GUTS TO CONFRONT

1238 Words
Humugot muna ng isang malalim na buntong hininga si Copper habang pinagmamasdan ang napakalaking gusali ng Alliance Corporation. Pumasok siya sa fast food chain ng Jollibee na nakatayo mismo sa tabi ng Alliance Corporation building. Kailangan niya ihanda ang sarili at patayin ang kaba na nararamdaman. Dumiretso siya sa comfort room. Ang una niya ginawa ay umihi. Pagkatapos noon ay humarap kaagad sa salamin upang magretouch pero lihim siya natawa sa sarili ng mapagmasdan ang mukha, sa isipin na parang wala naman siya ireretouch doon dahil halos wala make-up at lipstick na nakalagay sa sobrang nipis. Iyon ang katotohanan na allergy at hate talaga niya ang cosmetics kaya pangkaraniwan ay nagkakasya na lamang siya sa face powder na johnson yun kulay white o kulay pink. Pinasadahan niyang muli ang hawak na folder kung saan nakaipit ang kanyang cv. “Good luck Copper Valencia. You can do it.” Pabulong na wika niya na itinaas pa ang kanang kamao na akmang palaban tsaka ngumiti siya na pinisil ang kaliwang pisngi. Mag-isa lamang siya sa comfort room ng mga sandaling iyon kaya wala makakakita sa sa kanya at iisipin na baka baliw siya dahil kinakausap ang sarili. Ilang minuto pa ang nakalipas at nasa b****a na siya ng entrance. Pero hindi muna siya pumasok agad sa halip nagmasid-masid muna siya sa paligid at labas-pasok na mga tao sa gusali. Maya-maya pa nagpasya siya na lumapit sa security guard na panay ang pindot sa cellphone nito na nangingiti pa. “Si Kuya ohh…mukhang enjoy na enjoy sa text mate…inlove” lihim na napangiti bago tuluyang makalapit. “Sir guard good morning” masaya niyang bati sa security guard na nag-angat na ng tingin at binistahan siya ng tingin. “Hi Miss beautiful. How can I assist you?” mabining tanong ng security guard sa kanya. “Sir guard yun totoo maganda ba ako?” pabirong tanong sa sekyu na humagalpak ng tawa “Palabiro ka din Miss beautiful ha!” kwela ang security guard at yun ang gusto niya para madali niya makapalagayang loob ang isang tao. “Sir guard, I came here as I want to apply for a job” nahalata niya na mas lalo naging interesedo ang security guard na kausap siya dahil sa sinabi. Kaya naman dinere-deretso na niya ang pakay. “Ahhh..yes there is job hiring for secretary position. Give me your document and I will give in the human resources office tomorrow.” Nakaramdam siya ng pagkadismaya sa naging sagot ng sekyu “tomorrow” hindi pwede iyon sayang naman ang outfit niya kung hindi man lang siya makasungkit kahit interview within today. Kailangan niya gumawa ng super power reason para makapasok sa loob at makadiretso sa hr office. “Sir guard please payagan mo naman ako makapasok sa loob. I want to go directly in the hr office if you won't mind.” Sinadya niya na pababain ang tono ng boses na parang nagpapaawa ang hitsura. “Miss beautiful sorry pero kailangan sumunod sa protocol. Mahigpit na ipinagbabawal dito ang pagpasok ng walk in applicants for security reason.” Mas lalo pa siya nadismaya sa naging sagot ng sekyu. Ano kaya ang pwede niya ikatwiran para makumbinsi ng bonggang-bongga ang security guard na ito? Saglit siya tumahimik at nagpalinga-linga sa paligid na waring may hinahanap. Maya-maya pa narinig niya na tumunog ang telepono sa outpost desk. “Excuse me miss beautiful” paalam nito sa kanya para sagutin ang telepono. Humakbang siya na hindi gaano nagpapahalata upang mas marinig ang sinasabi ng guard. Ilang segundo lamang ang nakalipas ng mahagip niya ng tingin ang isang familiar na mukha, first time niya ito makita ng personal na dati ay sa magazine lamang nakikita. Para siya hihimatayin ng makita na papalapit iyon sa may gawi ng security guard halos mapugto ang kanyang hininga sa sobrang kaba. Nakasuot ng shade ang lalaki at sa tingin niya mas lalo iyon gumuwapo sa suot nito na shade. Nakasuot lamang iyon ng black denim jeans at white t-shirt. At sa kagustuhan makakuha ultimo kaliit-liitan na detalye tungkol sa kanyang crush nagawa suyurin ng mata niya ang brand. Lacoste. Iyon ang nabasa niya sa laylayan ng t-shirt. Meron pa iyon butones at isa lamang ang ibig sabihin nito sigurado original at expensive ang presyo nito. “Good morning boss” bati ng security guard na halata ang pagkatuliro sa hitsura. Hindi maalis-alis ang tingin ni Copper sa lalaki. Wala siya pakialam kahit sino ang makahalata sa kanya basta bubusugin niya ang mata sa mga sandaling iyon. “Gosssshhhhh…why so gwapo niya?” lihim na kinikilig. “Copper ganyan ka-gwapo ang magiging boss mo” natatawa siya sa naiisip. Feelingera! Assumera! “Copper stop hallucinating” saway niya san sarili. Tinitingnan niya sa mata ang crush niya sa isipin na hindi naman siya nakikita at nakasuot naman ng shade. Lingid sa kanyang kaalaman, kanina pa siya pinapasadahan ng tingin nito. Hindi nga lang halata dahil dark shades ang suot. “Good morning” narinig niya na tugon ng lalaki sa pagbati ng security guard. Ngumiti ang security guard sa lalaki pero dagli din yun napawi. “Where is your id?” nakita niya na halos mawala ang dugo sa mukha ng security guard pagkatapos ito sitahin ng CEO. Seryoso ang mukha ng lalaki. Tila wala ito pakialam sa ibang tao kung magpahiya ng tao. “Mukhang mabagsik ang lalaking magiging boss mo Copper” patuloy na bulong sa isip. “Sir pasensya na po nawala po ang ID ko kanina lang hindi ko namalayan nahulog sa bulsa ko.” Nahihiya na sa sabi ng security guard “What did you do?” napakataas ng boses ng lalaki. Nag-uutos. Makapangyarihan. “I'm sorry Boss” paghingi ng paumanhin ng security guard. Hiyang-hiya ang hitsura nito. “Answer my question! Shall I repeat?” sarkastikong wika ni Zinc. Nangangati na ang dila ni Copper. Awang-awa na siya sa hitsura ng security guard. Malay ba niya kung hindi nga nauunawaan nito ang tanong. At yun nga hindi na niya napigilan ang sarili. “Sir excuse me! Alam ko po wala ako sa position para makialam. Pero hindi po ba narinig mo na ang reason ni Sir guard na nawala ang ID niya kanina so! common sense na lang po of course ang gagawin. He will inform HR to issue for another ID.” Naging mahinahon naman ang boses niya sa pagsasalita pero hindi iyon nagustuhan ng lalaki. Parang gusto na lamang niya umuwi at huwag na ituloy ang pag-aapply matapos alisin ng lalaki ang shades na suot nito. Pero bakit parang nahihipnotismo siya sa titig na ipinupukol nito sa kanya sa mga sandaling iyon? Habang pinapasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ni Copper meron kuryente na nanunulay sa kanyang buong katawan dahil sa mga titig nito. Nagkamali yata siya. “Who are you? I don’t like the way you talk” sarkastikong sabi ni Zinc na hindi parin inaalis ang pagkatitig kay Copper. “I'm Copper Valencia po” diretsong sagot niya. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang kanyang lakas ng loob para sumagot samantalang kinakabahan siya dahil alipin siya ng paghanga sa lalaking ito. Nakita niya na saglit natigilan ang lalaki, sandali iyon nag-isip at dinig niya ang pabulong-bulong na wika. “Copper…Copper…Copper…I’m Zinc...Is this a joke?” naiiling na sabi ni Zinc
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD