LUCKY DAY

1350 Words
Natutulala na hinabol ng tingin ni Copper ang crush na CEO. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala, na nakaharap na in person ang lalaking pinakatatangi. Para sa kanya minahal na niya ito sa murang edad pa lamang. “Miss beautiful baka naman malusaw na si Sir Zinc sa pagkatitig mo. Sana all… tinititigan ng magandang dilag ang CEO.” Pabiro na sabi ng secuity guard sa kanya na meron pa pakindat na nalalaman. Ngumiti siya kahit nakaramdam ng konting hiya. Huling-huli pala siya ng security guard ang kanyang ikinilos. Ang naman kasi itago ng paghanga at pagmamahal niya kay Zinc. “Naku…Sir guard naman…sikreto lang natin yun ha…” pabiro din niya na sagot. Halata naman na giliw na giliw din sa kanya ang securiry guard. “Sige na…dahil sa tingin ko naman ay mabait kang tao. Idinepensa mo pa ako kanina kay Sir Axe. Kaya bilang gantimpala mo. Papayagan na kita na makapasok sa loob. Pero sa isang kondisyon sikreto lang din natin ha.” Masayang sabi sa kanya ng security guard. Dagling nagliwanag ang mukha ng dalaga. Diyos ko po! Isipin pa lang niya na makakapasok na siya sa loob mismo ng gusali. Isa ng blessing para sa kanya. Wish lang talaga niya. Today is a lucky day for Copper Valencia. Lalo niya nahigpitan ang folder na nakasingit sa kanyang kili-kili. Sa wakas magkakaroon na din ng katuparan ang kanyang minimithi. “Thank you Lord!” pabulong na sambit. “Talaga po!!! Sir guard…” namimilog ang mga mata na diretsong nakatingin sa security guard. Tuwang-tuwa siya talaga. Gusto niya maghumiyaw. “Oo! Ihang…maganda…makakapasok ka na. Good luck sayo. Galingan mo ang pag-aapply. Upang ikaw na ang mapisil nila at hindi na mag-screen ng Iba pa applicants. Kung sabagay sa tingin ko pa lang mukha kang matalino. Hindi na ako magtataka kung ikaw ang mapalad na matanggap. Tsaka! Full package ka na Miss beautiful. Kumbaga beauty and brain. Swak na swak sa panlasang kwalipikasyon ni Sir Axe.” Na-flattered naman siya sa komento ng security guard na ito. Nakakatuwa lang na meron mga taong ganito na naniniwala sa kanyang kakayahan at strong personality. “Maraming…maraming…maraming salamat po Sir guard. Nawa’y pagpalain ka pa po lalo ng Diyos. Hindi mo po alam kung gaano ako kasaya. I will try my best po.” sabi niya na ngiting-ngiti. “You are most welcome Miss beautiful. Ano na nga ba ang pangalan mo?” tanong nito sa kanya. “Copper Valencia po.” “Aba…eh…kung hindi ako nagkakamali. Kinuha ang pangalan mo sa periodic table of elements.” Giliw na wika ng security guard. “Opo!” masayang sagot niya. “S-----irrrr…!!!” anito na tila meron inuukilkil sa isipan. “Z-------incccccc…!!!got it…ohh…yeahhh…so kung ikaw ay si Copper at si Sir ay Zinc…ibig sabihin pareho kayo diba…aba! Mukhang meron mabubuo na love team sa kompanyang ito.” Kwelang-kwela talaga si Sir guard at meron pa iyon pakembot-kembot na umastang kinikilig. “Naku…Sir guard ha…nakakahalata na ako. Parang pinagtritripan mo na ako.” sabi niya na halata naman ang pagkakilig din sa hitsura. Paano ba naman siya hindi kikiligin? Kung ganito ipinagmamatch na sila agad ni Zinc de Castro. Her ultimate crush sensation. “Okey…ganito na lang Miss beautiful. Nakaisip na ako ng magandang tandem name ninyo ni Sir Zinc. Pampa good vibes. Pampaswerte sayo ngayong araw.” Hindin matawaran ang saya na bumalatay sa mukha ng security guard. “Ha? Ano po yun?” natatawa at kinikilig na tanong niya. “Ladies and gentlemen. Presenting to you. The ultimate love team of the new generation. Ang pinagsanib pwersa ng pag-ibig na hindi magmamaliw. Zinc de Castro plus Copper Valencia equals the ZIPPER tandem.” Nakakaaliw pagmasdan ang security guard. Itinataas-taas pa nito ang kamay na parang nagtatalumpati matapos ipakilala ang bisitang pandangal. “ZIPPER TANDEM” paulit-ulit iyon sinasabi sa isip. Yaaay….!!! Kinikilig talaga siya. Nagmarka na yata sa kanyang puso. Hoooohhh…okey ang security guard na ito. Sobrang pinasaya ang kanyang araw. Ang galing mag-isip. Ang taba ng utak. Akalain ba niya na mabibigyang buhay nito ang pangalan niya at ang pangalan ng kanyang crush. Oo nga naman. Parang hinulma. Zinc + Copper = Zipper. “You really made my day! Sir Guard!” nakipagkamay pa siya bago tuluyang nagpaalam. Kumaway-kaway pa siya. Bago tuluyang mawala sa paningin niya ang security guard. Sumakay siya ng elevator. Nagpasalamat siya at wala kasabay. Pinindot na niya ang numerong 2. Ayon sa instruction sa kanya ng security guard. Naroon ang human resources office kung saan pwede niya ipasa ang curriculum vitae. “Good morning Ms. Belle. Any update with my new secretary?” kunot noong tanong ni Zinc sa human resources manager na si Miss Belle. Namumutla si Ms. Belle. Kanina nga lang pagkatapos makita na ang tumatawag pala ay ang CEO. Parang gusto na lang niya tumakbo para makaiwas sa tawag ng pinaka-makapangyarihang tao na isa sa kinatatakutan niya. Subalit batid niya na kapag hindi sinagot ang tawag nito. Baka bukas hindi na siya ang HR manager ng kompanyang iyon. Agad-agad? Yes! Ganoon kabagsik si CEO. Walang inuurungan. Walang sinisino si Zinc de Castro. Kapag nagdesisyon ito. Hindi pwedeng mabali. “G----oood mor---ning Sir Z----inccc” paputol-putol na sagot ni Ms. Belle. Ninenerbiyos yata siya marinig pa lang ang boses nito. “Miss Belle are you alright?” lalong nangatog ang tuhod ng hr manager. Dahil sa tanong na iyon ng CEO. Nahalata yata nito ang panginginig ng boses niya. “Yes…Sir” sa wakas ay nakabawi din na sagot niya. “Good!” sagot ni Zinc sa makapangyarihang boses. “Sir Zinc actually we have…” “I don’t need a vague answer. I want an output within today. That’s all.” Halos natulig ang tenga ni Ms. Belle sa lakas yata ng bagsak ng telepono. Nanghihina si Ms. Belle na napaupo sa gilid ng kanyang table. Ito ang hirap talaga sa CEO na si Zinc De Castro. Kapag hindi ka sanay sa ugali nito. Susuko ka agad. Alam niya napakabait nito tao. Iyon ang inner other side ng CEO. Pero pagdating sa trabaho. Pirmis ang kabagsikan nito. Intact ang pagka-istrikto at pagka-perfectionist. Ano ba ang gagawin niya? Hindi nga siya nito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Inagaw pa ang linya niya. Basta kasi sinabi nito. Sinabi na nito. Hindi na pwede mabali o tumutol ang sinumang ponsyo pilato. Meron naman talaga mga applicants for his secretary. Kaya lang wala pa talaga siya mapisil na strong candidate para sa position. Ayaw niya mapahiya as HR Manager. Gusto niya kapag nag-hire siya ng tao. Yun super fit at strongly qualified. Hindi biro ang kakaharapin nito na ugali ng isang Zinc De Castro. So! Bilang isang HR Manager gusto niya salain ng mabuti. Naghahanap siya ng isang job candidate na bukod sa pagiging matalino. Malakas ang personalidad. Yun tipo na palaban ang istilo pero nasa katwiran naman palagi. Yun tipo na hindi basta masisindak kapag sinungitan ng CEO. Nasa ganoong pag-iisip si Ms. Belle ng marinig ang sunod-sunod na katok. “Come in…please!” dahan-dahang bumukas ang pinto at sumungaw ang isang HR staff niya. “Ms. Belle we have a new applicant here for secretary position. She’s a walk in applicant.” sabi ng HR staff. Tila nabuhayan naman ng loob si Ms. Belle matapos marinig ang sinabi ng staff niya. “Ohhh…my God thank you so much. This is answered prayer.” napangiti ang HR staff sa sinabi niya. Parang nahuhulaan na nito kung bakit nagkakaganoon ang boss. “Please let her come in.” mabilis na tumalima ang HR staff para sundin ang ipinag-uutos ng boss. Napangiti si Copper ng balikan siya ng HR staff. Malayo pa lang sa kanya ay nakangiti na iyon. “Lord please sana good news ang dala niya.” bulong niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD