuntikan kung malunok ang kutsara sa kanyang sinabi. Interested? Siguro, interesadong sakalin sa inis.
"No dad! Mali ang pagkakabasa niyo sa kanya. Those stares wasn't he likes me. Kilala mo naman ako daddy. Boyish and too straightforward. He can't handle me." Pilit kung pagdahilan dahil baka mamaya iset-up niya kami sa blind date at hindi ko mauurungan.
"Sabina you are already thirty-five and need to start your family with your own. Hindi habang buhay andito kami ng mommy mo and your brother can handle himself as well." Diin ni daddy. Hayan nanaman siya sa pag aasawa. Hindi ko pa kasi nakikita ang lalaking magpapatibok ng aking puso ng abnormal eh! Hindi ko pa nararamdaman ang tinatawag nilang butterflies in your stomach!
"Daddy namin eh! Hayaan niyo may ipapakilala din akong nobyo sa inyo pero hindi si Marco dad. Huwag na nating gambalahin ang buhay niya." Pakiusap ko sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata at binabasa kung anu ba ang dahilan na bakit pilit akong nagdadahilan sa kanya.
"I know you Sabina, when you are hiding something from me. What happened? He said we meet again." Sumeryosong tanong ni daddy. Gusto niya talaga si Marco para sa akin kaya hindi siya susuko.
Anu ba ang nakita niya kay Marco para maging ganito siya na hindi ko nakikita. Ang nakikita ko kasi sa kanya ay ang kanyang pagiging maangas at ewan ko!