chapter 6

2397 Words
--Masasabi co, ang tugon nang Cura, masasabi co ang mañga nariñgig cong balita; datapoua,t, hindi co dapat ituro, cung sino-sino ang aquing quinaringgan. At nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay pacatantoin ninyo, na masamang-masama ang tayo ni Próspero. Narahio siya capagdaca sa mañga hibo nang mundo at nang Demonio, at cundi ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin agad-agad siya sa Maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan niya, at masama naman ang casasapitan ninyo. Hindi aco manhuhula; subali,t, tila,i, hindi aco nagcacamali sa panghuhula cong ito.   Nang nariñgig nang mag-asaua ni Dales itong salita nang aming Cura, ay napaiyac sila capoua, at pagcamayamaya,i, nag-uica si cabezang Andrés nang ganito:   --Maca, pó amo, iyang mañga balitang iyang dumating sa inyo,i, hindi totoo; at talastas, pó, ninyo, na, cung minsan, ang gangabutil nang palay, ay ginagaua nang mañga bibigang tauo na casinglaqui nang _latore_ nang ating Simbahan.   --Totoo iyang sinasabi mo, Andrés, at siya ñga ang caraniua,t, cadalasang nangyayari dito sa _mundong_ ito: subali,t, cung sa ganang aquing, ay masasabi co sa inyo, na ang lahat na mañga ibinabalita co sa inyong tungcol cay Próspero, ay hinañgo co,t, sinimot sa mistula,t, tunay na bucal. Caya, cayo nang bahalang sumunod ó sumuay sa hatol co sa inyo, na paouiin ninyo baga, at patirahin dito sa bayan ang inyong anac.   --Baquit, pó, hindi, ang sagot ni cabezang Andrés, baquit, pó, hindi namin susundin ang inyong hatol? Asahan, pó, ninyo, na cung totoo ang ipinamalita, pó, ninyo sa amin, ay agad-agad cucunin co si Próspero sa Maynila, at ipagsasama co, pó, rito.   Nagpaalam na ang Cura, at ang uica,i, siya,i, maglalacad-lacad pa. Humalic uli nang camay si Dales at si Angi, at yumaon na ang Cura....   Dito, pó, ang uica ni tandang Basio sa aquin, dito, pó, sa binabasa co ñgayon, ay mayroong isang _nota_.   --Inyo póng basahin, ang sagot co.   --Ang _nota_ pong sinulat nang tatay co,i, ganito:   Marami ang sucat cong ipagpuri sa tinuran cong Padre Cura namin; ñguni,t, ang iquinatotoua cong totoo sa nasabing Padre, ay ang caniyang ugali, na magsabi sa sangnaliuanag, at ualang palico-licong salita, nang totoong nasasacalooban niya, ó inaabot nang caniyang pag-iisip, na ualang binubucod siyang tauo.   Cunan ninyo siya nang sanguni sa ano pa mang bagay, at capagcaraca,i, sasabihin niya sa inyo, na yaong isinasanguni ninyo sa caniya,i, mabuti ó masama, ó cung dili caya, ay uiuicain sa inyo, na hindi quinacaya nang caniyang pagiisip ang paghatol sa inyo nang mabuti at matouid, tungcol doon sa bagay na isinasanguni ninyo sa caniya. At dito sa mañga paghatol niyang ito,i, hindi inaalumana niya, cung yao,i, icagagalit ninyo, ó icasasama nang loob ninyo sa caniya. Na sa macatouid; ang totoo at tapat ang inihahatol niya sa inyo, na ualang caalang-alañganan _ni_ sa inyo, _ni_ sa ca niya _ni_ sa canino man.   --Hangan dito, pó, ang _nota_, ang sabi ni tandang Basio. Ñgayon, pó, aniya, ñgayon, po,i, cung _gusto_ ninyo, ay itutuloy co, pó, ang aquing binabasang salita nang tatay co.   --Ituloy, pó, ninyo, ang aquing sagot.   Nang umalis ang aming Cura, at maiuan nang mag-isa ang naturang mag-asaua, ay nag-uica si cabezang Angi sa caniyang asaua nang ganito:   --¿Ano baga, Dales? Totoo caya ang ipinamalita sa atin nang ating Cura?   --Ayauan co baga; subali,t, ang ating Cura ay hindi nagpapatotoo nang hindi natatanto niyang totoo. Ito lamang ang masasabi co sa iyo.   --¿Ay ano caya ang mabuti nating gauin, dito sa ating lagay?   --Ayauan co, ang sagot ni cabezang Andrés, ayauan co sa iyo. Icao ang bahalang mag-isip, cung ano caya ang mabuti diyan.   --Ang naisipan co, ang uica ni cabezang Angi, ang naisipan co,i, sumulat sa lihim cay Proper, at mag-usisa sa caniya, cung totoo, ó hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang sagot, ay mahahañgo na natin ang dapat nating paniualaa,t, gauin.   --Ay siya, ang sagot ni Dales, ay siya, magpasulat ca na cay Pili, nang matanto nating madali itong mañga bagay na ito.   --¡E, é!, ang sigao ni Angi, ¡é, é!, hindi co ipagagaua cay Pili ang sulat na naisipan co.   --¿At ano?, ang tanong ni Andrés.   --Sapagca,t, ang damdam co,i, ang ating Pili ay caayon nang Cura, at ang Cura,i, caayon ni Pili, tungcol dito sa mañga _locong_ balitang ito.   --Cung ganoon, ay icao ang bahalang magpagaua sa canino man niyang sulat na iyan.   --Aco na ñga ang bahala, ang sagot ni Angi; houag cang mag-alaala.   Hindi co inusisa, at hindi co rin nabalitaan, cung sino caya ang sinuyo ni cabezang Angi, ó inupahan niya baga, sa paggaua nang caniyang sulat; datapoua,t, naalaman co, palibhasa,i, binasa co rin, naalaman co, anaquin, na ang laman nang nasabing sulat ay ganito:       =_SULAT NI CABEZANG ANGI_=   Caibig-ibig na ualang casing ibig cong anac. Cahimanauari datnan ca nitong aquing sulat, na ualang sacunang anoman sa caloloua,t, catauoan; cami naman dito, aua nang Pañginoon Dios, ay mabuti caming lahat.   Ang bagay at dahilan nang pagsulat co sa iyo, iniirog cong anac, ay nang maalaman co sa iyo rin, cung totoo, ó dili caya ang balitang dumating sa amin nang tatay mo; na di umano,i, icao ay panoo,t paganoon; na icao ay iba na sa dati; na ang ugali mo ñgayon ay malayong-malayo sa inuugali mo rito, at iba,t, iba pa.   Houag mong ilihim sa aquin, anac cong guilio, ang totoong asal at tayo mo riyan. Ipaquita mo, at ipahayag mo sa aquin ang balang iniisip mo, ang balang nasasacalooban mo, ang balang ginagaua mo, nang maalaman co ang totoong calagayan nang caloloua,t, catauoan mo, nang cata,i, gamutin ó hatulan nang matouid, cung baga,i, quinacailañgan mo ang hatol ó gamot.   Inaasahan namin nang tatay mo ang casagutan mo dito sa aquing sulat; subali,t, houag mong ilagay sa taquip nang sulat mo ang pañgalan ni Pili, cundi ang pañgalan co, ó ang pañgalan nang tatay mo.   _Y no mas_. Ang ating Pañginoon Dios,ang mag-iñgat sa iyo. Sumagot ca nang madali sa masintahin mong ina, na si Maria Dimaniuala.       Hindi aco marunong; hindi aco nag-aaral sa Maynila nang anoman; uala acong naalaman cundi bumasa at sumulat nang caunti; ang calabao ay siya ang aquing quinacasamang palagui; ñguni,t, gayon man, ay sa inaabot lamang nang aquing caunting pag-iisip, ay talastas co na cung ang tauong may casalanan, ay siya mong tanuñgin tungcol sa caniyang casalanan, ay itatatua niyang agad, (at siyang caraniuang naquiquita natin); ó cung dili caya, ay babauasan niyang ualang sala ang caniyang caculañgan.   At ito ñga ang nangyari cay Próspero. Inoosisa ni cabezang Angi sa caniya ring anac, cung totoo ó hindi totoo, na siya,i, (si Próspero baga), macasalanang tauo, at ang sagot ni Próspero, na siya,i, hindi macasalanang tauo.   ¡Pagcalaqui-laquing camalian nina cabezang Angi dito sa pag-uusisang ito!   Ang pagcaalam co,i, na cung dito sa mañga cataonang ito,i, hindi dapat tanuñgin ang may catauoan, cundi ang ibang tauong may tapat na loob.   Itutuloy co uli ang pagsasalita nang mañga nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales.   Tinanggap ni Próspero ang sulat nang caniyang ina; binasa niyang minsan, macalaua, macaitlo pa; guinunamgunam niyang maigui ang nañgapapalaman doon; at natulig siyang tuloy. At sa di maisip niya, cung ano cayá mabuting sagot sa caniyang ina, ay isinanguni naman niya itong bagay na ito sa caniyang mañga casamang _estudiante_.   Binasa ni _estudianteng_ Francisco ang sulat ni cabezang Angi, at inabot niyang tuloy cay Julio, at pagcabasa nitong si Julio ang naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay Próspero.   --¡Mahirap ang tayo mo Proper!   --¿At ano? ang tanong ni Próspero.   --Sapagca,t, ang damdam co,i, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa iyo. Subali,t, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay....   --Susundin co, ang biglang uica ni Próspero susundin co nang lubos na pagsunod, cung baga,i, matouid at tapat ang hatol mo sa aquin.   --Cung ganoon, ang ulit ni Julio, cung ganoon ay ito na,t, paquingan mo ang talaga cong sasabihin sa iyo. Ang pagcatalastas co, aniya diyan sa mga sulat nang nanay mo at nang capatid mong dalaga, ay ang sila,i, mañga _beata-beatahan_ na hindi nila naalaman cung alin caya ang canilang canang camay, at para-parang natatacot sila, na maca icao,i, mapahamac dito sa Maynila, sapagca,t, ica,i, malayo sa canila, at hindi icao,i, naqui-quita nila. Dahilan dito,i, ang ano-anomang balitang dumarating sa canila tungcol sa iyo, ay cahima,t, gangabutil nang bigas lamang, ay guinagaua nilang ganga calabao nang laqui....   --¿Ay ano, ang tanong ni Próspero, ay ano caya ang dapat cong isagot sa canila?   --¡_Apurado_ ca naman! ang sigao nang taga Pacong _estudiante, ¡apurado_ ca naman!, hindi pa tapos ang aquing sinasalita, at nagtatanong ca na. Paquingan mo, hombre, ang tuloy na salita ni Julio; paquingan mo, _hombre_. Diyan sa mañga sulat nang nanay mo, at nang capatid mo, ay hinahañgo co,t, ga naquiquita co, na sila,i, ualang _malisia_ at paniualaing totoo, caya ang hatol co sa iyo,i, ganito:--Sumulat ca sa canila, at sabihin mo lamang, na ang ugali mo ñgayo,i, mabuti at mabuting-mabuti pa sa dati; at asahan mo, na sila,i, maniniuala sa iyong sabi, at matutoua pa sila nang di biro-biro.   ¡_Tusong-tuso_, ang uica nang _estudianteng_ taga-Bulacan, _tusong-tuso_ itong si Julio! Sundin mo ñga, Proper, ang caniyang hatol, na acala co,i, maigui; at bucod dito,i, cung ganoon ang sagot mo sa canila, ay hindi icao,i, paghihinalaan nang mañga nanay mo.   Umayon mandin si Prósper sa hatol nang mañga casama niya; at sumulat cay cabezang Angi nang ganito:       =_ICATLONG SULAT NI PROSPERO_=   Caibig-ibig at cagalang-galang cong ina: Tinangap co, pó ang minamatamis cong sulat ninyo, at nang aquing pong basahin, ay nalumbay na totoo ang aquing calooban.   Guinugunam-gunam co, póng maigui ang laman nang inyong sulat, at pinagbubulay-bulay co, po, cung ano,t, anong guinagaua co rito sa Maynila; at sa uala acong naalamang masamang guinagaua co rito, ay iniisip co, pó, cung sino caya ang baliu ó maopasalang tauong nacasira nang inyo póng mahal na capayapaan nang loob, nang pagbabalita sa inyo nang mañga sinoñgalin at maling balita, at uala rin, pó, acong maisip, na sucat cong pagbingtañgan; caya, po, ang totoo ang sasabihin co sa inyo.   Aco, pó, nanay, ay ualang guinagaua ditong masama, at ang ugali co, pó, ñgayo,i, hindi masama sa dati, cundi, acala co,i, maigui pa, pó, sa roon, palibhasa, pó,i, ñgayon, ay tumatalas-talas ang aquing pag-iisip, at lumilinao-linao ang aquin pong bait, at naquiquilala co, pó, ñgayon ang magaling at ang masama, na dati-dati di co, pó, nababatid.   Ang pag-aaral ay siya co póng pinagsisipagan, at uala, pó, acong ibang calibañgan, cundi ang paglacadlacad, na maminsan-minsan, sa mañga _paseo_ at sa mañga _calzada_, pagcatapus nang aquing mañga _obligacion_.   Caya, pó, ipinamamanhic co, pó, sa inyo, nanay, na houag baga maniuala cayo sa mañga sabi-sabi nang mañga tauo, na ang cadalasan pó,i, naninira sila nang puri nang capoua tauo, gaua lamang nang canilang capanaghilian, ó casamaan nang ugali, ó nang canilang cahañgalan caya.   Ipagpacomusta, pó, ninyo aco cay tatay at cay Pili, at sa lahat nang camaganac at caquilala natin, at mag-utos, pó, cayo nang balang nasa inyong mababang lincod at masintahing anac, na si Próspero Baticot.       Di masaysay ang toua,t, saya ni cabezang Angi nang mapagtalastas niya ang cahulugan nitong sulat nang caniyang anac.   Tingnan mo, tingnan mo, ang uica niya sa caniyang asaua, tingnan mo Andrés, itong sulat ni Proper, at diyan maalaman mo ang totoong calagayan nang anac ta. Diyan lamang aco,i, naniniuala, sapagca,t, ang ating anac na iyan, ay hindi magbubulaan sa aquin. Caya sa maniuala ca,t, sa dili, ay sasabihin co sa iyo, na ang lahat na ibinabalita sa canita nang ating Cura, ay _purong_ cagagauan ni Pili, na ang isip niya baga,i, tayo,i, para-parang masasama, at siya lamang ang maigui....   --Tiguilan mo iyang balita mong iyan, Angi, ang biglang sagot ni cabezang Dales, na tila,i, may cahalong galit; tiguilan mo iyang salita mong iyan, Angi, at houag mong pagbintañgan si Pili at houag mo siyang siraan nang puri. Ang ating Pili, ay hindi marunong magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi marunong mag-upasala; at cung baga sacali,t, siya,i, nagsalita sa iyo nang anomang bagay tungcol cay Proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi gaua nang casamaan nang loob ni Pili, cundi gaua lamang nang cahigpitan nang caniyang _conciencia_, ó gaua caya nang catalasan nang caniyang pag-iisip, na umabot sa hindi ta maabutan. ¡Salamat nang maraming-marami sa ating Pañginoon Dios, cung ang lagay nang caloloua,t, catauoan ni Proper ay maigui na para nang ninanasa mo,t, ninanasa co naman!, subali,t, houag mong paguicaan si Pili nang caunti mang uicang masama. ¡Marahil siya,i, nasa catouiran, at cata,i, malayo!   Pagcariñgig ni cabezang Angi nitong mainit na salita nang caniyang asaua, ay tumicom na siya, at mula noon, ay hindi pinag-usapan nila si Próspero, at hindi man sinambit nila ang caniyang pañgalan.   Ñguni,t, lumacad ang panahon, at sumapit ang arao na tadhana nang _pagvavacacion_; at ito na si Próspero, na dumating dito sa bayang sacay sa isang maganda at mariquit na _cabayong_ may _paso_, na ipinasalubong sa caniya ni cabezang Angi doon sa Cainta. Uahi ang bohoc, quiling ang _sombrero_, mapuñgay ang tiñgin, maputi at matigas ang salaual at baro, _botitos_ ay maquintab at maquipot, at pinañguñgusapan pa niya ang _cabayo_ sa uicang _castila_.   Nagtatanuñgan sa _plaza_, cung sino caya yaong lalaquing dumaan doong matigas ang soot, at mabilis na parang quidlat ang tacbo nang _cabayong_ sinasaquiyan niya; at ang mañga dalagang taga rito sa Tanay, na may _pagcaosiosa_ nang labis, ay silang una-unang nagtatanuñgan at nagsasagutan.   --Iyan, pó, ang uica nang isa, ay ang anac ní cabezang Angi.   --Iyan, pó,i, si Proper, na taga Ilaya, ang sagot nang iba.   --Iyan, pó, ang sagot nang caramihan, iyan, pó,i, ang _estudianteng_ anac ni cabezang Dales.   --Iyan, pó, ang capatid ni Pili, ang sigao nang iba.   --Iyan, pó, ang uica naman nang isang _dalaguitang_ naroroon sa _plaza_, iyan, pó,i, si "Batícot na cabanal-banalan", cung tauaguin naming mañga bata doon sa ilaya.   Pababayaan co itong mañga salitang ito, at sasabihin co lamang, na ang toua ni cabezang Angi ay lumalo nang di hamac sa dati, nang maquita niya ang anyo at quilos nang caniyang anac. Ualang di iquinatotoua niya cay Próspero. Ang caniyang lacad; ang pagsasalita; ang pagcudunday-cunday, at ang cabutingtiñgan pa sa pananamit, ay para-parang minamahal at pinupuri ni cabezang Angi. Caya pagpanaog ni Próspero sa bahay, ay tinatanao at tinatanao nang caniyang ina na hangan sa inaabot nang caniyang mata.   Subali,t, iba,t, iba ang lagay nang calooban nang isa,t, isa sa bahay ni Dales, at siya cong sasalitain ñgayon. Ang tayo nang loob nang mag-anac ni cabezang Dales sa panahong yao,i, ganito:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD