Chapter 8 The Accident

1126 Words
Kayla Pov... Hindi lang ako ang nagulat noong sinabi ni Sabina na nagfile siya ng vacation leave. It was sudden dahil mas gusto niya dito sa ospital kaysa magliwaliw pero ikinatuwa pa rin ng board at pinayagan siya kahit isang buwan pa daw. Biniro din siya na bawas sa babayaran nilang mahal niyang talent fee. Miss ko na ang kaibigan ko pero kailangan niya ito para magkalovelife na siya pero hindi ko inaasahan na abablik siyang mas malala pa ang hitsura bago humingi ng bakasyon. "Sabina anu ba kasi ang nangyari huh! Hindi ba dapat maaliwalas na ang mukha mo at higit sa lahat maraming kang dalang magandang kwento at pasalubong? Cebu na yan eh!" Atungal ko sa kanya. Simula pa kasi siya dumating dito sa bahay ay wala na siyang ginawa kundi ang bumuntong hininga ng malalim at magmura kasama ang sambakol niyang mukha. "Huwag ka ng magtanong Kayla at ayaw kong balikan ang pesteng bakasyon ko na ito. Minsan na nga lang magbakasyon pero minalas pa." Singhal niyang sagot na talaga namang pwede ng bilangin ang wrinkles sa kanyang mukha kapag kumunot noo siya. "Bakit naman hindi baka may maitulong ako saka bakit simpait pa ng pinagsamang ampalaya at kamyas ang mukha mo?" Pamimilit kong sagot. "Kasi imbes na mahrelaks ako sa isa sa mga pinakamagandang hotel doon ay hindi. Walang araw na hindi ko ginustong sumibad pabalik ng Maynila, Kayla." Mahaba ang nguso niyang sagot at halos lumaki ang butas ng kanyang ilong. "Hahaha. Bakit naman Sabina? Minsan ka nga lang magbakasyon tapos babalik kang hindi man lang nakapagbakasyon ang hitsura." Kantiyaw ko sa kanya. "Yun na nga eh! Kaso kapag minamalas ka talaga wala ka ng magagawa. Anyway nasa mga pasalubong mo at daanan mo ako bukas sa bahay. Wala akong gana magmaneho at baka makadisgrasya pa ako." Pagbuntong hininga niya muling sagot bago ituro ang dala niyang bag kanina. Nagulat kami pagdating namin sa ospital na puno ang lobby ng mga tao. Nagkakagulo ang mga staff at doktor sa emergency. Wala nga palang nakakaalam na ngayon ang balik ni Sabina. Hindi na nagbihis si Sabina at tumakbo sa emergency room saktong pagsalubong ni Layda sa kanya. "Sabina oh my god! Are you back?" Tanong niya sabay bigay sa kanya ng hawak niyang chart bago binalikan ang isa pang pasyente. Lumaki ang mata ni Sabina pagkakita sa chart. Dinampot ko ang hawak niya at binasa ang pangalan. "Sabina, what are you doing? The patient will die if you will just stare there." Sita ni Layda dahil nakatayo pa rin si Sabina. Hinila ko siya papunta sa kanyang opisina para makapagbihis at makapaghanda sa surgery. Nabasa ko ang chart at talaga siya ang kailangan hindi si Layda. "F*ck!" Maigsi at mahinang usal ni Sabina. The name on the chart was familiar. Natapos din ang surgery niya at agad kaming sinalubong ng kanyang pamilya. "Doktor!" Agad na tanong ng medyo may edad na babae. "He is safe for now at mamaya lang pwede na siyang ilipat sa kanyang magiging kwarto." Sagot ni Sabina na walang paligoy ligoy. Pagkarating namin sa kanyang opisina ay pasalampak siyang umupo sabay sipa sa kanyang sapatos. Kapag makita siya ng iba sa kanyang inaasta iisipin nilang namamagitan sa kanila. Si poging masungit lang naman kasi ang pasyente niya ngayon. "Isinantabi ang sama ng loob at inooperahan si masungit na pogi. Ikaw na talaga sabina kaya ka binansagan ng Miss Knight eh!" Pagpalakpak kung saad pero isang nakakatakot na titig ang ipinukol sa akin. "Kayla tigilan mo ako habang tao pa ang tingin ko sa'yo." Singhal niya. "Sabina kulang ka lang sa dilig kaya nalulugaw na utak mo. Anu kaya nangyari sa kanya? Napakaimposible naman na hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. Sa'yo nga wagas na wagas eh!" Panggagatong ko pa. Hindi kami umuwi at nanatili sa osptital para mamonitor siya at ang isa pang naopera dahil sa kamuntikang mamatay dahilsa durog na bubub sa loob ng kanyang tiyan. Hinayaan ko matulog si Sabina habang ako ang nagbantay at nagmonitor. Pagkagising ni Marco ay nagwawala at hinahanap ang taong nagngangalang Levi. Doon ko lang napagtanto na ang lalaking maraming bubog sa tiyan na unang inasikaso ni Layda ay si Levi ang matalik niyang kaibigan. "Sir huminahon po kayo. Nasa tamang kalagayan na po si sir Levi. Successful ang operation at nasa kabilng kwarto lang po siya." Sagot ko sa kanya pero katulad ng nauang tagpo dito. Hinugot ang kanyang dextrose at gustong bumaba. Kailangan daw niyang makita ito. Hindi ba niya nararamdaman ang sakit sa kanyang katawan? Naopera din kaya siya! "Sir!" Bagsak ang balikat kung pagpigil sa kanya na siyang pagpasok ni Sabina na hindi natutuwa sa nakikita. "Sir, magpagaling po muna kayo bago niyo intindihin ang ibang tao." Singhal ni Sabina na hindi niya ikinatuwa. "Ikaw! Lagi nalang bang ikaw! Ikaw ang dahilan ng aming kamalasan. Kahit saan nalang andun ka!" Halos puputok ang ugat niyang sambit pagkakita kay Sabina. Kapwa kami napanganga ni Sabina sa gulat sa kanyang tinuran. "Sir, this is my workplace, and sad to say they brought you here. As much as you don't want me in your sight the feeling is mutual. So please, Mr. Soledad hold your horses and recuperate so you can leave right away." Maanghang na sagot ni Sabina. Nakatitig nalang ako sa kanila na hindi maintindihan kung saan ang ugat ng kanilang sagutan na mukhang may laman. "Look Miss Arrogant woman, I dont want you in my room at kahit ikaw nalang ang natitirang doktor sa balat ng lupa hindi ako hihingi ng tulong sa'yo. This is a f*cking big hospital just to keep on seeing you!" Palaban na sagot ni Marco na pinipilit bumangon. "I'm sorry to disappoint you Mister Soledad but I am in-charge dahil ako ang nagsagip sa buhay mo!" Palaban na sagot ni Sabina sabay tulak siya pabalik sa kanyang kama at muling ibinalik ang hinigit na dextrose niya. "Sab!" Saway ko sa kanya. Sa lalaking ito ko lang talaga nakita pagkawala ng professionalism at coolness ni Sab. Were friends since high school at never siya nagpaapekto sa kanya. Daig pa nila ang dating magkasintahan kung magsinghalan na may puno't dulo ang pait at anghang ng bawat katagang lumalabas sa kanilang bibig. "Monitor him and if he insists on doing what he wants then give him a tranquilizer or igapos mo para hindi na kumahol nang kumahol na parang isang ulol na aso!" Utos ni Sabina na nagpalaki sa aking mata at pagbuka ng aking bibig sa gulat. "What!" Tangi kong pagbulalas pero nakalabas na si Sabina samantalang umuusok sa galit si Marco na hindi nakakatulong sakanya para dumugo ang kanyang sugat. This is unlikely of her! Masisigurado kong kahit sino dito sa ospital magugulat dahil si Sabina ay strict, prompt at laging compose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD