JOB HUNTING

1068 Words
Halos manlaki ang mga mata ni Copper ng mapadako ang tingin sa diaryo na hawak ni Aling Madel. Kasalukuyan siya bumibili ng gulay sa talipapa ni Aling Madel ilang kanto lamang mula sa kanilang bahay malapit sa Strawberry Farm. Nag walk in siya maghapon sa pag-aapply ng trabaho at heto nga naisipan na din niya bumili ng gulay para sa hapunan nila bago umuwi. Namili muna siya ng ilang piraso ng okra, sitaw, kalabasa, talong, ampalaya, sweet potato, isang plastic na bagoong dilis, alamang, kamatis at sinamahan na din niya ng one fourth na pork meat para pansahog sa pakbet. Iniabot niya ang five hundred pesos kay Aling Madel matapos ilagay sa plastic ang mga gulay na binili. “Aling Madel ok lang po ba kung hingin ko na lang ang diaryo na hawak mo kanina” nag-aalangan na sabi ni Copper habang inaabot sa kanya ang sukli ni Aling Madel. “Naku! Iha! Copper…aba eh! Oo naman maliit na bagay” nakangiti na iniabot sa kanya ni Aling Madel ang diaryo na hinihiling. “Maraming salamat po Aling Madel” excited siya na buklatin ang diaryo kaya naman pagdating niya ng bahay. Nagmano at iniabot lang niya saglit ang mga pinamili sa Inay niya na nasa kusina at agad na din nagpaalam para pumasok sa kwarto na tulugan nila magkapatid. Iisa lamang ang kwarto nila ni Vina dahil sa sobrang liit ng bahay nila wala pa iyon kongkretong pinto at tanging kurtina lamang ang harang doon. Nagpalit muna siya ng damit tsaka umupo sa ibabaw ng kama na yari lamang sa kawayan at medyo binabahayan na din ng bukbok. “Ohhh…my…God! Is it true?” mahinang wika sa sarili matapos mabasa ang nakasulat sa classified ads portion. “URGENT HIRING!!! EXECUTIVE ASSISTANT /SECRETARY Company: Alliance Corporation Salary: Negotiable Qualifications: Graduate of any business course. Fresh graduates are welcome to apply.” This is the exact wordings of the job vacancy. Pakiramdam ni Copper tila nananaginip lamang siya ng mga sandaling iyon. Dahan-dahan njya kinurot ang braso para mapatunayan na hindi nagbibiro ang pagkakataon. Mabilis na kumilos para pumunta sa kusina. “Inay! tingnan mo po ito ohh…meron po urgent hiring sa Alliance Corporation susubukan ko po mag-apply” masayang pagbabalita niya sa ina na kasalukuyang nagluluto. Lumapit siya sa may kalan na yari sa semento kung saan naroon ang ina na naggigisa ng bawang at sibuyas para sa pakbet na lututuin. “Anak kung desidido ka talaga mag-apply huwag mag-atubili, subok lang ng subok hanggang sa makasumpong ka ng isang magandang pagkakataon. Tandaan mo kapag meron tiyaga, sigurado meron nilaga.” Hinawakan siya ng ina sa likod at hinaplos pa iyon para lalong gumaan ang kanyang pakiramdam at mas lumakas pa ang loob. “Maraming salamat po Inay sa payo. Hayaan mo Inay kapag meron na po ako trabaho makakatulong na din ako sayo sa paghahanap-buhay.” Isang labandera ang kanyang ina buhat ng mamatay ang kanyang ama, nakita niya kung gaano naghirap at nagsakripisyo ang kanyang ina para lang makatapos siya ng pag-aaral kahit ano klaseng pagkakakitaan pinapasok nito basta marangal at isa lang ang gusto niya ang masuklian ang lahat ng iyon pagdating ng araw. “Come to my office now!” mainit ang ulo ni Zinc ng umagang iyon padaskol na binagsak ang telepono matapos tawagan ang head ng HR. Habang bitbit ang isang folder nagmamadali ang mga paa na lumakad papunta sa CEO office. Kapag ganito na mainit ang ulo ng CEO kinakabahan siya. “Good morning boss” bati ni Miss Guada na nag-aalangan pa na umupo. “Good morning Miss Guada. What's the update?” iritado ang tono ng boses “Sir at the moment there are five applicants interviewed and screened, unfortunately no one passed. But we're looking forward this week.” Kinakabahan man sa pagsasalita pero pinilit niya na i-relax at at maging determined ang sarili sa pagsasalita. “So! I am the one who will do everything here. That’s ridiculous!” kitang-kita ni Miss Guada ang pagsingkit ng mata ni Zinc dahil sa pagkadisgusto sa kanyang paliwanag. Ito na yata ang isa sa pinakaiiwasan niya ang ipatawag ng CEO dahil isa din siya sa nangangatog ang tuhod kapag kausap na si Zinc de Castro. Ewan ba niya bakit ganito katindi ang lalaking ito pagdating sa trabaho. Super strict and demanding ngunit meron din naman nakakapagsabi sa kanya na panlabas lang daw yun dahil ang totoo napakabait daw nito at meron busilak na puso. Marahil nga siguro kasi hindi din naman siya tatagal ng lampas isang dekada sa kompanya nito kung hindi siya satisfied sa pamamalakad nito sa kompanya. “Boss let me handle this!” sabi ni Miss Guada na tila punong-puno ng kumpyansa sa sarili. Nakakaramdam din siya minsan ng pagkapagod tapos magsasabay-sabay pa ang trabaho at problema sa HR office dagdag pa ang employee relations, handling complaints at lahat iyon naaabsorb niya. Natural tao lang din siya kung bakit kasi halos wala natagal na secretary dito sa CEO office. Hindi na yata niya mabilang sa kanyang daliri kung ilang beses nag hired ng bagong secretary para sa CEO. Pero lahat ng iyon hanggang bago lang, walang lumuluma dahil swerte na kung meron tumagal ng isang buwan. Ganoon kabagsik ang isang CEO Zinc de Castro. Heto nga at wala pa isang linggo hindi na pumasok si Rina. “Miss Guada just make sure otherwise you will be fired!!!” parang bomba iyon sumabog sa tenga ni Miss Guada na ngayo'y nakatungo lamang. Pakiramdam niya kinakain ang utak niya ng energy nito ng mga sandaling iyon. “Ok Sir will try to do our best” sa wakas ay nasabi ni Miss Guada. “Miss Guada DO YOUR BEST. You may leave now. Thank you.” pag-uulit pa nito sa sinabi niya emphasizing each word na ang ibig sabihin lamang ay ayaw nito marinig ang salitang “will try to” dahil ang gusto nito on the spot, yun sigurado at wala pasubali, agad-agad gawin niya para magkaroon ng best solution. Bumalik si Miss Guada sa opisina niya na tuliro ang isip. Humarap kaagad siya sa computer upang i-check ang system kung meron pumasok na mga applicants through online application. Sinuyod niya mabuti ang mga iyon pero sa unang pasada pa lamang niya sa first page ng curriculum vitae ng mga ito kinakitaan agad na stil zero potentials.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD