chapter 7

2804 Words
Si cabezang Andrés ay nagmamasid na totoo cay Prospero, datapoua,t, namamalisa siya,t, hindi natututong mamintas ó magpuri caya sa ugali niya.   Ang puso ni cabezang Angi ay gaibig pumutoc, gaua nang malaquing toua niya, at ualang-ualang di ipinupuri niya sa caniyang anac.   Ang totoong caaua-aua,i, si Felicitas, at caya ganoon, sapagca,t, ñgayo,i, naquiquita na nang caniyang mata, at naririñgig nang caniyang taiñga, ang dati-dati ay sinasapantaha niya lamang at pinaghihinala. Caya ang cadalamhatian nang caniyang loob, ay lubhang mabigat. At saan di magcacagayon? Pinagmamasdan niya ang mañga ugali,t, asal ni Próspero, ay naquiquita niya, na pagcaguising nang caniyang capatid cung umaga, ay naghihilamus siya nang mahabang _oras_, linilinis niya ang caniyang ñgipin, sinusuclay ang buhoc at pinapahiran pa nang mañga _pomada_, sinasabon ang camay nang mababañgong sabong caniyang dala, at pagcatapos, ay magbibihis nang bago, cahima,t, malinis at matigas pa ang damit nasacaniyang catauoan, at tuloy nananaog, at gagalagala cung saan-saan, hangan sa siya,i, nagugutom. Pagcacain ay sulong na naman, na hindi siya tumitiguil sa bahay, cundi sa _oras_ nang pagcain, at hindi sisipot cung gabi, cundi hating gabi na, at hindi _maquiquipagrosario_, at hindi naman tumutulong siya nang caunti man lamang sa caniyang ama, at hindi man naquiquialam ó nagtatanong-tanong tungcol sa pamamahay ó pagcabuhay nang magulang, na ualang-uala siyang guinagaua, cundi lumigao arao,t, gabi sa mañga dalagang nababalitaang maganda dito sa bayan, at siya na.   Saan di, anaquin, magcacagayon si Felicitas, at bucód sa mañga sinasalita co na, ay naquiquita rin niya, na ang pagsisimba man nang caniyang capatid, cung Domingo at piestang pañgilin, ay catua?   At totoo ñga. Cung magsimba si Prospero sa mañga lingo at mañga piesta, at tatayo-tayo siya sa pinto nang simbahan, (na siyang huling pumasoc at unang lumabas); at sinisilip-silip niya ang mañga dalagang dumaraan sa caniyang harap, at sinasabugan pa niya nang mañga uicang bulaclac, na cahalay-halay paquingan saan man, at lalong-lalo na sa mañga _lugar_ na yaon.   At hindi lamang ito, cundi, pa naman, sa pagsasalitaan nilang dalauang magcapatid, ay hinañgo ni Felicitas na malinao na malinao, na mali at sinsay sa catouiran ang pag-iisip ni Próspero tungcol sa maraming bagay na ucol sa caloloua.   Itong lahat na ito, inuulit cong sabihin, ay naquiquita at pinagmamasdan ni Pili, at siyang iquinalulumbay na totoo nang caniyang loob, at iquinasisiquip nang caniyang dibdib.   Pagcatapos nang _pagvavacasion_ ni Próspero, ay lumuas siyang uli sa Maynila, nang maituloy ang pag-aaral. Subali,t, hindi na pinañgatauoanan niya ang pag-aaral, cundi ang pagligao lamang, ang pagsusoot nang maririquit, at ang paglayao niya sa mañga catouaan dito sa mundo.   Dahilan dito sa mañga inougali ni Próspero doon sa Maynila, ay nagcautang siya nang marami, at nang dumating ang arao nang _pag-eeksamen_, ay nagkaroon siya nang _nota_ nang _reprobado_.   Ñguni,t, itong lahat na mañga bagay na ito,i, inililihim niya,t, ipinagcacaila sa caniyang magulang; at nang siya baga,i, macabayad nang ibang mañga utang niya, ay sari-saring idinadaing at ipinagdadahilan sa caniyang ina sa mañga lihim na sulat, nang siya,i, padalhan nang caunting salapi.   Pinaquiquingan ni cabezang Angi ang mañga caraiñgan nang caniyang anac, at dala nang aua, (nang isang falsong aua), ay pinadadalhan din si Próspero nang caniyang ina nang salaping hinihiñging pagtago sa caniyang asaua at cay Felicitas; at dahilan dito sa falsong aua ni cabezang Angi sa caniyang anac, ay lalong-lalong nagmamalaqui si Próspero at nagmamayaman doon sa Maynila, at lalong-lalong nañgañgahas siya, at lalong-lalong nalulubog siya sa lanay, na dati niyang quinatutungtuñgan.   Hindi co iisaisahing salitain ang lahat nang cabañgauang guinaua ni Próspero doon sa Maynila, at mapapacahabang totoo itong aquing casulatan, caya lalactauan co ang marami, at sasabihin co lamang na si Próspero,i, nagtumira nang apat na taon sa Maynila, at liban sa naunang taon, ay uala na sa caniyang loob ang pag-aaral, cundi ang pagmamalibog: na hindi man pinaquiquingan niya ang pañgañgaral at pagbabala sa caniya nang caniyang _catedrático_, at cung caya nagcaroon siya nang _nota_ nang _reprobado_ na tatlong taong sunod-sunod. At bucod dito,i, nagcautang siya nang maraming calapastañganan, na linilisan cong talaga. Ñguni,t, itong mañga casalanan niya, ay hindi lamang hindi pinamamalayan niya sa caniyang magulang at mañga camaganac, cundi bagcus ay sari-saring paraan at susong-suson na cabulaana,t, casinoñgalingan ang caniyang guinamit, nang houag baga mahalata nila ang masama at cahabag-habag na calagayan niya. At gayon din ang caniyang guinaua, nang houag siyang cagalitan nang magulang dahilan sa hindi _pagvavacasion_ niya dito sa Tanay nang dalauang tauong magcasunod.   Datapoua,t, palibhasa,i, sa ating Pañginoon Dios ay ualang sino, at palibhasa nama,i, ang lahat na mañga bagay-bagay dito sa mundong maraya,i, may catapusan; ay dumating din cay Próspero ang tadhanang arao, at dinaquip siya nang Justicia, at piniit sa bilangoan, dahilan sa mañga utang, at iba,t, ibang mañga cabaliuang guinaua niya sa Maynila.   Itong lahat nang ito,i, nagcataon sa catapusan nang icapat na taong magmula nang si Prospero,i, nag-aaral sa Maynila at casalucuyang siya,i, inaantay nang caniyang magulang dito sa Tanay, alinsunod sa caniyang pangaco, na siya,i, paririto at _magvavacasion_ dini sa caniyang bayan.   Calumbay-lumbay ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales dahilan dito. Tinangap nila ang isang sulat ni Próspero, at doon itinutucoy niya ang arao nang pag-alis niya sa Maynila, na patuñgo rito.   Malaqui ang toua nilang lahat nang mabalitaan nang ganoon, subali,t, ang toua ni cabezang Angi, nang matanto niya ang napalaman sa sulat ni Próspero, ay lumalo na di hamac sa lahat, palibhasa,i, mayroon nang tatlong taong di nasisilip-silip niya ang muc-ha nang caniyang caibig-ibig na anac, at _gustong-gusto_ niyang maquita. Caya dala nang malaquing toua niya,t, nasang maquita ang caniyang anac, ay pinasalubuñgan niya si Próspero nang isang matuling at mariquit na cabayo doon sa Cainta, niyon ding arao na itinucoy ni Próspero sa caniyang sulat.   Nang magcaganito,i, nag-aantay ang magasaua ni cabezang Andrés, pati ni Felicitas nang pagdating nang canilang anac at capatid, at handa na ang caniyang pagcain pati bihisan. At sa di dumarating-dating nang _macaanimas_ na, ay namamalisa silang lahat, at pinag-uusap-usapan nila ang dahilan nang gayong pagcaluat, at ang uica nang isa.   --¡Baca, nahulog si Próspero sa cabayo!   --¡Baca, hindi nacaquita siya nang bangca! ang sagot nang isa.   --¡_Seguro_,i, guinabi siya sa Taytay ó sa Binañgunan caya, at doon na siya,i, matutulog, at mag-aantay nang sicat nang liuayuay, ang uica naman nang isa.   Ganoon nang ganoon ang pinagsasalitaan at pinag uusapan nilang mag-anac, na hindi nagcacaisa ang canilang caisipan at narito na ang isang _oficiales_, na nangagaling sa Tribunal, at may tañgang isang _oficiong_ sulat nang _Sr. Alcalde mayor_ sa Maynila, na ang lamán ay ganito: cung sa uicang tagalog:   Gobernadorcillo sa Tanay.--Pagtangap ninyo nitong _órden_ ó cautusan, ay papaharapin ninyo dito sa _Alcaldia mayor_ ang dalauang catauo, na si D. Andrés Baticot at si doña Maria Dimaniuala ang mañga ñgalan, nang sila,i, macasagot sa _sumariang_ guinagaua dito sa _Juzgado_, _contra_ sa canilang anac na si Próspero Baticot dahilan sa mañga utang at ibang mañga capañgahasan.--Tuparin ninyo agad itong utos na ito at ipatanto sa aquin ang catuparan.--_Alcaldia mayor_ sa.... sa icatlong arao nang buan na Junio nang taong 18...--Erizo.   Catacot-tacot ang pag-iiyacan at caguluhan nilang lahat nang matanto nila ang cahulugan niyong sulat nang _Sr. Alcalde mayor_. Ualang naalaman gauin, ualang naalaman sabihin.   Dinaluhan sila nang capitbahay at nang ibang tauong nacariñgig nang mañga sigauan nila, at hindi mapalagay-lagay ang canilang loob, pañgaralan man sila nang mañga uicang caalio-alio.   Di tuloy cumain nang hapunan, at di nahiga sila nang caunting _oras_ man lamang niyong magdamag na yaon. At nang quinabucasan nito ay ipinagtagubilin ni cabezang Andrés ang caniyang pamamahay at ang caniyang anac na si Felicitas sa isang capatid niya, na si Juez na Godio ang ñgalan, at lumacad na silang mag-asaua, na patuñgo sa Maynila.   Di co man sabihin, acala co,i, mapaguauari rin nang sino mang bumabasa nitong aquing casulatan ang cadalamhatian nang loob at casicpan nang dibdib nang mag-asaua ni Dales sa canilang paglacad. Uala silang ibang nasa, cundi ang macarating silang agad sa Maynila, nang maquita nang canilang sariling mata, nang mariñgig nang canilang sariling taiñga, sa catagang uica: nang maalam nila ang totoong calagayan at ang mañga bagay-bagay na casalanan nang canilang anac na si Próspero. Caya uala sa canilang loob ang gutom at ang pagod. Sila,i, nagugutom nga,t, napapagod pa, ñguni,t, hindi nila inaalumana itong mañga hirap na ito, at ga hindi nila dinadamdam. Isa lamang ang iquinaiinip nila, ang calayuan baga nang linalacaran nilang daan; sapagca,t, gaua nang malaquing pagnanasa nilang dumating sa Maynila, ay minamalayo nilang totoo ang dati-dati ay minamalapit nila.   Cung sasaysayin co ang lahat na nangyari sa naturang mag-asaua doon sa Maynila, at ang lahat na naisipan nila, at ang lahat na dinamdam at iquinahirap nang canilang calooban, ¡Ay ina co! hindi matatapos-tapos itong aquing salita. Subali,t, palibhasa,t, ang naguing ugali co sa aquing mañga pagsasalita, ay houag gumamit nang maraming uica cung isasaclao co rin lamang sa caunti; at palibhasa,i, masama rin naman, cundi co salitain ang nangyari sa mag-asaua ni Angi doon sa Maynila, ay ito na ang talaga cong sasabihin sa tipid na uica:   Nang humarap ang mag-asaua ni cabezang Andrés sa Hocom, sa _Sr. Alcalde mayor_ baga; at nang nariñgig nila sa bibig nang nasabing _Sr. Alcalde_, ang dami nang pinagcacautañgan ni Próspero; at ang capal nang salaping caniyang inutang, sampon nang ibang cabalia,t, capañgahasang guinaua niya, ay natilihan silang totoo, at caunting-caunting naboual at nanhimatay na capoua.   Datapoua,t, palibhasa,i, magulang ay nagpacatibay sila nang loob; at nang houag bagang mapahamac na lalo ang canilang anac, cahima,t, macasalana,t, palamara; ay nañgaco sila sa _Sr. Alcalde_, na sila,i, magbabayad nang lahat nang utang nang canilang anac pati nang mañga _perjuiciong_ guinaua niya.   Naglagay sila nang fianzang hinihingi sa canila nang _Sr. Alcalde_, at hinañgo nila tuloy sa cárcel si Próspero, at capagcaraca,i, ipinagsama nila sa bangca, at sumuba silang tatlo dito sa Tanay.   Nang maguing dalauang lingong magmula nang pagharap nina Dales sa _Sr. Alcalde_, ay may dumating dito sa Tribunal, ang isang mahigpit na órden sa Maguinoong Capitan, na ang iniuutos baga doon, ay pacatantoin niya sa magulang ni Próspero Baticot, na sila,i, magdala ó magpadala, agad agad, sa _Juzgado_ sa _Maynila_ nang ganoong salapi, (hindi co maalaala ñgayong oras na ito, cung magcano ang lahat, subali,t, matatandaan cong maigui, na macapal na totoo,) at cung sacali,t, hindi sila magbayad ó macabayad nang nasabing _cantidad_, ay gapusin nang Maguinoong Capitan ang mag-asaua ni Dales, pati anac nila na si Próspero at ipaluas niya sa Maynila casama nang isang _oficiales_ at mañga _cuadrillero_. At nang houag anang utos, magcacahalang ang anomang cataonan, ay _embargohin_ niya capagdaca ang lahat nang pag-aari ni don Andrés Baticot pati nang sa caniyang asaua na si doña Maria Dimaniuala.   Ipinatanto nang Maguinoong Capitan cay cabezang Dales itong utos na ito, at hindi cumibo si Andrés, cundi itinuñgo ang ulo, at ang uica,i, siya,i, sunod-sunuran sa utos nang mañga Puno. Subali,t, nang aalis na ang aming Maguinoong Capitan, ay ipinamanhic ni cabezang Andrés sa caniya, na cung mangyayari sa caniyang loob, ay houag bagang _ipaembargo_ niya muna ang canilang pag-aari, at siya,i, magbabayad at magbabayad nang lahat na ualang culang.   Pagcaalis nang Maguinoong Capitan, ay binilang ni Andrés ang salaping natatabi sa bahay at sa di umaabot nang calahati man lamang sa pagbabayad nang mañga utang, at ibang mañga _perjuiciong_ sinabi sa canila nang _Sr. Alcalde_, ay ipinagbili niya ang canilang mañga hayop, at mañga palayang iba, na ualang natira sa canila, cundi tatlong calabao lamang, at caunting lupang bubuquirin.   Pagcaipon ni cabezang Dales nang _hustong_ salapi, ay iniluas niya sa Maynila, at binayaran niya ang mañga utang na lahat, at umoui na siya dito sa Tanay.   Magmula niyon, ay nasira ang capayapaan sa sangbahayan nina cabezang Angi. Totoo ñga na hindi sila nagcacasiraan, at hindi naman sila nagtataniman; subali,t, sa loob man lamang, ay nagsisisihan silang lahat, dahilan sa nangyari, at nagtuturu-turuan nang casalanan nang isa,t, isa.   At saca, paglibhasa,i, dati-dati ay maguinhaua ang canilang tayo, at ñgayo,i, mahirap na, ay ga quinucutcot ang calooban nang isa,t, isa nang pag-aalaala nang canilang dating calagayan, at tila sumasama at tumatabang ang canilang loob, na cung minsa,i, tumutulo pa ang luha sa canilang mata. At cung caya ang uica co cañgina,i, nasira ang canilang capayapaan.   Nang mangaling si cabezang Andrés sa Maynila, nang macabayad na sa nasabing mañga utang, ay tinauag niya si Próspero, at pinañgusapan niya sa harap ni cabezang Angi at ni Felicitas nang ganito:   Proper, malalaquing totoo ang _perjuicio_ at casiraang guinaua mo sa magulang mo,t, capatid. Hindi lamang naualan tayo nang pag-aari, cundi puri natin ay cacalat-calat sa bibig nang tauo. Ipinatatauad namin sa iyo itong lahat nang ito, datapoua,t, ipinamamanhic din namin sa iyo, na mula ñgayon, at magpumilit cang tumalicod sa masasamang ugaling pinag-aralan mo sa Maynila; mag-asal ca na nang asal _cristiano_, at tumulong ca sa amin sa paghanap nang pagcabuhay. Mahirap man tayo ñgayon, ay hindi tayo mauaualan nang macacain at nang pananamit natin, sa pamamaguitan nang tulong at aua nang Pañginoon Dios, cung tayo,i, masisipag sa _trabajo_. Malaqui ang aua at pag-ibig ipinaquita namin sa iyo, Proper, caya gantihan mo rin cami nang capoua aua at nang capoua pag-ibig. Ito lamang ang hinihingi namin sa iyo; subali,t, magiñgat ca rin, Proper, at houag mo acong biguian uli nang dahilan sa pagpaparusa sa iyo, sapagca,t, cung magcagayon, ay lulubusin co na.   Pinaquingan ni Próspero itong pañgañgaral at pagbabala sa caniya nang caniyang amba, at humiñgi siyang tuloy nang tauad sa magulang at capatid, at ipinañgaco pa niya, na hindi na siya gagaua uli nang anomang icagagalit nila ó icasasama nang loob. Nang ito,i, matapos, ay nagsapol sila nang bagong buhay, sa macatouid: buhay nang mahihirap, at hindi na sila mayaman. ¡Subali,t, cataca-taca itong mag-anac ni cabezang Andrés! ¡Mahihirap man sila ñgayo,y, hindi ninyo mahahalata ang canilang cahirapan!   Dati sila,i, masisipag at mababait, na parang sinabi co sa itaas; caya nang sila,i, datnan niyong sacunang sinalita co na; ay ualang catiguil-tiguil sila.   Si cabezang Dales casama ni Próspero ay gumagaua sa buquid, sa bundoc ó sa bayan, na ualang tahan.   Si cabezang Angi ay nagbibigas ó lumalala nang banig.   Si Felicitas naman, dati-dati ay hindi nananaog sa bahay, cundi sa pagparoon sa simbahan, ó sa ibang bagay na totoong cailangan, ay gumagaua ñgayon nang sari-saring luto at pagcain, at itinitinda,t, ipinagbibili niya sa _plaza_, umaga,t, hapon. Caya hindi sila,i, nauaualaan nang anomang cailañgan, at ang canilang lagay ñgayo,i, nagcacaparis din, (cung sa tiñgin nang tauo), sa dati nilang calagayan.   At sa catunayan, ay magtanong cayo sa canino man dito sa bayan, at asahan ninyo, na hindi sasabihin sa inyo baga, na ang mag-anac na cabezang Dales ay mahihirap, cundi ang isasagot sa inyo, na sila,i, maguinhauang tauo, at mayayaman.   Ñguni,t, ¡oh carupuca,t, caiclian nang mañga bagay-bagay dito sa mundong maraya! Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang mag-anac ni cabezang Andrés, ay hindi natagal.   Si Próspero, na nararatihan na sa mañga layao nang catauoan, ay nabibigatan siyang totoo ñgayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang _trabajong_ caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.   Caya, nang maguing dalaua ó tatlong lingong magbuhat nang siya,i, tumutulong sa caniyang ama sa _pagtatrabajo_, ay dumaing siyang totoo sa caniyang ina, nang pamamaltos nang camay, nang saquit nang bayuang at nang pamamanhid nang litid nang boong cataouan niya. Quinauaan siya ni cabezang Angi, pinaligpit niya sa bahay, at ipinagamot sa mañga _mediquillo_ dito sa bayan.   Nang magcagayon ay naaua naman si cabezang Dales sa caniyang anac, at hindi lamang hindi ipinagsama niya sa _trabajo_, cundi bagcus, ay ipinagtagubilin sa mahigpit cay cabezang Angi, na ipagamot sa mañga _mediquillo_, at alagaan niyang maigui.   Datapoua,t, pag naguing iilang arao, at nang mapagmasdan ni Dales, na ang caniyang anac, ay hindi gumagaling-galing, cung sa _pagtatrabajo_; ñguni,t, maigui at malacas siya, cung sa pagligao at paggala, ay nagalit na di hamac, at pinaguicaan tuloy si Próspero nang masasaquit na uica.   Sumama uli si Próspero sa caniyang amba sa _pagtatrabajo_, subali,t, hindi niya panañgatauoanan, at hindi man inaalumana niya ang paggaua, cundi nagdadahi-dahilan siyang palagui nang sari-sari, gaua lamang nang caniyang catamaran at masamang ugali.   Uala siyang cacusa-cusa nang munti man, at nang sabihin co nang biglang sabi; ay hindi siya gagaua nang ano-anoman, cundañgan ang mahigpit na lagay niya, at ang catacutan niya sa caniyang amba.   Itong lahat nang ito,i, pinagmamasdan ni cabezang Andrés, at cahima,t, iquinagagalit niyang totoo, ay pinipiguil na maigui ang caniyang calooban, at hindi niya pinag-uicaan ang caniyang anac nang anomang uicang may cahalong galit, cundi pinañgañgaralan niyang banayad na banayad, mangyari lamang mabago ang caniyang loob at ugali. Subali,t, baga man napaoo nang napaoo, at napapaayon nang napapaayon ang palamarang Próspero sa mañga pañgañgaral nang caniyang amba, ay cung sa gaua,i, hindi rin binabago niya ang caniyang masamang ugali, cundi ang caniya lamang ay siyang sinusunod.   Dahilan dito,i nagdadalamhating palagui ang loob ni Dales, at lalong-lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang mabalitaan niya, ang mañga cabaliuang guinagaua ni Próspero sa mañga babayi, at ang mañga pagcacautang-utang niya cung saan-saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD