RUTHLESS BILLIONAIRE
Maingat na inilapag ni Zinc ang tasa ng kape na iniinom sa ibabaw ng desk niya sabay tawag sa kanyang secretary na si Rina na kasalukuyang meron kausap sa telepono.
“Rina…. please come here” matigas ang boses na wika ni Zinc.
Mabilis pa sa alas-kwatro na nagpaalam sa kausap sa kabilang linya ang kanyang sekretarya na si Rina dahil sa takot nito sa boses pa lamang ng kanyang boss na si Zinc. Maya-maya pa humahangos na iyon na pumasok sa CEO office.
“Ye…s.s Sir” halos kandautal niya na wika. Namumutla si Rina at halos umurong ang dila sa pagsasalita.
“How many times I've told you that I don’t want to see any garbage at the top of my table.”
Matiim ang tingin niya sa sekretaryang si Rina na halos nanginginig ang boses na sumagot.
“Yesss…S..i..rr, will remove right away” sagot ni Rina habang inaalis nito ang bonsai na halaman sa ibabaw ng kanyang table.
Kung bakit naman sa dinami-dami niya napasukan na trabaho ngayon lang siya nakatagpo ng boss na allergy sa halaman samantalang ang iba gustong-gusto pa ito dahil malamig sa mata at nakakawala ng stress. Pero iba nga ang trip ng kanyang boss na si Zinc de Castro mas gusto nito na plain ang desk as in ang tanging makikita lamang doon ay ang mga papel na kailangan pirmahan, ballpen at ang cellphone.
“Sir ok na po. Do you need anything Sir?” magalang na tanong habang pinupunasan ang table. Umiling lamang si Zinc. Papalabas na sana siya mula sa CEO office ng mahagip ng tingin ang tila lumipad na papel. Nagtaka pa siya dahil wala naman electric fan sa loob ng opisina hindi rin naman nakatutok ang aircon sa table ng boss niya. Saan nagmula iyon?
Babaling na lamang siya ng tingin ng marinig ang salita buhat sa likuran.
“Revise” pasiklang wika ni Zinc kahit kailan very vague ang statement ng kanyang boss yun tipo na kailangan mo talaga magsaliksik at pag-aralan kung ano ang gusto nito sabihin at ipagawa. Kapag naman naglakas loob siya na magtanong halos manginig ang kanyang buong katawan at boses dahil sa sobrang takot.
“Sir?” alumpihit na pinulot ang isang piraso ng papel mula sa lapag.
“Can’t you hear me?” tanong ni Zinc na kinuha ang cellphone.
“Sir I don’t understand what's wrong with this?” umiikot ang mga mata ni Rina habang pinapasadahan ng tingin ang hawak na papel dahil wala siya makita na mali doon kahit isa, sa mga sandaling iyon.
“Rina do you have eyes?” nang-iinsulto ang tinig ng kanyang boss
“Yes! Sir” naguguluhan man napasagot nadin si Rina na pinapasadahan pa din ng tingin ang hawak na papel.
“Use” turan na naman ni Zinc na nagsisimula na maningkit ang mata dahil sa pagka-irita
Pero hindi talaga makuha ni Rina ang ibig ipahiwatig ng kanyang boss kaya nagbaling siya ng tingin. Nadidismaya siya sa tinatakbo ng kanilang usapan.
“Read the headline” makapangyarihan na utos ni Zinc sa sekretarya na itinaas ang dalawang kamay at pabagsak na pinatong sa kanyang desk.
Napamaang si Rina at nagkukumahog na pinasadahan ng tingin ang papel upang sundin ang sinasabi ng kanyang boss. Pakiramdam ni Rina binuhusan siya ng malamig na tubig sa sobrang hiya na nararamdaman matapos ma-overlooked ang isang salita. Marahil sa sobrang pagkatuliro at pagkatakot kanina kaya hindi niya napansin na mali nga ang spelling ng isang. salita.
“Sir…I’m….so…rry” nakatungo na hingi ng paumanhin ni Rina sa boss na ngayo'y nakataas na ang mga kilay.
“Rina why are you always trembling? Kaya hindi mo nakikita kung tama o mali ang mga ginagawa mo.” nang-uuyam ang boses ni Zinc habang pailing-iling ang ulo.
“Sir Zinc to tell you honestly po sobra akong natatakot sayo dahil boses mo pa lang po nakakanginig na kaya sa halip na nakakapag focus po ako sa trabaho eh natataranta na po ako.” tahasan na pagtatapat ni Rina hindi na yata niya makakayanan ang lahat ng ito.
Pero sa kanyang pagtataka hindi man lang niya kinakitaan ng pag-aalala ang mukha ng kanyang boss dahil sa mga sinabi sa halip nakangisi pa iyon na parang nang-iinsulto.
“Come on! Rina why are you here?” tanong nito sa kanya
“Because I am working here Sir!” sagot niya na hindi tumitingin sa boss
“Exactly! you are working here because you have goals in life, right? Now, if your fears is bigger than your goals then I guess you have to ask yourself. I have to be honest with you. I don't want people who were easy giving up. I want someone strong and tough personality.” Kung kanina nang-uuyam ang boses ni Zinc ngayon naman tila nagpapahiwatig iyon ng isang motibasyon para sa isang empleyado. Hindi na niya mababago ang katotohanan na ganito siya mag-input ng thoughts sa mindset ng isang tao.
“Ate mukhang malayo na naman ang nilalakbay ng isip mo ahh…huhulaan ko kung sino ang laman” nakangiti si Vina na nilapitan ang kanyang Ate Copper habang nakaupo sa kanilang maliit na terrace.
Isang buwan na ang nakakalipas buhat ng magtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration sa katunayan naghahanap siya ng trabaho at hindi lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya na target niya mag-apply sa Alliance Corporation kung saan nagtratrabaho doon ang kanyang ultimate crush na si CEO Zinc de Castro. Pero hindi nga lang siya sigurado kung may vacancy sa nasabing kompanya.
“Hindi lang naman yun ang iniisip ko Vina sa totoo lang medyo napre-pressure ako dahil hanggang ngayon wala pa ako trabaho. Gusto ko na makatulong sa pamilya natin lalo na sa pag-aaral mo.” Inakbayan niya ang kapatid na si Vina at niyugyog ang balikat nito.
“Ate no worries makakahanap ka din ng trabaho tsaka isang buwan ka pa lang nakakagraduate masyado mo naman ini-stress ang sarili mo. Yung iba nga dyan halos ilang taon pa nababakante bago makahanap ng trabaho. Kalma lang ate ha! Isipin mo na lang si Mr. CEO ayieeehhhhh…kinikilig yan ohh.” Halos mamilipit siya sa kakatawa dahil kiniliti siya ni Vina sa tagiliran na kalaunan ay nagkikilitian na silang dalawa na wala humpay sa kakatawa. Ganoon sila ka-close na magkapatid lumaki man sila sa mahirap na pamilya at salat sa materyal na bagay pero pagdating sa pagmamahal sa pamilya ay lubhang napakayaman nila.