chapter 4

2439 Words
--¿Comusta si Proper?, ang tanong ni cabezang Angi.   --¿Ano, po, ang lagay ni Próspero?, ang tanong ni Pili.   --¿Mabuti, baga, ang bahay na quinatitirahan?, ang ulit ni cabezang Maria.   --¿Hindi, pó, caya natatacot siya sa Maynila?, ang bagong tanong ni Felicitas.   --¡Maca, pó, siya,i, magcasaquit doon sa quinatitirahan!   --¿Nacausap mo, baga, ang caniyang _Catedrático_?   --¿Inosisa, pó, ninyo ang ugali nang caniyang _casera_?   Ito at iba pang lubhang maraming mañga tanong na pauang bigla at patong-patong, ang guinaua nang mag-ina ni Pili sa canilang asaua,t, ama, na si cabezang Dales baga, nang itong si Dales ay doroon pa sa _calzada_.   Sinagutan ni don Andrés ang lahat na mañga tinuran cong tanong nang mag-ina ni Pili; at polus na maigui, at polus na caaliu-aliu ang isinagot at ibinalita sa canilang tungcol cay Próspero, at ang uica pa ni Dales sa canila:--Houag ninyong alalahanin si Proper, at mabuting-mabuti ang caniyang lagay.   Malaqui ang toua ni cabezang Angi nang mariñgig ang sinasalita nang caniyang asaua; datapoua,t, ang loob ni Felicitas ay hindi mapalagay-lagay.   At saan di magcacagayon? Binasa niya sa mañga libro, na ang mañga anac, na malayo sa mata nang magugulang ay ang cadalasa,i, napapahamac at nauaualan nang cabaitan, at itong bagay na ito,i, siyang inaalaala niyang palagui arao at gabi; at siyang pinañgañgarap niya sa pagtulog, na hindi maalis-alis sa caniyang calooban itong pag-aalaalang ito.   Caya, magmula nang lumuas si Próspero, ay dinagdagan niya,t, dinagdagan ang caniyang mañga dating panalañgin, at ang hinihiñgi niya sa Pañginoon Dios, ay iligtas at iadiya niya ang caniyang capatid sa dilang masasama.   Nang maguing dalauang buang buhat nang pag-alis ni Próspero dito sa bayan, ay may dumating sa Tribunal isang sulat, na galing sa _correo_, at ang nababasa sa _sobre_, o sa taquip, baga, nang sulat ay ganito:--Distrito de Morong--A la señorita doña Felicitas Baticot en el pueblo de Tanay.   Nagtauanang di hamac doon sa Tribunal ang mañga _oficiales_, ang mañga bantay, ang mañga _cuadrillero_, at ang iba,t, ibang tauong naroroon sa Tribunal, pagcabasa ni _testigong_ Carlos, (iñgatan nang Pañginoong Dios), ang _sobre_ nang naturang sulat, at ang uica nang isa,t isa:   --¿Sino, caya, itong señoritang bagong litao dito sa ating bayan?   --¿Sino, baga, itong mahal na Princesang natatago dito sa atin?   --¡Tayo pala, ang sigao nang isang matanda na _Capitang_ pasado, na ang ñgala,i, Pedrong Ilag, tayo pala,i, mahal ding tauo, at mayroon tayong mañga cababayan na mañga señorita!"   At itong mañga salitang ito,i, sinundan pa nang marami at sari-saring casistihan at capusoñgang di co sasabihin, palibhasa,i, mapag-uauari-uari rin nang capoua cong tagalog, at nang sinomang nacaquiquilala nang mañga ugali at asal naming mañga tagalog.   Nang macalipas-lipas na ang canilang pagtatauanan at pagsisistihan, ay ipinadala nang _Alguacil mayor_, na si Gabriel ang pañgalan, ang nasabing sulat doon sa pinadadalhan.   Si cabezang Dales ang pinag-abutan nang bantay nang inulit na sulat; at nang basahin ni Dales ang nasusulat sa _sobre_, ay agad-agad iniabot cay Felicitas, ang uica,t, sigao:--¡Pili! ¡Pili!; parini ca; cunin mo; itong sulat ay para sa iyo: madali ca at basahin mo, at _seguro,i_, sulat nang capatid mo.   Nang mabasa ni Felicitas ang natatala sa taquip nang sulat, nang mabasa niya, anaquin, ang uicang: _Señorita_:--ay sumamang lalo sa dati ang caniyang calooban; nguni,t, hindi ipinahalata niya sa caniyang magugulang; cundi binuclat niya ang sulat at binasa sa harap nila. Ang laman nang sulat ay ganito:   Pagcabasa ni tandang Basio itong mañga sinusundan na salita, ay tiniclop niya ang casulatan, at ang uica niya sa aquin:   --Ito póng mañga sulat ni Próspero at ni Felicitas na naquiquintal dito, at aquing babasahin, ay tunay na tunay na mañga sulat nang naturang magcapatid, na isinalin dito nang tatay co, na ualang culang at ualang labis. At nang cayo, po,i, maniuala dito sa aquing sinasalita, ay sasabihin co, pó, sa inyo, na si Felicitas ay pamanquin sa pinsang boo nang tatay co; na sa macatouid, baga, si cabezang Angi ay pinsang boo nang aquing ama; at palibhasa,i, silang dalaua nang tatay co at ni Felicitas, ay nagkakaisang caloobang tungcol sa pagpapaluas ni cabezang Andrés cay Próspero sa Maynila; ay ipinaquiquita ni Felicitas cay tatay ang balang isinusulat niya cay Proper, at sa caniya. Caya, pó, ualang ibang guinaua ang tatay co dito, cundi magsalin nang magsalin nang nasabing mañga sulat, ñg ipaquita sa caniya ni Pili.   At cung caya naalaman din nang aquin póng tatay ang laman nang sulat ni cabezang Angi, at ang casagutan sa caniya ni Proper, (na dito rin babasahin co); sapagca,t, ipinaquita naman ni Pili sa tatay co, niyong ipagbili ni cabezang Angi ang lahat na mañga pag-aari nilang mag-ina, na dito ring sinasalaysay.   --¡_Demasiado_, pó, cayong _delicado_!, ang sagot co cay tandang Basio sa uicang castila,t, tagalog: ¡Demasiado, pó, cayong _delicado_! Cayo, po,i, bumasa nang bumasa, at malaqui, pong, totoo ang nasa cong maalaman ang caouian niyang _historiang_ binasa ninyo.   Itutuloy co, pó, ñgayon din, ang uica nang matanda. At cung caya aniya, sinaysay co, pó, sa inyo itong mañga bagay na ito, ay maca sacali,t, ang isip, pó, ninyo, na pauang casinuñgaliñgan ang aquing binabasa, bago-bago,i, pulos na catotohanan ang nalalaman dito, at aco rin ang sacsi nang lahat.   --Ituloy, pó, ninyo, ang utos co sa aquing caibigang matanda, ituloy, pó, ninyo ang pagbasa niyan, at para-parang pinaniniualaan co ang lahat na nasasaclao riyan.   --Salamat, pó, ang ganting uica sa aquin ni tandang Basio: at itinuloy niya ang caniyang binabasa, na ganito baga:   --Ang laman, pó, nang nasabing sulat ni Próspero ay yari:       =_UNANG SULAT NI PROSPERO_=   Minamahal, na ualang casing mahal na capatid cong Pili. Ayon sa pañgaco co sa iyo, ay sumusulat aco ñgayon sa iyo, nang matalastas mo ang aquing calagayan, at ang paquiquiramdam co dini sa Maynila.   Bagay sa calagayan co,i, maiguing-maigui ang aquing lagay. Tatlo caming magcacasamang _estudiante_ ang natitira dito sa bahay na ito: ang isa,i, taga Paco, ang isa nama,i, taga Bulacan, at saca aco; na cung pagmasdan mo cami ay tila cami mañga tunay na magcacapatid. Cung ano ang _gusto_ nang isa,i, siyang gusto naming lahat, na sa macatouid: ayon-ayonan cami sa lahat nang bagay.   Pangagáling namin sa _clase_, ay lumalayao-layao cami nang caunting oras sa mañga _calzada_ at sa mañga _paseo_; at cung minsan ay napaparoon cami sa mañga pagsasayauang bahay, na dito sa Maynila,i, marami.   Ang aming casera,i, mabait na mabait, at maamong-maamo, at bihirang-bihirang nagagalit. Umaayon siyang palagui sa _cagustuhan_ naming tatlo, at cung sacali,t, cami ay cagalitan nang caniyang _santulon_ na asaua, ay siya ang aming tagapagtangol.   Bagay naman sa aquing paquiquiramdam dito, ¡ay caguilio-guilio cong capatid! Ang masasabi co sa iyo, na ang damdam co,i, aco ay isang _pobreng_ bulag, na ñgayon, ngayon lamang nacamulat nang mata.   Caya, nang aco,i, bago pa dito sa Maynila,i, pinagtatauanan acong parati nang aquing mañga casama, sapagca,t, palaguing aco,i, namamañga sa aquing paglacad. ¡Uala acong di pinagtatachan, uala acong di quinatitilihan! ¡Ang mañga _almacen_, ang mañga _tindahan_; ang mañga _castila_, na sari-sari ang soot at pañguñgusap; at sa catagang uica, ang lahat-lahat na mañga bagay-bagay, na naquiquita co,t, napapanood co dito,i, para-parang pinagtatac-han co!   Datapoua,t, ñgayon, ay iba na ang aquing caisipan, at iba naman ang calagayan nang aquing loob. Ñgayo,i, naquiquita co, na dito sa Maynila,i, naririto ang _civilizacion_. Ñgayo,i, naquiquilala co, na ang ating mañga ugali diyan sa ating bayan, ay malayong-malayo sa mañga ugali nang tauong _civilizado_. Caya ang pananamit, ang pañguñgusap, ang paqiquipagcapouatauo, ang mañga quilos, at ang iba,t, iba pang asal nang mañga tagarito,i, malayong-malayo sa naquiquita nati,t, inaasal diyan sa canitang bayan. Ano, pa,t, cung sa aquing pagcatalastas ñgayon, ay añgat na añgat tayo sa mañga dapat asalin nang tauo dito sa lupa.   Houag cang magalit, Pili, dahilan dito mañga sinasalita co sa iyo. Cung icao sana,i, macaluluas, at macapagmamasid ca nang mañga asal nang mañga tauong taga rito sa Maynila, ay segurong-segurong sasabihin mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi casinoñgaliñgan.   Inaantay co ang casagutan mo. Cung sa ganang aquin, ay ipinañgañgaco co sa iyo na maalaman mo rin sa mañga sulat co, ang aquing isinasaloob na lahat.   Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang mañga camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.       Malaquing-malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,t, saya nang mag-asaua ni cabezang Dales, nang mariñgig nila ang napapalaman sa sulat nang canilang anac na si Próspero. Minamariquit nilang totoo ang mga sinasalita roon ni Proper; at ang isip nila baga,i, nacarating na ang canilang anac sa cataluctucan nang carunuñgan. Caya, habang binabasa ni Felicitas ang naturang sulat, ay ualang lagot ang agos nang canilang luha at ang tulo nang canilang lauay, gaua nang malaquing toua nang canilang puso, at lalong-lalong lumaqui ang buhos nang canilang luha at lauay, nang basahin ni Pili yaong mañga uicang _civilizacion, civilizado_ at iba pang mañga uicang castilang nahahalo roon sa sulat.   Tumutulo ring di hamac ang luha ni Felicitas habang binabasa niya ang sulat nang caniyang capatid; datapoua,t, itong luha ni Pili ay hindi galing sa toua, cundi sa malaquing calumbaya,t, capighatian nang caniyang loob.   Ay baquit caya ganoon?, ang itatanong sa aquin marahil nang mañga bumabasa nitong casulatan. Baquit caya ang iquinatotoua nang magulang ni Próspero, ay siyang icalulumbay nang caniyang capatid?   Sasaysayin co, sa aquing macacayanan, itong mañga bagay na ito.   Ang mag-asaua ni cabezang Dales, baga man mababait na tauo, at mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata nila,i, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas; _magcompisal_ sa panahon nang _Santong cuaresma, magrosario_ na gabi-gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay tinutucoy nila,t, sinasamantala sa _pagtatrabajo_ at sa paghanap nang pagcabuhay. At liban dito,i, uala na.   Hindi sila bumabasa-basa nang mañga _libro_; hindi sila palamasid sa tauo; hindi sila marurunong na maghihinala sa capoua tauo: at paniualain silang totoo. Ano pa,t, hindi marunong na cumutcot at humanap sa ilalim nang manga salita nang tunay na cahulugang natatago sa licod nang manga paimbabaong uica. Ang balat lamang ang canilang tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. At nang sabihin co sa catagang uica: ang mag-asaua ni cabezang Andrés ay sila ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga _tauosa una_.   Caya, nang mariñgig nila ang laman nang sulat ni Próspero, ay lubos na lubos ang canilang paniniuala, na ang canilang anac ay nacapag-aral na nang marami sa Maynila, at hindi mandin dumaan sa canilang pag-iisip ang paghihinala ó ang pagdidili-dili man lamang, na maca sacali,t, sumama ang asal ni Próspero doon sa Maynila.   Subali,t, si Felicitas, na bucod sa cabanalan, ay pinagcalooban din nang Pañginoon Dios nang isang matouid at matalinong isip, at nang isang matalas na pag-iisip, ay naquilala niyang capagcaraca, at hinañgo niyang agad doon sa mañga salisalita ni Próspero sa caniyang sulat, na ang caniyang capatid ay lumilihis na sa matouid na daan, ó cung sana sa lumalacad, ay tumutungtong sa mañga lanay ó cumanoy. At baga man pinaglalabanan ni Pili at iniuauacsi itong masamang cutog nang caniyang loob, ay hindi rin mapagpag-pagpag niya.   Dahilan dito,i, umiiyac siyang palagui, at hindi macacain nang mahusay, at hindi macatulog nang mahimbing, caya yumayat siya,t, namutla nang di hamac; at sa di matiis na niya itong gulo nang caniyang isip at loob, ay naparoon siya sa aming Padre Cura.   Itong si Felicitas ay mahal na totoo sa aming Cura, hindi alang-alang sa cagandahan nang catauoan ni Pili, (si Felicitas ay hindi maganda, bagcus may capañgitan), at hindi naman alang-alang sa ano pa mang bagay, na may cahalong paquinabang, cundi alang-alang lamang sa cabutiha,t, cagaliñgan nang caniyang caloloua. Caya, nang matanao nang aming Cura si Felicitas, at nang mapagmasdan ang caniyang catuang anyo, ay sinalubong siya sa cabahayan nang convento, at binati nang gayon:   --Ano, baga, iyan, Pili? Ano,t, icao,i, namumutla at nañgañgalumata? Icao baga,i, nagcasaquit?   --Uala, pó; ang sagot ni Felicitas uala, pó, acong anomang caramdaman, aua nang Pañginoon Dios; at cung caya, pó, aco,i, naparito sa inyo, sapagca,t, mayroon, pó, acong ipaquiquita sa inyong isang sulat ni Próspero.   --Sumulat na pala sa inyo iyan layas na iyan? ang masayang tanong nang Cura.   --Oo, pó.   --At ano ang laman nang sulat?   --Iba,t, iba, pó; at cung caya ipinaquiquita co po, sa inyo,i, nang maalaman co sa inyo póng mahal na labi ang totoong cahulugan nang mañga sinasalita ni Próspero. Ito, pó, ang sulat; inyo, pong básahin.   Dinampot nang aming Cura ang sulat sa iniabot sa caniya ni Felicitas, binuclat niyang tuloy, binasa nang dahandahan at tiniclop uli; at bago siya macapag-uica nang anoman, ay tinanong siya ni Felicitas nang gayon.   --Ano, pó, ang inyong tiñgin diyan? Ano, pó, ang inyong sapantaha diyan sa sulat na iyan? Ipinamanhic co, pó, at ipinag-aamo-amo co póng totoo sa inyo; na cung mangyayari sa inyo póng mahal na calooban, ay sabihin, pó, ninyo sa aquin ang tunay na cahulugan nang laman niyang sulat na iyan, na nacagugulong totoo sa aquing loob at bait, buhat nang dumating sa aquing camay at basahin co.   --Umupo ca muna, ang uica nang Cura, umopo ca muna, Pili, dini sa _banco_, sasabihin co sa iyo ang aquing sinasapantaha dito sa sulat na ito.   Naupo na si Felicitas sa _bancong_ itinuro sa caniya, at tuloy nag-uica ang aming Cura nang ganoon:   --Itong sulat na ito nang capatid mong si Próspero, ay cung basahin nang paimbabao; ó basahin caya nang mañga hindi nacacaalam nang mañga ugali ninyong mag-ama at magcapatid; ó basahin baga nang mañga hindi nacapagmasid nang asal nang mañga tagalog; ó basahin caya nang mañga tauong ualang sariling pag-iisip; ay _segurong-segurong_ sasabihin nila, na itong sulat na ito,i, mariquit at matino, at ualang ibang cahulogan cundi ang magbalita si Próspero sa inyo nang caniyang calagayan sa Maynila. Datapoua,t, cung sa canita ay iba na ang cahulogan, at malayong-malayo sa sucat acalain nang ibang tauo.   Cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang Cura; cung sa ganang aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing-malaqui, at masamang-masama ang cahulogan nitong sulat na ito. Gaya, sumamá man ang loob mo, ay di co ililihim sa iyo, Pili, ang napasaloob co nang basahin co; at cung caya, gayon ang aquing gaua, ay maca sacali,t, bucas ó macalaua,i, sisihin aco nang ating Pañginoon Dios, dahilan sa di co pagsasabi sa iyo nang totoong nasasacalooban co, nang icao,i, cumucuhang tanong sa aquin. Ang hinahañgo cong lamán sa ilalim nang mañga salisalita nang capatid mo dito sa caniyang sulat, ay ang siya,i, nahuli capagdaca sa silong iniumang sa caniya nang demonio, at caya, ang dating minamaitim niya, ay minamaputi niya ñgayon; at ang dating minamaputi niya,i, minamaitim niya ñgayon... ¡Cahimanauari, magcamali aco dito sa aquing sapantaha ó paghihinala! ñguni,t, acala co,i, hindi aco lumalayo sa catotoohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD