Masusing pinagmasdan ni Ms. Belle ang tindig ng dalaga na kasama ng HR staff. Habang inaabot nito sa kanya ang folder na kung saan naglalaman ng curriculum vitae.
Mukhang nasagot na ang dalangin niya sa inuungot ng CEO. Bilang HR Manager meron siya quick instinct. Kapag nabistahan pa lang ang tindig ng isang tao.
Sa nakikita niya sa dalagang ito. Matalino. Smart. With pleasing personality. Strong personality. Maamo ang mukha ng dalaga. Pero meron din ito anggulo na masungit. Isang bagay na gustong-gusto niya.
“She has a potential. I think I found the right one.” natutuwang bulong ni Ms. Belle sa kanyang isip ng mga sandaling iyon.
Ilang sandali pa at iniwan na sila ng HR staff. Ini-endorsed lang siya kay Ms. Belle. Kinakabahan siya ng mga sandaling iyon. Lalo iyon sumidhi ng mapansin niya na tila binibistahan ni Ms. Belle ang kanyang tindig.
Anyway, super confident naman siya sa kanyang suot na black pencil cut skirt with white inner top spaghetti and black coat. Makadagdag pa ang sa suot na 1.5 inches na black high heel shoes. Sinigurado din niya na naka-make up siya ng maayos. Sa pagkakataong ito. She is on live selling of herself. Wish lang niya maibenta niya successfully. Sabi kasi sa nakagawian. Kapag mag-aapply ka ng trabaho. Just make sure do your best to impress your employer. Don’t let employer feels that you are just only a liability. Instead prove them that you are the best asset of the company. That’s your goal.
“Hi good morning Ma’am. I hope you’re doing good.” masiglang bati niya sa HR Manager na nakatingin pa din sa kanya. Hindi niya kailangan magpakita ng hiya at kahinaan.
She must be proactive.
She must be enthusiastic.
She must be attentive.
She must be vigilant.
At all times.
“Hello…good morning. Please have a sit.” masiglang tugon nito sa kanya na isinenyas pa ang uupuan niya.
“Thank you Ma’am.” sagot niya na umupo na. Inayos niya ang pagkakaupo sa paraang kumportable siya.
“So…you are Miss Copper Valencia. You are graduated with a degree of Bachelor of Science in Business Administration. Fresh graduate.” Sabi ni Ms. Belle. Ilang minuto din pinasadahan ng tingin ni Ms. Belle ang kanyang curriculum vitae. Tila meron doon hinihimay na impormasyon. Pagkatapos ng ilang segundo. Tsaka! iyon nag-angat ng tingin.
“Yes Ma’am…!” may kumpyansa na sagot niya.
“Are you aware in the job that you are applying for Ms. Valencia?” tanong nito sa kanya.
“Of course yes! Ma’am.” mabilis niyang sagot.
“Are you aware with the character and qualities of the CEO-Mr. Zinc de Castro? To tell you honestly. He’s not easy to be with.” sabi nito sa kanya na halatang meron kasama na discouragement.
Magpapatinag ba siya at magpapakita na pinanghihinaan agad ng loob?
“Never say no…!!! Copper”
“Hindi ka ganon…!!! Copper
“Kahit kailan hindi ka sumusuko sa laban ng buhay.”
Tahimik si Ms. Belle habang tinitingnan ang mukha ng aplikante na nasa harapan. Isa ito sa kanyang tricks para kilatisin ang isang aplikante.
Humugot muna si Copper ng isang malalim na buntong hininga.
“Absolutely no…!!! How will I know, Ma'am? Kung hindi ko siya makakasama. In fact, we cannot guarantee that when you are living in one roof with someone else. You will know everything about that person.” Napaunat sa kinauupuan niya si Ms. Belle. Mas lalo siya na-curious sa pagkatao ng aplikante niya. Ibang klase ito sumagot ha! Malakas ang impact. Dinaan siya sa pagkapilosopo. But she was amazed with it as the logic itself emphasized.
Isa na lang. Makukumpirma na niya. Aangat na ang kanyang kamay.
“Why should I hire you, Ms. Copper Valencia? Do you think you are the best candidate among others?” dalawang magkasunod na tanong ang ibinato sa kanya.
“Because I believe that I will be the best asset of this company through my own God given talent. For me! It’s a big yes! Why? Because every candidate has its own best in different ways. That’s why I am here to show and share the best I had. Thank you.” diretsahang sagot ni Copper na hindi kakikitaan ng anumang kaba. Tiwala siya na kalmado niya naitawid ang sagot. Pero hindi pa rin niya makuha na mapanatag ang loob. Hangga’t hindi naririnig ang komento ng HR Manager. Pinagmamasdan lang kasi siya nito. Naiilang man ay hindi na lang niya ipinahalata. Ibabaling pa sana niya sa ibang direksyon ang tingin. Pero napigil iyon ng makita niya na dumako ang kamay nito sa telepono. Hindi landline ang ginamit, sa halip ang personal mobile phone nito na nakalagay sa right side ng desk.
Sa tantiya niya ay akmang magdidial pa lang ito ng numero. Pero tumunog na ang cellphone palatandaan na meron incoming call. Nakalimutan yata nito naka-loud speaker ang cellphone.
“Ms. Belle any update…sorry for the pressure but I need now.” bigla siya kinabahan ng marinig ang boses na iyon. Kitang-kita din kasi niya kung paano namutla ang mapula-pulang pisngi ni Ms. Belle. Wala siya ideya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Kung hindi siya nagkakamali nagdedemand ang nasa kabilang linya. Problemado ang mukha ni Ms. Belle pagkababa ng telepono. As usual hindi na naman niya nakuhang magsalita. Dahil mabilis na naibaba ng CEO ang telepono.
“Ohh…sorry…Ms. Valencia” naiiling na sabi ni Ms. Belle sa kanya. Huli na nito namalayan tsaka ini-off ang loud speaker button. Tumayo si Ms. Belle at lumingon sa kanya.
“Please follow me, Ms. Valencia.” mabilis na tumayo para sumunod sa sinabi ni Ms. Belle. Gusto pa sana niya magtanong kung saan sila pupunta. Pero ilang sandali pa nakita niya na sinundan nila ang arrow sign, na meron nakasulat na to CEO’s office.
Kung kanina kalmado siya. Ngayon parang naghahabulan ang mga daga sa kanyang dibdib. Natatakot ba siya?
Paano naman siya hindi makakaramdam ng takot. Binigyan na siya ng sample kanina. Mukhang totoo yata ang sinabi ni Ms. Belle na “he’s not easy to be with”
Pagpasok nila sa opisina ng CEO. Pakiramdam niya para siyang sisintensyahan ng silya elektrika. Napakalinis ng loob ng opisina. Napakalamig din ng paligid. Centralized kasi ang aircon. Pero bakit tila kabaliktaran ng nararamdaman niya ngayon. Maalinsangan na sobra. Nakatungo ang lalaki. Tutok na tutok ang mata nito sa papel na hawak.
“Hi boss good morning. Have a sit, Ms. Valencia” bati ni Ms. Belle sabay senyas sa kanya na umupo sa harapan ng CEO. Sumunod din si Ms. Belle na umupo sa katapat naman niya na upuan. Kinakabahan man ay umupo siya na pilit kinakalma ang sarili.
“Boss I have here, Ms. Copper Valencia a new applicant for CEO’s secretary position. We’ve done already for spot interview just a while ago. This is her CV including my comments for your reference.” kaswal na sabi ni Ms. Belle sabay abot sa isang folder sa lalaki.
“So! How is she?” noon ay nag-angat ng tingin ang lalaki at tumingin sa kanilang dalawa. Pero kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Dumako na kasi ang tingin sa kanya. Napahawak pa iyon sa baba na parang meron pilit na inaalala sa isip.
Nakikita niya na bubuka na ang bibig ni Ms. Belle para sagutin ang tanong nito. Pero naantala ng bigla sumingit ang CEO.
“So! She is…!!!”sabi nito na may diin ang bigkas.
“OMG…!!! Nakilala yata ako…huhhh…” panay ang bulong niya sa isip.